kaloythoughts

Category Archives: buhay student

Ang dami kong gustong ikwento, kagaya ng madalas kong gawin dito sa blog ko na ‘to. Pero March 25 pa ang huli kong post, kulang tatlong buwan ng kwento ang hindi ko napunan- ang malabo, ang lumipas. Hindi ko alam saan magsisimula. Kung ano ang una, saan nga ba nagtapos. Magulo nanaman ang iiwanan ko sa inyo…

Hindi ako nag summer class (required ‘yon sa mga 3rd students). Bagkus nagturo ako ng Creative Drama. Pangarap kong makabili ng laptop. Pero hindi ko pa din natupad. Tumulong din ako sa marketing ng Noli Me Tangere (theater production). Nag-attend ng mga meetings, social events, film events, flores de mayo, beauty contests, pati mga rock concerts.

Rivermaya

Arti Sta. Rita

El Circulo

August to February ang target running date ng Noli. May home theater na naki-partner, kaya mas magarbo ang prod. Re-casting nung isang araw, pati kami na lumang actors kailangan mag-audition uli. Nagsawa ako sa Elias, sinubukan kong mag-iba ng role, si Salvi ang napagbuntungan ko ng pagkabagot. Hanggang ngayon wala pang final casts, pero sinabihan na ako ng pag-aralan na ang manyakis na pari.

apaNOLImetangere audition call

Nga pala, nakapag enroll na naman ako this sem. Malaking pasasalamat sa napakabait na mag-asawang Ong. Pero hindi din ako makakapag tapos on time, given naman na huminto ako ng isang taon para subukan ang buhay ng teatro na kinahumalingan at kibabaliwan ko padin hanggang ngayon. At siya paring dahilan ng medyo pagka delay ng inaasam ng nanay kong graduation ko. May iniwan uli kasi akong subjects (major) para mag show man sa darating na August – February bukas ang schedule ko! Dahil sa kahibangan ko na ‘to hindi ako pwede mag OJT next sem. So, most likely Octoberian ang kababagsakan ko.

Flores de Mayo

Notorious Scene

Cine Barangay

Silent Sanctuary

Last 2 min.! Kailangan ko ng matulog. 7am mamaya dapat nag-jojogging ako, medyo lumobo kasi ang katawan ko.


Akalain mo sumali ako ng PAGEANT! Ahahaha.

Una theater, pangalawa singing, tapos ngayon pinasok ko na din ang mundo ng pagwapuhan. Grabe diba? Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa kakapalan na ng aking mukha. Pero thankful padin ako na nung nagpaulan ng shyness si Lord, busy akong nagkukwento sa aking blog.

SCREENING: Round 1
Kasama ang best girl friend ko na si Gazu, sumabak kami sa screening ng mga papalaring candidates ng College of Brainless Beauty umano, na gusto kong pabulaanan. At ‘yon ang isa sa mga dahilan ko kung bakit ako naglakas loob pumasok sa screening room ng MR. and MS. COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT kung saan naghihintay sa akin ang apat na interviewer.

Nakahilera sila na parang sina Sarah, Lea, Bamboo at Apl.de.ap ng The Voice of the Philippines at tumpak, may audience sa likod nila. Nakakakaba.

screening


“Tell me something about yourself?
Kung pagkain ka ano ka at bakit?
Kung ipagluluto mo ako anong putahe ang ihahanda mo?”

‘yan ang ilan sa mga bungad nilang tanong na sinagot ko naman sa abot ng aking makakaya hanggang sa nai-open ko nga ang tungkol sa pagiging bahagi ko sa teatro. Sa palagay ko doon sila mas nagkainteres sa akin.

“Ano ang natutunan mo sa 1 year experience mo sa theater?”

I learned that you need to be yourself… But you must know yourself first, because when you know who you are… You will go along way. -‘yan ang sinabi ko.

*Pumasa ako sa unang round, pati si Gazu. Pagdating ng hapon pinatawag kami sa 2nd round. ONE-ON-ONE INTERVIEW!

SCREENING: Round 2
Hindi nakadating si Gazu dahil sa isang project, pero pwede pa naman daw siya humabol hanggang bukas.

This time nasa public place kami. Sa Cafe Juan (Restaurant ng School) Doon, pinatayo lahat ng nakapasa sa round 2 sa stage. Para kaming ISDA sa AQUARIUM. Tinititigan kami mula ulo hanggang buntot este paa pala.

