kaloythoughts

Monthly Archives: Disyembre 2012

Opo, butoytoy ang inyong nabasa. Rhyming diba?

Kaloy Butoytoy

Mahirap kalaban ang nakaraan. Kaya harapin na lang natin ang kasalukuyan at paghandaan ang kinabukasan! 😀

Itong taon na ito:

1. Natuto ako maglaba! nakakapagod nakaka-enjoy pala talaga. dapat positive vibes no. 1 panaman sa list.

2. Huminto ako ng pag-aaral. trip lang talaga ‘yon para hanapin ang sarili ko. (naks!)

3. Nag audition ako sa isang musical play. Inuulit ko, MUSICAL play. san ko kaya nakuha ang lakas ng loob ko noon?

4. Nakakuha ako ng role sa Noli Me Tangere The Philippine Musical Tour. At take note, hindi ako extra!

5. Nakapag voice lesson ako at kung anu-ano pang lesson hanggang sa pagmamake-up ng sarili.

6. Nakilala ko ang mga taong walastik pantastik ang talent!

7. Nafeel ko kung paano ang pakiramdam ng isang aktor sa entablado at sa likod nito. Share lang, mas maraming kwento sa backstage at maraming mga hubadero katulad ko.

8. Nakapunta ako ng Dagupan.

9. Nakapag beach sa Zambales.

10. Nakakain sa madaming kainan.

11. Nakakilala ng mga politician. Nakita ko pa si PNoy!

12. Nakapag workshop kay Sir Edward Cabagnot ng CCP.

13. Nakagawa ng isang short film na nag-uwi ng tatlong award.

14. Nakapag direct.

15. Nakasulat ng maraming tula, prosa at scripts.

16. Naging guest speaker sa workshop ni Sir Eros Atalia. Oha!

17. Nakabili ng Aleph ni Paulo Coelho pati syempre ng It’s Not That Complicated ni Sir Eros.

18. Nakapag ponytail ako ng buhok.

19. Nagkaroon ng reading glass. Salamat sa ORC.

20. Bagong sapatos at mga karagdagang damit. Hindi ko man lang mapasalamatan ang mga sponsors dahil wala naman ako noon! haha.

21. Maraming bagong kaibigan! Isa ka sa mga doon, kasi nakaabot ka sa pagbabasaa hanggang dito.

22. Nagkaroon ng biglaang bahay.

23. Namuhay malayo sa pamilya, wow independent bachelor lang!

24. Nakapag kanta sa karaoke! (Peksman this year ko lang ginawa iyon)

25. Naghost ng mga party events.

26. Nasubukan ang susyalang trick or treat, pati na rin ang bayanihan ng mga magkakapitbahay sa pagkakaroon ng Christmas party!

27. Kahit papaano, tumaba ako!!!

28. Nag upgrade ng isang baitang ang cellphone ko! May Mp3 player na ito ngayon bukod sa dating flashlight lang.

29. Nagkaroon ako ng tarpaulin, ‘yong mukha ko ang nakabalandra sa kalsada! Eeew!!!

30. Nagblow ako ng birthday candle sa chocolate cake ko! At may surprise gifts pa na first time ding nagpaiyak sa akin.

31. Nakakain sa Korean Restaurant.

32. Nagkaroon ng account sa wattpad.

33. Nakapunta ako ng Isabela!

34. Nakapag show sa humigit kumulang 20,000++ audience! At KUMAKANTA ako sa bawat shows. (hindi kaya nabasag ang mga eardrums ng mga kawawang manonood pagkatapos ako mapakinggan??)

35. Nakapag pictorial sa Nayong Pilipino.

36. Nakapagshow sa SM Cinema.

37. Nakapag radio guesting sa Bombo Radio.

38. Nakabisita sa puntod ng kuya at lola ko.

39. Naexperience ko magbukas ng tatlong kandadong pinto gamit ang kutsara! Pati na rin ang mag-akyat bahay. Mahirap pala ang trabaho ng mga magnanakaw.

