kaloythoughts

Monthly Archives: Hunyo 2013

Ehem! Buhay pa po ako. Pero magpapanggap akong patay ngayon para magparamdam.

Matagal-tagal din akong umabsent dito sa wordpress, dahil mag-iisang buwan na akong present sa eskwela. Yup! Balik eskwela na si Kaloy. Inuulit ko, balik eskwela na si Kaloy!!! Inuulit ko ulit, balik eskwela na si Kaloy!!! BALIK ESKWELA NA AKO! Paulit-ulit na ba? Sorry masaya lang kasi talaga. 😀

Lunch time with my new classmates. :)

Lunch time with my new classmates. 🙂

Same course, same school pero updated and better me. Third year HRM padin ako sa Holy Angel University. Gusto ko sanang mag-shift ng course na mas related sa trabaho ko pero I decided na tapusin ko na muna ‘to. Noong mga unang araw aminado ako na medyo hindi na nga ako sanay maging estudyante. Nabobore ako sa mga teachers, classmates, naliligaw ako ulit sa mga offices at classrooms at nangapa ulit ako sa student life. Tipong ang mga”tests” ay ite-take ko ulit after learning the “lessons” na ituturo ng mga teachers. Malayo sa naranasan at nakagawian ko na sa trabaho- araw araw “test” at madalas kasunod ‘yon ng “lesson”.

Pero dahil kailangan kong matapos ng pag-aaral, inisip ko na lang na trabaho ko ngayon ang maging estudyante. At kapag sinabing trabaho, “we should always commit to excellence” at syempre “have fun!”.

And because of that, I’m loving my job.

Nga pala ako ang president ng section namin, tapos recruited din ako to be an official member ng isang bagong org. sa school ang HAUDS o Holy Angel University Debate Society. Then may new offer ngayon ang school ang “work and travel” tipong pwedeng kunin ang practicum namin sa USA. Tapos may new goals and objectives din ako syempre, at isa sa mga ‘yon ay ang maging

President’s Lister this school year. (Crossed fingers)

Medyo napahaba na ata ‘to, namiss ko lang talagang magkwento.
At namiss ko din lahat kayo! 😀

 

Advertisements

Katatapos ko lang sa medyo luma ng libro ng isa sa mga paborito kong author noong high school bookworm pa ako, si Ginoong Mitch Albom.

Ayoko naman ikwento ang istorya ng libro, pero pagkatapos kong basahin ang “for one more day” niya, sumang-ayon ako na “When someone is in your heart, they’re never truly gone. They can come back to you, even at unlikely times.” 

Recently, nawalan ako ng cellphone. Though hindi naman ako masyado nalungkot about it, nag-effort parin ako na hanapin at umasang babalik parin ito sa piling ko- pero wala, hindi na talaga ‘to nagpakita.

Nag-public announcement ako via Facebook and life goes on…

Tapos one day habang naghahanap ako ng damit na pangmagsasaka na pula (costume ni Elias) sa public market ng City of San Fernando kasama si Erica dahil  may raket kaming dalawa bilang ako si ELIAS at siya si MARIA CLARA may biglang sumigaw sa pangalan ko.

Carlo! lo… lo… lo… [echo]

Bakit hindi ako nagrereply? Bakit hindi ako sumasagot sa mga tawag niya? Sino siya? (nguso kay Erica)

Ang dami niyang tanong, pero ng mga oras na ‘yon, ang saya ko na makita ko siya ulit. Parang sa kalagitnaan ng exam mo na hindi mo pinaghandaan e bigla kang pinasahan ng answer key. Alam mong hindi tama, alam mong mali pero hindi mo mapigilang mapangiti.

Mahirap ibalik ang dati ayon sa libro ni Albom, pero hindi naman niya sinabing imposible. ❤


Kaya ayun, pagkatapos ng mahigit isang buwan na pinag paguran, puyatan, at pinagtyagaan naming Summer Grand Recital hosted by Erica at ang masugid ninyong manunulat noong June 1, (birthday din ni Leo) nagtambay kami sa park kung saan nabuo ang tapang ng aming memorable travel.

