Madalas kahit wala naman tayong problema, kunot na kunot parin ang mga noo natin sa pag-isip ng poproblemahin. Lovelife, trabaho, pera or life in general man ‘yan.
Recently ang dami kong problema, o mas tamang sabihing and dami kong inaasahang problema. Tipong lagi kong inaalala ang problema ng bukas to the point na nakalimutan ko na, na may ngayon. Ngayon na dapat kong pasalamatan, ngitian, dahil nariyan. Hindi kagaya ng problemang wala pa naman, na madalas hindi naman darating, kasi si God pala nautusan na ang universe para pawiin ang kunot ng noo natin.
#teampositive
Isa sa mga lumang post ko sa dito sa kaloythoughts ay ang BATAS PANGKALAWAKAN https://kaloytoots.wordpress.com/2012/02/02/batas-pangkalawakan/ and after reading it again it still make sense. Pero natutunan ko din na kung may mga batas pangkalawakan, meron din tayong pangkalawakang hakbang. At iyon ang mga desisyon na ginagawa natin na tayo lang ang nakakaalam nang tunay nating dahilan, kasama na roon ang mga sinunod at sinaway nating mga batas pangkalawakan.
Kahapon pinagupitan ko nanaman ang buhok ko after 6 months. This time, hindi lang ito basta mahaba, may kulay din ito dahil na rin sa trabaho ko bilang theater actor. Isang pangkalawakang hakbang para sa pagsunod sa isang batas pangkalawan- batas ng paaralan, na malayo sa mahigit isang taon kong pamamalagi sa sining ng entablado.
Mukhang tuloy na talaga ang pagbabalik ko. 😀
Tipong paglabas mo ng classroom, proud ka. Kasi may sense of fulfillment.
Matagal ko ng alam na madumi ang politika, madalas ko kasing naririnig iyon mula nung bata pa ako. Pero ngayon ko lang napatunayan na tama ang mga naririnig ko. Madumi talaga ang politika.
Ito ang unang pagkakataong boboto ako. Kabado, excited, takot at tapang ang naramdaman ko bago tuluyang burahin ng indelible ink ang mga ito at palitan ng galak. Tipong paglabas ko ng classroom, proud ako. Kasi alam ko na ginawa ko ang unang hakbang para makatulong sa paglilinis sa dumi ng ating politika; ito’y sa pagpili sa mga pinaniniwalaan kong makatutulong sa bayan. Sa ganoong paraan magkakaroon ako ng karapatang umalma, magreklamo, sumunod at magbantay sa magiging bukas natin sa kamay ng ating mga susunod na mga pinuno.
Talamak ang bilihan ng boto, pero sana huwag nating bigyan ng presyo ang kinabukasan nating lahat.
Pagkagising ko sa araw ng mga ina, walang toothbrush akong inapura ng mga kapatid ko na magbihis ng mabilis dahil mag-cecelebrate daw kami ng MOTHER’S DAY sa public pool.
No joke, nakalimutan ko talagang magsipilyo pero mantakin mo nakaligo at nakapag apple diet parin ako! Naks. (Apple diet: Pagkain ng mansanas isang beses isang araw.)
Sa kabuuan masaya at naging family bonding talaga ang araw na ‘to. At natuwa talaga ako sa pinag-swimmingan namin, hindi ‘to kilala dahil medyo tago ang lugar nito na naging dahilan ng kagandahan niya kumpara sa mga siksikang resorts.
Pero dahil special day nga ang araw na ito dapat may ka-engotan akong kapalpakan. Perfect na ang lahat, pati ang sweetened macaroni ni mama okay naman na, kaso biglang nag-text ang isa sa mga ginagalang kong mentor/judge/artist, si Maam Erlie. Nagpaabot ng pagbati sa mga ina, at syempre magrereply ako habang busy sa paglilinis ng cabinet na naging sanhi ng pagka-engot ko.
Reply ni Kaloy:
“Happy Mothsary Maam Erlie!!! :D”
Hagakgak sa pagka gulat kaming dalawa. Hahaha!