40. Naging bahagi ng isang professional indie film “DUKIT” kahit isang araw lang. Kapag artista ka pala, bahagi na ng trabaho mo ang maghintay ng maghintay ng maghintay..

41. Nakakilala ng ibang theater group at nabiyayaan makapanuod ng kanilang mga palabas.

42. Nakapunta sa iba’t ibang schools ng Pampanga bilang marketing team.

43. Nakapag summer recital kasama ang mga students ng Academy of Performing Arts.

‘yan ang mga naitake note ko sa planner ko. May mga ilang notes na masyado ng personal o di kaya’y pang MMK na ang tema. Pero sumo tutal ang taong inakusaang “END OF THE WORLD YEAR” ay masasabi kong start of my new career! Naging itong napaka kulay, madrama, maaksyon at makabuluhan hanggang sa huling araw nito. It’s been a roller coaster of experience but at the end, you need to accept that whether we like it or not, the ride will end and the only thing that’s left is to move on, bringing all the memories and experiences that keeps you in this wonderful world. Masayang mabuhay, at lalong masaya kapag may napapasaya tayo sa makabuluhang buhay na ating binubuhay kasama ang mga taong darating, aalis, makisasabay at mga mananatili sa ating tabi. People come and go, and we need to live with it. Katulad lang ng ilang sandali na lamang ay kailangan na nating magpaalam sa 2012 at harapin at salubungin ang taong 2013 na may bagong pag-asa, lakas at tiwala sa Panginoon na ang lahat ay mas magiging maayos at makabuluhan.

Sorry for all the mistakes and thank you for all the memories and wonderful experience!

2013 let’s get it on!!!

Advertisements

Mahirap kalaban ang nakaraan,

o mas tamang sabihing

wala kang laban sa kanya.

 

Kailangan mo na lang sumuko,

baka sakaling hindi ka mamatay.

 

 


 

Minsan hindi mo maiiwasang magdalawang isip.

Lalo na kapag alam mong gusto mo siyang mahalin ng totoo.

Habang pinararamdam niyang wala siyang panahon sa ganoon.



Kinalawang ang tiwala ko sayo
nang nalaman kong guhit sa tubig
ang pag-ibig mo. Kagaya ng pagtubo
ng aking mga sungay, at pangil.

Hindi ko na ipipilit.

At ito ang unti-unting,
kumikitil- sa dating
paraisong hardin.
Kung saan ikaw ang paru-paro.

Lanta na ang lahat ngayon.

Ayaw na kitang habulin pa.
Hindi na kita hahabulin pa.


Panata na ata ng high school barkada ko ang magsamasama dalawang araw matapos ang pasko. Bukod kasi sa paniguradong libre kaming lahat at may pera mula sa nakalipas na okasyon, kaarawan din ito ni Bel (isa sa mga matalik kong kaibigan) Pero ayon sa kwento samin ni Bel, September 27 talaga ang birthday niya, nagkamali lang ng lagay sa birth certificate at naging December.

Alin man ang katotohanan, December 27 will be one of the two important dates ng barkada. November 2 (birthday ni Gara) at December 27 lang kasi talaga kami nakakapag bonding, tipong walang oras na kailangang alalahanin o projects at gawaing hahadlang sa walang katapusang kwentuhan at tawanan. Swerte na kung makapagsama-sama din kami sa ibang birthday celebrations, pista at ibang events ng iba pang kasamahan ng barkada.

SWAK

 

SWAK

Nitong Huwebes, araw nanaman ng pagkikita namin. Bumisita nanamin kami sa kaharian ni Bel. Medyo malayo at nakatago sa usok ng mga sasakyan. Isang simpleng tahanan at malawak na taniman na may kubong taun-taong nagduduyan sa aming magkakaibigan. Naligo kami sa lawa, kumain kami ng pako, kalamay, native chicken na kinatay at niluto ng lola niya na mabilis din naming nakasundo at nakawentuhan.

