kaloythoughts

Monthly Archives: Abril 2012

Paano ka magmamahal
ng hindi nagsasalita?
Walang masambit.
Walang maibusal, ni isang titik.

Pano nga ba magmahal
ang bulag, na walang paningin
ni hindi alam kung
nakikita ba ang hangin.

Ano nga ba ang naririnig
ng taong umiibig?
Anghel nga bang umaawit?
Ngunit paano ang mga walang pandinig.

Mainit ba o malamig?
Ang pakiramdam ng pag-ibig.
Ano ang lasa,
matamis ba o mapait?

Hindi ko masagot,
marahil kailan man
ay hindi ko mapagtatagumpayang
sagutin ang aking mga tanong.

Ngunit ito lang ang alam ko.
Nang minahal mo ako,
alam kong masaya ako.
Sayang hindi maisusulat.
Sayang hindi maibibigkas.

Sayang nasayang ng iniwam mo ako.

Advertisements

Kagaya ng dati, hilig ko parin
ang pagtambay sa labas.
Pagsapit ng gabi, hinihiling parin
ang pagdaan ng mga shoting stars.

Kagaya ng dati, wala akong imik
sa panonood sa kalawakan-
kasama mo, noon. Pinakikinggan
ang iyong paghinga.Paghingang
pumapayapa sa madilim kong mga gabi;

Kagaya no’ng kasama pa kita.
Nakatingala ako sa liwanag ng buwan,
hinahayaang sumipol ang hangin,
at maglakad ang oras.
Kagaya ng dati-

Ngunit, tila walang gaanong
gilas ang ihip ng hangin.
Pagod din ang oras,
na nagpasyang gumapang.
At wari’y mapusyaw
ang ningning ng mga bituin;

Baka nagtatago sa likod ng mga ulap,
o di kaya’y tuluyan ng nawala-
kagaya mo. Uulan daw kapag ganito.

Ibang-iba na nga ang dati.
Nakasampay man ang buwan
at mga bituin, kasabay
ng pihit at buga ng hangin-

Iba parin ang liwanag ng gabi
kung ikaw ang kapiling,
sa lilim ng dilim.

Pero kagaya ng dati,
pinagdadamutan parin ako
ng shooting stars- hindi
na nga siguro kita makakatabi pa,
kagaya ng dati.


“For your new article assignment, just write anything about your summer experience so far. Easy na yan. Haha. Deadline will be on Sunday of next week!”

—–> For Carlo Enciso, your assignment is to write a sestina or villanelle.

‘yan ang bumungad sa notification ko sa facebook kahapon. Never heard na salita ang mga iyon sa akin. Mabuti na lang talaga nandyan lagi si kaibigang GOOGLE para ipaliwanag sa akin ang mga bagay-bagay. Sinamahan pa ni kumareng SimSimi at ng napakamahal na icedrop.

Hapon ng kanina, wala akong magawa. Kaya ayon, nakagawa ako ng villanelle. (Mahirap daw kasi ang sestina sabi ng mga napagtanungan ko)

Summer

That is where I say goodbye,
when the sun shines and gleam,
reasons to smile and cry.

Blackboards and chairs will die,
water fills the pool’s rim.
That is where I say goodbye

or all sunburns acquire
red eyes are at dim;
reasons to smile and cry.

I will wipe my tears dry,
forget I miss my team.
That is where I say goodbye,

though it is hard to try.
Their names are my heart’s scream;
Reasons to smile and cry.

Yet sleep, sadness allay
and a single song to Him.
That is where I say goodbye,
Reasons to smile and cry.

Hindi ko alam kung tama, pero ayon sa format na niluwa ng printer namin ganyan daw. Tsaka dinidedikeyt ko ang pinakaunang konretong tulang nagawa ko sa labing-walong taon kong pagtambay dito sa mundo sa mga kaklase kong superdupermegalistikultimatum ko ng namimiss lalo na sa mga tarantado at gago kong TUNAY (tatak ng paminta. ‘yon buo ah, hindi ‘yong durog) na kaibigan! Aymisyu! (with conviction!) 🙂


Pagkatapos kong mapag alamang Literary Editor ako, may nag text ulit!

What: Team Building
Where: Paaralan ng Banal na Anghel
When: Ika-20 ng Abril, ganap na alas nuebe ng umaga.
Who: Ikaw!

Dahil tambay lang ako sa bahay at medyo bored ako sa buhay. Pumunta ako, syempre bitbit ko ang virtue ko. Ulirang late award.

White t-shirt daw. Naka military shirt ako, dark green. Para akong kabayong tumakbo papuntang banyo. Yes! May nagpapalit din, nangangahulugan HINDI pa ako late.

Takbo habang bukas pa ang ofis, sabi nung babaeng may dalang purple na ribbon. (Sumunod naman ako, feeling ko tuloy na sa SURVIVOR ako)

Pinaiwan sa loob ng ofis ang sling bag ko na may tatak ng aking paaralan. (Mura lang 130 petot) Tsaka na ako pinapunta kung nasan ang iba.

Nabigla ako, ang dami na nilang naghihintay. May pila-pila at may iba’t ibang kulay ng ribbon na nakatali sa bawat braso ng kupunan. Pumila ako sa may purple, ‘yon ang kulay ng ribbon ko.

Grabe, halos hindi ko pa nasisinghot ang pagka-komportable sa aking pinasukan todo sermon na ang inabot namin.

Mali ang akala ko, late na pala talaga kami. At damay pati ‘yong lalaking nakasabay ko sa banyo kanina, na kagrupo ko din pala.

“Ilagay niyo na ang inyong mga piring sa mata” sabi nung babaeng may alambre sa ngipin. (Ano ‘to? Hazing?)