Pagkatapos e uupo ka sa tabi ng isang lalaking may dekolor at mahahabang kuko para sa isang one-on-one interview. That moment, kinabahan ako. Kumbaga sa teacher, isa siyang terror na sinaniban ni Dracula. ‘yan ang tingin ko sa kanya habang ginigisa niya sa mga tanong ang lalaking nauna sa akin.

and it was my turn…

Casual greetings at nagsimula na ang interview. Ibabase niya ang mga tanong niya sa sinagutan naming form which goes like this.

screening form

Kaya ang una niyang tanong e tungkol sa SPECIAL TALENT ko.

“So… Cretive writing ang talent mo? Anong mga sinusulat mo? Poem, prose… Ganoon?!”

Medyo sarcastic ang pagkakatanong niya at halatang gusto niya ako ma-intimidate. Pero sinagutan ko lang ang tanong niya.

“Yes Sir. Actually I’m the Kapampangan Writer of the Year here at Holy Angel University, I also won the Best Screenplay Writer in the recently concluded Cinekabalen and I am currently the Creative Unit Head of the Academy of Performing Arts wherein I write scripts and my recent project is the commercial script of Panni Carlo.”

Pagkatapos kong sumagot, first time ko nakita ang genuine smile niya na parang close friends na kami bigla habang sinasabi niya na sumusulat din daw siya kahit government employee lang siya. (BIGLANG HUMBLE SI SIR?)

Nagpatuloy ang interview.

“So you want to be happy? Bakit malungkot ka ba?”

Style na talaga niya ang sarcastic questioning. Siguro para makita talaga ang confidence ng mga ininterview niya.

“It’s not like I am sad sir. But I see to it that every time, every minute and moment of my life I am pursuing the greatest goal of man and that is to be happy. Just like marami po ang nagtaas ng kilay when I decided na mag-screening ako dito pero at the end of the day it’s about my happiness. At least I’ve tried… Who knows, I just might make it.

Tumatango siya at sinabi na kaya pala gagnon daw ang philosophy ko sa life.

“Why do you want to be part of candidates? Though I see here that you said you are an adventurous person and I agree, because of the way you answer. Pero what is fun and exciting in a pageant?”

During my theater years sir, I was given a chance to conduct a creative drama session with the candidates of Mutya at Lakan ning San Fernando and I saw that pageant is not about winning the crown, but having and building the friendship and camaraderie with your co-candidates and that for me is fun and exciting.

“Oh… So you’re saying that you are opening a new chapter in your life now?”

Nakangiti akong tumango’t umayon sa sinabi niya.

*Pagkatapos ng halos dalawang linggo matapos ang screening, inanunsyo sa akin na parte ako ng OFFICIAL CANDIDATES OF MR. & MS. CHM. Ang saya ko noon, pero hindi naging buo ang kasiyahan ko dahil hindi nakapasok si Gazu sa final cut.

Photoshoot
5am ang calltime para sa photoshoot na gagawin sa Gintong Pakpak Ecopark. Naging maayos naman ang lahat at sa “Four Elements” umikot ang theme ng pictorial. Naging kaibigan ko kaagad ang mga candidates pero mas naging malapit ako kina Eman at Kevin dahil sa siguro kapareho ko silang first timers.

Mr. and Ms. CHM 2013 Official Candidates

Sa totoo lang, hindi kami ganong satisfied sa outcome ng photoshoot. Pero tuloy parin ang pageant!

Rehearsals
Kagaya ng pagiging always LATE ko sa klase, e always late din ako sa mga rehearsals namin. Weakness ko ang paglalakad at talagang sinubukan kong pag-aralin ito.

Pre-Pageant: Talent, Creative and Casual Wear
Para sa pre-pageant kailangan ko maghanda ng 2min. talent at creative wear. Sa tulong na din nina Ate Mich, Leo at Erica napagdesisyonan namin na maging 3 part ang ipapakita kong talent. Soliloquy ni Shakespeare, Master of the House ng Les Miserables at Kahit Maputi na ang Buhok Ko ni Noel Cabangon.

Samantalang sa creative wear kami nahirapan. Hanggang sa umabot kami sa konseptong handmade and raw nature materials ang bubuuin naming kasuotan dahil na din sa itinalagang elemento ko na Earth Element.

creative wear

Kinailangan ko din ng susuoting mga sapatos at creative pants na inasikaso naman na ng mga kaklase kong sina Bench at Bubay.

Coronation Night
Pagkatapos ng pre-pageant, sunog kilay parin kami sa paghahanda sa coronation night. Sasayaw kami dito para sa opening number na isinunod narin sa tema ng mga elemento.

IMG_6142

Pagkatapos noon ay isinunod na ang unang parte ng mga minor awards kung saan wala akong nakuha.