 

 

Hindi inaasahan ni Bel na darating ang iba pa niyang mga kaibigan bukod sa amin na naging parte din naman ng masaya’t simpleng araw na iyon. SWAK

Tumatanda na nga kami, patuloy na lumalawak ang mga taong nakikilala at nagiging parte ng aming mga kanya kanyang buhay. Napansin ko rin na iba na ang mga napag-uusapan namin at napagkukwentuhan. Malayo na sa mga simpleng bagay na noo’y akala namin komplekado na.

Sa kabuuan kulang man ang barkada, alam kong tumatanda kami kasama ang pagtanda ng isang samahang may pinagkakatandaan. SWAK


Kahapon, bisperas ng pasko. Christmas party sa Florida Residences. (lugar kung saan ako namumugad recently) Kiddie party ang theme. Ako ang naghost mantakin mo ‘yon!, parang repeat performance sa nakaraang Halloween party hindi pa nadala sa hosting prowess ko. =D

Pinagkaiba nga lang mukha akong grade school sa suot ko. Plain green shirt, maong na short, mataas na medyas, sapatos, backpack at salamin. Pakiramdam ko tuloy ako si Nobita, kaibigan ni Doraemon, na color blinded sa napiling damit.

Ganun pala kapag nagkakaisa ang mga magkakapit bahay. Potluck ang mga mommies patalbugan sa sarap, ang kukulit at cute ng mga tsikiting, at binisita pa kami ni Santa! Habang ang mga daddies naman tulong tulong sa pagset-up ng venue at ng mga kakailanganin.

Masaya din dahil naka-attend sina Mama, Aki, Ate at Kuya Wam na natuwa rin sa pakulo ng buong subdivision.

Masaya maging masaya, pero mas masaya ang makapagpasaya.

Florida Residences will always be a home to me. Inampon ako ng community sa tulong narin ng kanilang President na si Madaam Mich. At sa bahay ni Kuya Patrick na parang bahay narin namin ni Joel.

Sa kabuuan, hawak ng taon na ito ang best Christmas ko!

 


Si Kaloy naging Karla!!

Rod, Kuya Erwin, Kaloy

Hindi ko namalayan pasko na pala, masyado akong naging abala sa mga pinagkakaabalahan ko. Kahapon ng kahapon December 23, Christmas party ng Golden Passage isa sa mga negosyo ng Direktor namin sa Noli Me Tangere. Kandidato si Kuya Erwin sa pakulong Miss Gay ng mga tunay na lalaki. ‘yon ang main event ng party. Medyo may edad na si Kuya Erwin, bukod doon hindi siya performer, kaya kinontrata niya ang tulong ko, kasama ang ilan sa mga kasamahan ko sa teatro.

Walang practice, kwentuhan lang. Habang inaayusan ni Maggie (make-up artist na kasama din namin sa teatro) ang manok namin, sinasabi ko naman ang mga pointers sa gagawin naming talent portion. Para dagdag sa lakas ng loob ni Kuya Erwin, pati kami damay sa talent. Ako si Ate Charo, si Kuya Erwin ang bida, si Maggie ang lasinggerong asawa na bubugbog sa kanya si Rod ang mukhang pokpok na back-up dancer niya kapag tumugtog na ang Proud Mary na ililip-sync ng aming bida.

Bumaliktad ang mga kasarian sa araw na iyon.

Kaming mga lalaki, naging babae. Ang aming natatanging babae na si Maggie, naging basagulerong lalaki. Tama, pati kami ni Rod nag-ayos, nagbihis at pinagmukhang babae. (Alam ko may nag-picture sa amin, i popost ko na lang kapag na-upload na)

Ano ang natutunan ko sa ginawang katatawanan?

1. Nakakatulong ang alak para lumakas ang loob magperform. (tried and tested ni Tina, pati ako nakigaya. Effective nga!)

2. Nakakahilo at nakakasakit ng ulo ang magsuot ng wig! (Saludo ako kay Alodia, sa mga bokal, at sa lahat ng nilalalang na nagsusuot ng ganun.)

3. Kung gaano nakakasakit ng ulo ang wig ganun naman nakakasama ng pakiramdam ang magsuot ng false eyelashes!! Peksman, pagkatapos ng talent portion namin feeling ko kinulam ako sa sama ng pakiramdam ko. Pero pagkahubad ko sa pekeng pilikmata, tada!!! Wala na ang sakit!