Just a second we’re not broken just bent
And we can learn to love again
Recently LSS kami ni Erica (kasama ko sa trabaho, siya ang Maria Clara ng Noli namin) sa kanta ni PINK na JUST GIVE ME A REASON. Pero bago ‘yon naging paborito din naming kinakanta ang SOMEBODY THAT I USED TO KNOW at TITANIUM kung saan madalas siya ang nagdadala sa tinatawag na blending.
Usually pareho kami ng mga song choice, at kapag napagtripan namin, panigurado duet sa office ang magaganap.
Kaya ng makita ko na may duet sina Sarah at Bamboo sa kasalukuyan naming paboritong kanta, natuwa ako. At palagay ko marami pang natuwa, hindi man sa version nina Sarah at Bamboo pero sa mismong kanta.
Siguro dahil tama ang lyrics sa kanta ni Pink; we can learn to love again. Dahil minsan hindi natin maiwasang masaktan lalo na kapag pagmamahal na ang usapan.
Sa mga single na katulad namin ni Erica, ‘wag tayo mawalan ng pag-asa!
We can learn to love again -kanta nga ni Pink. 🙂
Kapag sinabihan ka ng
“describe yourself in one word”
ano ang isasagot mo?
Isa siguro ‘yan sa mga pinaka mahirap sagutin na tanong.
Madalas kasi, ibang tao ang mga hinuhusgahan natin- mas sanay tayo sa ganun.
Bigla ko lang naalala nung nag-aambisyon pa ako makapasok sa mundo ng showbiz, nag-audition ako sa PBB at ‘yan ang tinanong nila habang nakikipag titigan sa akin ang isang masungit na camera.
“I’m a dreamer”
‘yan ang unang pumasok sa isip ko at agad lumabas sa bibig ko.
Pagkatapos kong sabihin ‘yon tapos na din ang audition experience ko sa pangarap na maging housemate ni Kuya.
Siguro kung tatanungin ulit sa akin ang tanong na ‘yon, malamang iyon parin ang isasagot ko. Bakit? Kasi sa palagay ko, ang pangangarap ay isang bagay na hindi kailanman mabibigyan ng halaga, mababahiran ng politika o mananakaw ng basta-basta.
Libre ang mangarap, at mananatiling libre ito lalo na sa mga taong hindi lang basta nakikilibre, kundi nagpupursige, nagtyatyaga at ipinaglalaban na tuparin ang mga ito.
eh malay ko ba kung may galit ka pa din ako nagalit ako sayo eh pero wala na un, wala na din naman ako magagawa eh tyumetyempo lang ako na kausapin ka eh nag text ka nung nakaraan kaya aun, naglakas loob na ako ittry ko lang naman kausapin ka eh nagreply ka, eh di masaya.
Sa blog world mas magsusulat ako kesa sa magbasa…
Pero minsan parang love, nala-love at first sight ka at wala ka ng ibang magagawa kundi magbasa ng magbasa at magbasa pa ng magbasa.
Pag-uwi ko kani-kanina agad akong umupo sa harapan ng computer at nag check ng facebook at nag-update ng blog. Dahil Sabado naman ng gabi, walang trabaho bukas. Tapos may nakita akong blog page na magnanakaw ng oras.
English ang language niya pero ang nakakatuwa sa pagbabasa ko sa ilan sa mga post niya, parang nakita ko ang mga thoughts ni kaloy na translated sa lenggwaheng hindi ko komportableng gamitin sa pagsusulat. Kaya ayun masaya ako, kasi parang naishare ko na din sa mga taong hindi nagtatagalog ang mga laman ng nagtatae kong isip.
Kumbaga nakarelate lang talaga ako. Astig nun!
–
Ipa-publish ko na sana ‘to, tapos bigla kong tinignan ang kinabiliban kong blog… Anak ng kamote, kilala ko pala ng personal ang blogger!!! Engot din talaga ako minsan. Hahaha.
Sa pagdapo muli ng bubuyog-
sa bulaklak.
Manunumbalik ang pag-asa.
Mangangarap muli.
Sa pagdapo nito
mamumukadkad-
ang bulaklak,
na pinitasan ng galak.