11pm tapos na ang lahat, nasa park kami nina Erica at Leo. Tig-isang swing kami, nagluto daw ng pansit ang nanay ni Leo, pero hindi siya ganun ka-excited dahil walang gaanong lasa magluto si mother dahil sa health conscious ang matanda.

12am nasa 7 Eleven kami, pinagpapalanuhan ang mga magiging hakbang namin. Sabi ko, gusto kong pumunta sa ibang branch ng 7 Eleven, pero’yong ibang dialect na ang ginagamit ng mga tao.

1am nasa bus terminal na kami, gusto namin mag out of town. Baguio! Kaso kukulangin ang tiglilimang daang pisong pera namin. Gusto namin mag beach, wala kasing dagat sa Pampanga, (Pampanga river meron).  Nagtanong kami sa konduktor, meron daw dagat sa DAGUPAN. Pasok naman sa pera namin ang 211 each na pamasahe papunta roon, bahala na kung paano makakauwi.

Pagkagising ko, nasa Dagupan na kami. 3:30am ng tignan ko ang relo ko. Isinakay kami ng tricycle ng mabait na konduktor na nagsabing may beach sa dagupan, nagkataong pa na biyenan niya ang tricycle driver na naghatid sa amin papuntang dagat. 700 ang unang presyo ng cottage na tinanungan namin, tinuruan kami ni ng biyenan ng mabait na konduktor na mangpanggap na taga St. Michael lang kami para ‘wag kami singilin ng mahal at dahil pag-arte ang trabaho namin, pati accent nila sa pagsasalita at paggamit ng “MANONG at MANANG” nakuha naming gayahin.

4:30am natulog kami sa cottage sa halagang tatlong daan.

6:30am gumising kaming tatlo at lumangoy sa maalat na dagat, nakasakay din kami ng bangka at nakapag almusal ng bangus.

Paubos na ang pera namin, kailangan na namin umuwi. Last plan, maglakad sa city proper ng Dagupan, window shopping na lang ang pwedi naming gawin.

Pero, may biglang kumausap sa amin. Matandang lalake, Attorney. Taga dagupan at nagkakawang gawa na tumutulong sa inilalabang lupa ng may ari ng cottage na nirentahan namin. Napansin niya kami, nagtanong kung sino kami at nagpakilala kung sino siya.

Siya daw si Atty. Rudolfo Urbiztondo, ang ang nag-impeach kay Erap at Assistant Solicitor General.  (hinidi ko masyado maintindihan ang trabaho at posisyon niya halos technical terms kasi ang mga narinig ko.)  Nagpapicture siya sa amin at nagbigay ng calling card dahil nalaman niya na niyang theater actors kami- at mahilig siya sa theater plays. Kinuha din niya ang number namin tsaka na siya umalis. Bumili lang kasi siya ng sariwang isda kasama ang isa sa walo niyang anak na bigatin ang mga natapos sa University of the Philippines.

10am plano na naming bumalik sa Dagupan City, kulang ng ang pangkain namin.

but God is good. Atty. Urbiztondo called and invite us in his farm for a lunch.

Kaya ayun nagpatuyo kami kaagad (wala kaming dalang ibang damit kundi ang suot namin, na ginamit din naming pangligo sa dagat)  at sinimulan na namin ang journey to our next stop, Villa Fanni!

Sumakay kami ng jeep pabalik ng City proper, doon ko naalala na gusto kong mag 7 Eleven kung saan hindi na Kapampangan ang salita ng mga tao kaya tinupad muna namin ‘yon bago humanap at naghintay ng jeepney papuntang Malasique, medyo traffic pero pagdating doon tricycle na lang at nakarating na kami sa farm ng bago naming kakilala.

266 pesos ang lahat ng nagastos namin para makarating sa Farm. Buwis buhay na kami dahil pamasahe pauwi na lang ang pera namin. Buti na lang at napaka bait nina Atty at ng kanyang anak na Doctor pala. Kumain kami ng homemade fisherman’s soup at napakasariwang mga bangus. Pagkatapos ay hinayaan niya kaming libutin ang napaka payak at tahimik niyang hobby farm.

Ibinahagi din niya ang kanilang mga picture album kung saan nakita ko ang ilan sa mga kilalang public figure ng bansa kagaya nina Renato Corona, Cory Aquino, Imee Marcos at si Eddie Guttierez.