Kaya ang motto ko “wearing false eyelashes is not good for your health, parental guidance is advice!”

4. Akala ko hindi totoo, pero napatunayan ko. Dyahe ang magkaroon ng boobs, nakaka kampanerang kuba! Nakakakati ng kilikili ang strap ng bra/tape!

5. Last but not the least, nabilib ako at nakita kong lahat ng trabaho hindi madali. Saludo ako sa mga komendyanong bading, o nagpapanggap na bading na tinitiis hindi lang ang kahihiyan kundi pati ang parusang dala ng babaeng kaayusan makapaghandog lang ng konting kasiyahan.

Nga pala, ending ng kwento ko, hindi kami nanalo. Pero para sa akin si Kuya Erwin a.k.a Tina Pay ang natatanging Miss Golden Passage Spa ng gabing iyon!



Sesemonster

minsan kahit maasim ang buhay at may mga daga, masarap pa ring tumaya...

blag bleg blig BLOG blug

Perlas na bilog, huwag tutulog-tulog, sabihin sa akin ang correct answer.

Chalking Jobz

kapag ubos na ang tinta at pudpod na ang lapis

Pinay

I don't want to be defined.

what i talk about when i talk about films

& other things i like to talk about

Spectator

a gray person

The Better Man Project ™

a journey into the depths

Il Dolce Far Niente

The Sweetness of Doing Nothing

boy with a hat

writing as a way of life

May Tumawag sa Pangalan Ko.

Ang maKESOng mundo ni Chizkeyk

The Art Studio by Mark Moore

Where Imagination Becomes Realality

Ray Ferrer - Emotion on Canvas

** OFFICIAL Site of Artist Ray Ferrer **

stillness of heart

MUSINGS : CRITICISM : HISTORY : PASSION

willowdot21

An insight to a heart mind and soul.

Mythbroakia

STAY MYSTIFIED!

writinglikeastoner

Understanding life experiences, life lessons and being a better person.

The Good Greatsby

Paul Johnson's comedy blog: I didn't get into comedy to be rich or famous. All I've ever wanted was to be loved...by somebody rich and famous.

Susie Lindau's Wild Ride

Come for Adventure. Stay for the Ride!

I Kissed My Date Goodnight

Embarking on motherhood through the miracle of adoption.

glittering soot on her eyelashes

When I weep, I want to fuck it away. ~ Anais Nin

A Traveler's Tale

photography and travel interests, places, and things

Eastern Sea Star

This site will feature a wide variety of posts

wittypixaday

Just another WordPress.com site

Jillian Is Your Friend

{ramblings & chronicles on food x music}

COPYCARLA

The Lost Copywriter

Leaves in the Pages

Leave your mark on the page.

Ross Gale is a writer and editor from the Pacific Northwest.

Ross Gale is a writer and editor from the Pacific Northwest.

twitchyface

a personal blog

Traveler on Foot

Photo-essays and travel narratives

Sorry Television

Reading a book a week

Blog ni Lolo

Living a life with no regrets.We only get one shot at life. Make the most of it.

allmostrelevant

Want to see what an Instagram with no pictures looks like? @allmostrelevant

CoreyPonders

A Young Man From Wales That Writes Poetry......

Golden.Faith.Within

following LOVE. showing JOY. seeking PEACE. spilling PATIENCE. integrating KINDNESS and GOODNESS. holding FAITHFULNESS. keeping GENTLENESS. abiding SELF-CONTROL

urbanarchiver

My O_o @ Techs, Food, Travels, Cars, Fashion...A Diary, A Photoblog whatever....

Creativity Aroused

Arouse your inner creativity. Listen to your creative voice. Explore where it takes you!

Bucket List Publications

Indulge- Travel, Adventure, & New Experiences

jofelynmartinezkhapra.wordpress.com/

All content and images Copyright © 2017 Jofelyn Martinez Khapra. Any duplication or use of the images without her express permission constitutes copyright infringement.

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

%d bloggers like this: