Wala ka na,kasama
ang laman ng aking pitaka.
Mahigpit kong ipinikit
ang aking mga mata.
Hinihigop ang hangin
sumisibasib ng kanta.
Yumayakap, sa memorya
-banayad na nagbabalik.
Napangiti ako
sa haplos ng amihang
hangin; tumighaw
sa aking pangungulila.
Ngunit tumigpas
ang paligid, at ako
ay dumilat. Tumambad
sa aking paningin
ang nagbabadyang ulap.
Ito ang nag-ahon sa’kin
sa pagkalugmok ko
sa Ating gunita.
Nakita ko no’n ang dahon
-naglalambitin sa hangin.
Unti-unting bumababa,
bumabagsak, sa lupa.
akala mo lang hindi.
ng balak. Sa de gulong
I’ll never go far away from you.
..kapag wala ka na sa aking tabi kulang na.
Nagbaba na ng talukap
ang bintana. Pumikit
-na ang telebisyon.
Sumunod sa ilaw,
na kanina pa namatay.
May gumising,
sa bintana.
Nagbato ng kung ano.
Lumiwanag ng bahagya
ang madilim na silid
-sa tabi ng kama.
“Gcng pa?”
-sabi ng text.
Nagising! Ang dugo,
nawala ang himbing;
binalot ng lambing.
Bigla kang nakapiling,
sa bawat ringtone
-tunog ng bintanang
kumakalansing.
Masarap ang bawal, exciting ang hindi mo alam at nakakanginig ng laman ang mundo ng pagalingan a.k.a Audition.
First Round: March 19, 2012
Alas nuebe ang audition nakarating ako kasama sina Ate Leo, at kuya Nikki ng alas onse. Gumawa pa kasi kami ng theater resume. Iba kasi ang format at maaarte kaming tatlo.
Pagpasok sa studio, agad na pinafeel-up kami ng papel kung saan ina-touched ang mga 2 page resume namin na 1/4 eh picture namin. Ganun kalaki.
Number 8 si Ate Leo, 9 si kuya Nikki, 10 ang akin. Parang American Idol ang style, papasok ka sa mirror room. Naghihintay ang tatlong judge. Tatayo ka sa harapan. Presto! Pinakanta, arte at pinasubok sakin ang kantang hindi ko pinraktis at hindi ko kabisado!
“Alam mo ba ang kanta ni Gary V. ‘yong Narito Ang Puso Ko?” tanong ni Direk Bicong, nakita niya siguro sa mukha ko ang sagot kaya kinanta niya ang ilang lines. “Ikaw lamang ang inaasam!!” wow, ang galing niya. Pero hindi ito ang oras para mabilib kay Direk Bicong, its my turn to sing.
Lumabas ako ng room at pakiramdam ko nagahasa ang vocal chords ko kung meron nga talaga ako nun.Pagkatapos kumanta ng lahat nag acting workshop naman, tapos sumayaw din kami. Dumating ang hapon natapos ang first round ng audition. Hinati sa dalawa ang grupo, kasama ako sa second group. Ang mga first group magagaling, alam ko kasi nakasama ko sila. Pero pag labas ng first group hindi na daw sila pinababalik, kami mga second group call back kinabukasan. Napag-alaman ko na hindi na sila pinababalik kasi hindi pa sila graduating at mga estudyante pa sila. (Diba estudyante at undergrad din ako? Hayaan muna baka akala nila out of school youth na ako. HAHAHA ang mahalaga kasama parin ako sa mga posibleng makasama sa NOLI)… Itutuloy
Minsan pakiramdam mo buong-buo na ang loob mo tapos bigla lang ito magkakawatak-watak kasi pakiramdam mo lang pala na buo ito. In short feelingero lang ako.
Tila kay lungkot ng ulan ngaun
binuhos ang tubig binaha ang nayon
walang masilayan ni kapirasong ngiti
sadyang kalikasa’y hindi namimili
Tila kay lungkot ng ulan ngaun
hinagupit ng pait, binayo ang nayon
walang liwanag kadilima’y nagwagi
sadyang kalikasa’y hindi namimili
Tila kay lungkot ng ulan ngaun
nilatay, winaksi, winasak ang nayon
walang ngiting sumulyap sa’ming mga labi
Tila kay lungkot kami pa ang napili.
Retrieved from: Kaloy’s facebook ( http://www.facebook.com/profile.php?id=100000176255097 ) save as draft on Sunday, June 26, 2011 at 1:52am
Sa likod ng rebulto ni lola nagtatago ang naagnas at nabubulok na pananampalataya, na bumulag at naglinang sa kamangmangan ng sityo San Martin.
Karumaldumal na umalingasaw ito nang minsan abutin ko ang rosaryo, sa likod ng rebulto- na natumba, nasira.
Unti-unting umipekto ang mga pinakuluang mani sa kanilang mga utak na matiyaga nilang pinupulutan habang nakikipag negosasyon sa tinatawag nilang Diyos ng awa bago ang pangyayari. Dahil doo’y nagawa na nilang pulutin ang mga parte ng kanilang nagka-kalas kalas na katawan. Ang mga ito’y walang hablas na ibinato sa akin! Galit ang lahat, naririnig ko ang ngitngit nang kailang mga nakikiskisang mga ngipin. Nagliliparang mga kamao, paa, laway na tumutunaw sa pagkatao ko pati na kay lola- na pinagbuntungan nila ng kanilang bangis.
Isang madagundong na hampas ng kalahating katawan ng birhen ang bumiyak din sa ulo ni lola. Bumulagta siya sa sahig kung saan nakatabi niya ang nagkikislapang mga butil ng asin at ang malapot na pulang likidong sumanib sa sariling dugo ni lola- na ngayo’y nakapako ang walang buhay na tingin sa birhen. Sa pamagpalang birhen tila natuyuan na ng luha, ng awa at ngayo’y pinapanood na lamang ang kamatayan ni lola sa kamay ng mga sakitin ng San Martin.