Pagkatapos ng lahat ng iyon, inihatid pa kami ni Kuya Igor, (anak ni Atty.)  sa terminal ng bus.

Totoo nga ang sinabi ni Paulo Coelho, “Travel is never a matter of money but of courage na dadagdagan ko ng luck and charm.”

At para tapusin ang blog post ko na ito, gusto kong i-share ang quotable quotes ng mga taong nakilala namin sa Dagupan.

(talking about kung mastranded kami sa gitna ng dagat, which I think can be applicable to life)

“sumunod ka lang sa sayaw ng alon, meron at merong tutulong at sasaklolo sa ‘yo”  -may ari ng cottage na nirentahan namin

grow old with grace and style.” -Atty. Rudolfo Urbiztondo

sinabi din niya kina Leo at Erica…

I always tell my daughters, follow your heart.

two thumbs up, DAGUPAN!!! 😀

(to be follow na lang ang mga pictures namin)



Sesemonster

minsan kahit maasim ang buhay at may mga daga, masarap pa ring tumaya...

blag bleg blig BLOG blug

Perlas na bilog, huwag tutulog-tulog, sabihin sa akin ang correct answer.

Chalking Jobz

kapag ubos na ang tinta at pudpod na ang lapis

Pinay

I don't want to be defined.

what i talk about when i talk about films

& other things i like to talk about

Spectator

a gray person

The Better Man Project ™

a journey into the depths

Il Dolce Far Niente

The Sweetness of Doing Nothing

boy with a hat

writing as a way of life

May Tumawag sa Pangalan Ko.

Ang maKESOng mundo ni Chizkeyk

The Art Studio by Mark Moore

Where Imagination Becomes Realality

Ray Ferrer - Emotion on Canvas

** OFFICIAL Site of Artist Ray Ferrer **

stillness of heart

MUSINGS : CRITICISM : HISTORY : PASSION

willowdot21

An insight to a heart mind and soul.

Mythbroakia

STAY MYSTIFIED!

writinglikeastoner

Understanding life experiences, life lessons and being a better person.

The Good Greatsby

Paul Johnson's comedy blog: I didn't get into comedy to be rich or famous. All I've ever wanted was to be loved...by somebody rich and famous.

Susie Lindau's Wild Ride

Come for Adventure. Stay for the Ride!

I Kissed My Date Goodnight

Embarking on motherhood through the miracle of adoption.

glittering soot on her eyelashes

When I weep, I want to fuck it away. ~ Anais Nin

A Traveler's Tale

photography and travel interests, places, and things

Eastern Sea Star

This site will feature a wide variety of posts

wittypixaday

Just another WordPress.com site

Jillian Is Your Friend

{ramblings & chronicles on food x music}

COPYCARLA

The Lost Copywriter

Leaves in the Pages

Leave your mark on the page.

Ross Gale is a writer and editor from the Pacific Northwest.

Ross Gale is a writer and editor from the Pacific Northwest.

twitchyface

a personal blog

Traveler on Foot

Photo-essays and travel narratives

Sorry Television

Reading a book a week

Blog ni Lolo

Living a life with no regrets.We only get one shot at life. Make the most of it.

allmostrelevant

Want to see what an Instagram with no pictures looks like? @allmostrelevant

CoreyPonders

A Young Man From Wales That Writes Poetry......

Golden.Faith.Within

following LOVE. showing JOY. seeking PEACE. spilling PATIENCE. integrating KINDNESS and GOODNESS. holding FAITHFULNESS. keeping GENTLENESS. abiding SELF-CONTROL

urbanarchiver

My O_o @ Techs, Food, Travels, Cars, Fashion...A Diary, A Photoblog whatever....

Creativity Aroused

Arouse your inner creativity. Listen to your creative voice. Explore where it takes you!

Bucket List Publications

Indulge- Travel, Adventure, & New Experiences

jofelynmartinezkhapra.wordpress.com/

All content and images Copyright © 2017 Jofelyn Martinez Khapra. Any duplication or use of the images without her express permission constitutes copyright infringement.

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

%d bloggers like this: