Hanggang kailan kaya tayo mag co-comply sa invisible rules ng mundo? Malamang, hanggang hindi pa nakakapaglakad ang dalagang bukid sa bukirin, magpapatuloy parin ang pagsunod sa mga ito.

Recently, nagsawa ako sa fish-cut, mohawk, at semi-kal. ‘yan lang kasi ang katanggap-tanggap na gupit ng makapal, matigas, at medyo kulot kong buhok. Sadyang malakas kasi ang genes ng nanay ko at hindi ako pinag pala ng
maganda’t pang-commercial na crowning glory. ‘yong tipong nagba-bounce pag
tumatakbo ka. O kaya mastyle mo gamit ang gel, pamada at ang trend ngayon na wax. Dehins lahat yan tumatalab sa buhok ko kaya pagpasok ng 2012 na end of the world year daw, napagdesisyonan ko na magpa long hair naman. Tutal, uso naman ang nag papa-dreadlocks at afro sa halagang hindi pang masa, bakit hindi ko hayaang masubukan ‘yon ng buhok ko in a natural way! Pero. Mahirap pala. Meron nga pala tayong sinusundan na batas pangkalawakan. Mga batas na hindi nababasa at nasusulat pero dapat sundan. “Oh! Anong nangyari sayo? Mukha kang ermtanyo. Pogi!”, “Astig ng buhok natin ah?”, “Ang magandang buhok katulad kay kaloy, walang ayus-ayos!” sabay tawa. Astig diba? Puro positive ang comments pero negative ang dating pagkatapos ng mas makabuluhan nilang reaction sa buhok ko – ang kanilang mga tawa.

Bakit ba tayo nagdadamit? Bakit kailangan alisin ang sumbrero sa loob ng classroom? Paano kung may malaki kang poknat at gusto mo lang itong takpan? Bakit mo nga pala ito tatakpan kung parte naman talaga ‘yon ng iyong katawan – ng iyong pagkatao?

Bakit maraming accountant students na gusto naman talagang maging nurse, musician, dancer, singer, pintor, vendor, tinidor, lumamon, tumambay, mag-asawa ng bumbay. Bakit ba hindi magawa ng tao ang tunay niyang gusto? Bakit ba kahit wala namang pumipigil sa kanyang gawin ang sinisigaw ng puso niya eh minsan/madalas nauuwi parin tayo sa pagsunod sa mga batas pangkalawakan; Mga batas na hindi nababasa at nasusulat pero dapat sundan.

Kailangan ko na ngang mag pagupit.