Sumunod na bahagi ay ang casual wear at formal wear kung saan ipinagpatuloy ang pamimigay ng minor awards. At muli, bigo parin akong makakuha ng kahit isa.

IMG_6154

Announcement na ng TOP FIVE. Gusto ko ng isuko ang laban subalit naalala ko ang quotes na binaon ko ng gabing iyon.

“When the will to win conquers the fear of loosing then you are a winner.”

Kaya sinabi ko sa sarili ko MANANALO ako. Pero ang hirap din palang lokohin ng isipan lalo pa’t nakikita mo ang katotohanan. Mahirap kalaban ang mga kasama ko, halos may tig-iisang batalyon sila ng supporters samantalang nanay ko lang at ilang mga piling kaibigan ang nagpapakapaos sumigaw ng pangalan ko. Pero dahil doon mas tumindi ang kagustuhan kong pumasok sa top 5. Alam ko sa sarili ko na doon ko maipapakita ang laban ko, doon ko mabibigyan ng halaga at pasasalamat ang mga taong naniwala at tumulong sa akin para sa gabing iyon.

At hindi nga ako binigo ng panahon, pangatlo tinawag ang pangalan ko. Pagkatapos mabuo ang limang kandidatong uusad sa question and answer nagsimula na nga ang patagisan ng kakayahang sumagot sa mga biglaang katanungan.

IMG_6201

Noong ako na ang isasalang sa Q and A kinamusta ako ng host na ginawa niya din sa mga nauna sa akin.

“How do you feel right now?”

I feel ecstatic and blessed.

Naghiyawan ang mga tao at natuwa ang mga host dahil iba ang sagot ko sa inaasahan nila.

Current issue ang itinanong sa akin ng nabunot kong judge…

QandA

Honestly, ng mga oras na iyon hindi ko alam ang isasagot ko. Ni hindi din ako pamilyar sa isyung kinakaharap ng Zamboanga ng mga panahon na ‘yon. Buti na lang at naalala ko ang ilan sa mga naging kaibigan ko sa CINEREHIYON kung saan naging biruan namin ang kalagayan nila sa Zamboanga.

“Alam mo ba alarm clock na namin ang bomba doon.”
“Sus, ganito nga mag suspend ng klase samin e. Class! Suspended ang klase natin, natamaan ng bomba ang kabilang room.”

Kaya inisip ko na lang na giyera ang isyung tinutukoy sa tanong sa akin.

Nagpasalamat ako sa katanungan, malayo sa nakagawian at itinuro sa akin na atake ng pagsagot –sagot kaagad wala ng pasapasalamat, laos at baduy na daw iyon. Subalit wala akong choice, I need to buy time para makabuo ng makabuluhang sagot.

Bilang isang indibidwal ano nga ba ang maari kong maibigay sa mga kababayan kong taga Zaboanga? Tinanong ko ‘yon sa sarili ko at pagkatapos ay nagsalita na ang aking puso…

answer

May mga nagpalakpakan, may ilan namang natahimik na lang. Tuwang-tuwa ang mga host sa sinagot ko.

“That was a very, very well… Well said candidate number 8!”

IMG_6213

Habang bumababa ako ng stage naramdaman ko ang lubos na kasiyahan dahil alam kong by giving that answer, I also proved why I deserve to be part of that competition. Masaya din akong hindi ko binigo ang mga taong nagmamahal sa akin.

IMG_6232

Nabingwit ko ang 2ND RUNNER UP nang gabing iyon. Walang paglagyan ang tuwa sa akin ng mga oras na ‘yon lalo pa nang lumapit na sina mama at mga kaibigan ko upang batiin ako. Dinig mo sakanilang boses ang pagka paos subalit hindi mo maririnig sa kanila ang reklamo o pagod.

At sila ang tunay kong TROPHY sa PAGEANT na ‘yon at sa buhay ko.:)


Another good year nanaman ang lumipas at nadagdagan nanaman ng isang taon ang aking edad. Though this time, isang malaking pagbabago ito sa akin dahil goodbye “TEEN” years na ako at hello twenTEEN este TWENTY!

Though napaka late post na ito dahil noong September 26 pa ang birthday ko still, I want that experience to be kept here in my blog.

___

September 26, 2013

Mas simple ang pagcerebrate ko ngayon ng kaarawan. Medyo malayo sa surprising at emotional kong 19th birthday.

Dahil estudyante na ulit ako at natapat nang Huwebes ang kaarawan ko medyo kulang ang oras kung maghahanda ng isang birthday party. At mukhang wala din namang plano maghanda sina mama na pangkaraniwan na sa akin.

Sinabi ko kay ate Mich na mukkang negative ang handaan sa bahay kasi nagpapa-invite siya in-case merong salu-salo for she wants to celebrate with me kasama sina Coco and Ishi (kids niya). Nagdesisyon na lang siya na ikain ako sa labas at isama ko daw kung ang mga kaibigan ko na nagkataon namang kasama ko noon si Bel (isa sa mga gago kong kaibigan best friend ko) isinama din ni ate Mich ang mga anak niyang sina Lawrence (Coco), Ishi (Batchi) at siyempre hindi mawawala ang mga talentado kong theater best friends na sina Leo, Erica at ang kapatid niyang si Jardin (Din).

20th Birthday

Kumain kami sa isang Vietnamese Restaurant para maiba naman daw. I must agree na tama si ate kapag tinatanong ko siya about sa pinaka masarap na cuisine sa mga napuntahan na niyang bansa, she would always answer… VIETNAMESE.

___

September 27, 2013

FRIDAY, tapos na ang Birthday ko at tapos nadin bumati ang mga kaibigan kong peke at totoo. Pero isa sa mga TOTOO kong kaibigan na si GAZU e mukhang pinipeke na HINDI ako batiin…

Noong araw ding iyon wala akong tulog dahil may FUNCTION ang section namin kung saan ang preparation e nagsisimula ng madaling araw.

Function Ticket

Function Ticket

Naassign ako to be the entertainer of the guests. Kaya binitbit ko ang singer na si Erica to help me serenade the event. Successful naman ang function kahit napaka dami kong palyadong nota.

Nagligpit na ang mga zombie kong classmates, pagod pero satisfied kaming lahat. Nagtataka parin ako kung bakit kinalimutan ni Gazu ang birthday ko. Nang biglang gumawa siya ng eksena. Pumasok siya sa Casa Nena (Mini Bar & Resto ng School ko) hawak ang isang cake na at may dala pang mga lobo, kasama niya si Budoy, boyfriend niya.

Nabigla ang mga zombie classmates ko at doon lang nila nalaman na nag-birthday pala ako. Sumabay na din sila sa surpresa ni Gazu. Gusto kong umiyak pero sobra na ako sa exposure ng araw na iyon at mas nangibabaw ang saya sa akin.

Surprise ni Gazu

___

Lumilipas ang panahaon, tumatanda tayong lahat -tatanda tayong lahat. Pero ang mahalaga, sana lahat tayo e may pagkakatandaan.

Muli nanaman akong magpapsalamat. Sa mga kaibigang hangad kong makasama hanggang sa aking pagtanda. Thank you to all of you who made my TWENTY more than a twenty!


I am really surprised when I heard that I’m part of the top 5. Naglalaro na sa isip ko how will I walk down the stage having nothing on my hand. Then, God granted our prayers! He gave us chance to prove myself and continue fighting for the people who believes in me. THANK YOU, MARAMING MARAMING SALAMAT PO, for ALL the supporters (I’m close to tears nung makita kong paos na paos na ang bilang kong tagapalakpak especially my mom, though that didn’t stop me, instead that just gave me another million reasons to stand up.)

Family and friends, I want to share with you our hard earned victory. 2ND RUNNER UP po tayo sa recently concluded Mr. and Ms. CHM 2013. To my fellow candidates, organizers, staff at sa lahat ng naging part ng NEW experience na ‘to, thank you for the genuine friendship!

LA VIDA ES BELLA! (Life is Beautiful)

__
Madami ako kwento next time. 😀


No choice I need to do this.Lol. (napasubo ata ako sa pinasukan ko) xD Please like my picture, parang awa niyo na… hindi ko pangarap manalo ng Mr. Popular pero ayoko naman maging Mr. Unpopular. Hahaha!

__

Madami akong kwento about sa pageant next time. As of now paki like naman muna ung picture ko ah?


Araw ng linggo, dapat nasa simbahan ako o kaya nakikipag-bonding sa pamilya ko o kaya sa girlfriend ko? (ay single nga pala ako) -kaso HINDI.

Ang ibang kapit bahay naming university nag-reschedule ng exam kahit walang WELGA. Kami tuloy na tuloy at talagang ipinagpatuloy ang MIDTERM EXAMINATION kahit dinaanan kami ng bagyong MARING at pinaligiran at patuloy na pinaliligiran ng aming mga kawawang TEACHERS na sumisigaw ng STRIKE!!!

Magulo ang isyu ng strike sa amin. Kapag nasa loob ka ng campus ADMIN ang tama, kapag lumabas ka naman, makikita mo na mali ang sinasabi nilang tama. Gulo no?

At dahil sa mga kaguluhang nangyari, tatatakan kong isang makasaysayang MIDTERM EXAMINATION ang naganap.

Una – Masayang ang walang pasok (aminin natin ‘yon mga kapatid. ang mga naghugas kamay hanggang summer mag-aaral ng algebraic expression) kaso hindi na masaya kapag bungal-bungal na rin ang mga lessons!

Pangalawa – Ang hirap palang pumili ng papanigan kapag nagwelga ang mga teachers laban sa admin. Mas gusto ko na lang mag quiz araw-araw, peksman!

Pangatlo Secret ito pero dahil mahal ko kayo aamin ako. Talamak ang cheating sa midterm exams ko, dahil narin sa mga pangyayari… ayun pati ako nangopya ng very very light. Baka kasi barilin ako sa Luneta kapag mismong proctor na ang nagsasabi ng mga formula e hindi ko pa pinansin o kaya’y sabitan ako ng medal bilang may pinaka malinis na papel kapag pinasa ko ang test paper ko na parang hindi gamit na bond paper sa kalinisan. Pero alam ko… MALI PARIN ANG LAHAT.
___


Dear school ko,

Sana mabasa mo ang blog post ko na ‘to at makita mo na ang isa sa mga good este student mo that you prepare for life ay naaapektohan na ng hindi good status ngayon ng iyong estalishment.



Sesemonster

minsan kahit maasim ang buhay at may mga daga, masarap pa ring tumaya...

Chalking Jobz

kapag ubos na ang tinta at pudpod na ang lapis

Pinay

I don't want to be defined

what i talk about when i talk about films

& other things i like to talk about

Spectator

a gray person

The Better Man Project

the story of a human being unfolding

Il Dolce Far Niente

The Sweetness of Doing Nothing

boy with a hat

writing as a way of life

Jacob Laneria

Katha / Pelikula / Kritika

Write, Write, Write, Sleep, Write

All links and products through this site you click I may earn a small commission at no cost to you.

The Art Studio by Mark Moore

Where Imagination Becomes Realality

Ray Ferrer - Emotion on Canvas

** OFFICIAL Site of Artist Ray Ferrer **

stillness of heart

MUSINGS : CRITICISM : HISTORY : PASSION

willowdot21

An insight to a heart mind and soul.

Storytellers Etc

It's about the journey

writinglikeastoner

Understanding life experiences, life lessons and being a better person.

The Good Greatsby

Paul Johnson's comedy blog: I didn't get into comedy to be rich or famous. All I've ever wanted was to be loved...by somebody rich and famous.

Susie Lindau's Wild Ride

Adventures and Misadventures in Boulder, Colorado

glittering soot on her eyelashes

When I weep, I want to fuck it away. ~ Anais Nin

A Traveler's Tale

photography and travel interests, places, and things

Eastern Sea Star

This site will feature a wide variety of posts

wittypixaday

Just another WordPress.com site

Jillian Is Your Friend

{ramblings & chronicles on food x music}

COPYCARLA

The Lost Copywriter

Leaves in the Pages

Leave your mark on the page.

Ross Gale is a writer and editor from the Pacific Northwest.

Ross Gale is a writer and editor from the Pacific Northwest.

twitchyface

a personal blog

Traveler on Foot

Photo-essays and travel narratives

couldreads

I read these books and you could too?

Blog ni Lolo

Living a life with no regrets.We only get one shot at life. Make the most of it.

CoreyPonders

A Young Man From Wales That Writes Poetry......

allmostrelevant

@allmostrelevant

urbanarchiver

My O_o @ Techs, Food, Travels, Cars, Fashion...A Diary, A Photoblog whatever....

Creativity Aroused

Arouse your inner creativity. Listen to your creative voice. Explore where it takes you!

Bucket List Publications

Indulge- Travel, Adventure, & New Experiences

Henyo since Birth

Stupidity makes a genius

Blue Blabber

Almost but not quite

Myr 096

Ang buhay daig pa ang"coloring book" sa dami ng kulay !

Pinoy Transplant in Iowa

Mga kasaysayan, pananaw, himutok at guni-guni ng isang Pinoy na napadpad sa Iowa

SuperIstar and Her Universe

“Dwell on the beauty of life. Watch the stars, and see yourself running with them.” ― Marcus Aurelius

TARAGIS NA BUHAY 'TO.

snapshots of my 80-proof life.

A Nobody's Nook

Random Thoughts of a nobody

thelovelybiatch

This WordPress.com site is the cat’s pajamas

the contextual life

thoughts without borders