Ibinilad kami, pinatakbo, lakad, gapang, hubad (O.A na ung hubad, pangarap ko lang ‘yon) basta madami silang pinagawa habang nakapiring kami. Pinakain kami ng saging na nginuya ng bawat miyembro tsaka niluwa. Binaboy nila ang pagkatao namin, (ka O.A yan ko nanaman). Pinarusahan din ang mga late, mabibigla ako kung hindi ako kasama sa mga ‘yon. Pina-spell sa amin ang aming mga pangalan gamit ang … Tama! Gamit ang pwet.
Buti na lang maikli lang ang buong pangalan ko.

Pagkatapos noon, ibinilad kami ulit. Nag habulan ng buntot, nagsaluhan ng itlog.

Pero natuwa ako ng marinig ko ang isa sa mga kasamahan kong tinatawag ang kaibigan niya.

“Pokwang!” sabi nung babaeng medyo may katilusan ang baba.

Tumawa ako, narinig nila. Kesa magpanggap na hindi ako tsismoso dahil pinakikinggan ko sila. Nagpaka f.c na lang ako.

“Ano nga ulit ang tawag mo sa kanya?” tanong ko dun sa babaeng may deadly weapon.

“Pokwang” ulit niya. Natuwa na din.

Tumawa ako lalo, at tinanong naman kay pokwang ano ang tawag niya sa kaibigan niya.

“Ai-Ai” maikling sagot nito. Tsaka kami nagtawanan.

Pero sa likod ng mga tawang ‘yon. Nabilib ako sa mga tao ng bagong mundong kinasangkutan ko. (Namiss ko tuloy ang mga kaibigan kong totoong tao, hindi robot at lalong hindi plastik)

Ang huling task na ginawa namin (wow parang PBB lang) pinag duck walk ang mga pinuno ng bawat grupo sa paligid ng lahat ng miyembro. At dahil umalis kaagad ang pinuno ng purple team ako ang maswerteng pinili ni Sir Pabs. Kung nagtataka kung bakit ako, ako din.

Matinding pangangalay ng binti ang inabot ko bago natapos ang task. Kasi naman ang tagal bago magkusa ang bawat miyembro na makisalo sa pagda-duck walk namin. ‘yon lang pala ang nais ni Kuya este ni Sir Pabs. Iniative sa tagalog PAGKUKUSA. (Hala mahirap pa naman hanapin sa mga noypi ‘yon) tsk.

Natapos ang team building sa isang mahabang pagsha-share ng lahat. Isa ata ako sa mga may pinaka mahabang sinabi. (Sabi na eh, certified madaldal si Kaloy) Ahaha.

“Do everything you can, lahat ibigay mo. Without compromising your values.”

‘yon ang isa sa mga isang daang quotes na ibinahagi ko sa kanila. Ang iba nakatulugan na nila, at hindi ko na maalala.

Bilang pagtatapos, umalis ako ng mag-isa. Dahil bagong kakilala ko nga silang lahat. Pero, habang naglalakad ako palayo at bilang background music, tumutugtog ang kanta ng Aegis “Basang Basa sa Ulan” pinagkaiba lang, bilad na bilad ako sa araw ng mga panahong ‘yon. Naisip ko, hindi na sayang ang 18.50 kong pamasahe para maka punta doon.

Lyrics to Bilad na Bilad sa Araw:
Heto ako ngayon, nag-iisa
Naglalakas sa gitna ng skul-gym
Lagi na lang akong nadarapa
Ngunit heto, bumabangon pa rin
Heto ako, bilad na bilad sa araw
Walang masisilungan, walang malalapitan
Sana’y may luha pa, akong mailuluha
At ng mabawasan ang aking kalungkutan

Repeat 2x fade..

P.S: Noong GRADE 2 ata si Sir Pabs nagawa na niya lahat ng ginawa namin ng nakablindfold at nakatali ang katawan. Bunganga lang ang gumalaw. Amazing!


Tutulu ku luwa
papatak. Bagya-bagya
malalaso ku, king baya.

Sinindyan muku, uli
madalumdum ka bili.
Minaslag ing sala
mamate ku, kabang ika
titiman ka’t mayli.
Lalu kung menlati, lalati.

Makasubsub naku ngusu
king lapag.
Pundat naku sulu.
King sarili kung luwa,
kakawe naku. Ala ka
paring gewa.

Mamilang kung atlu,
mate naku. Lepitan muku,
kaswelu ko. Dapot,
kidkuran muku’t ebulan.
Ekapa mipasno, pete mu naku
agad muku pang pelitan.


Nung apapangan mu ing kilig,
kabsi ko!

Tune sininta ku,
king matsurang panaun.
King masanting a tau
King maling aksyun.

Text. Keni naku peglolon,
keti ke segut. Keti naku naman
sebyanang ena naku kaluguran.
Kayari ing mapilang jugjugan.
Pero sinabi ku, mabuktut ku lojon!

Oyta, lalu yang e pepakit.
Kurusan ku ata dila, mabuktut ku pin.

Nung apapangan mu ing kilig,
anggang misan naku dumanup-
eku paykabsi!


Aslag ing aldo
luguran mu ku.
Dapot, anakang
lambat! inya
lulbug ne
ing bulan
kanaku.

Metaklanan
nakung takla
ning ibung adarna.

Mengasyas naku pusu.
Keng pamanenaya
keka. Bage mu.
Magdusa ka.



Sesemonster

minsan kahit maasim ang buhay at may mga daga, masarap pa ring tumaya...

blag bleg blig BLOG blug

Perlas na bilog, huwag tutulog-tulog, sabihin sa akin ang correct answer.

Chalking Jobz

kapag ubos na ang tinta at pudpod na ang lapis

Pinay

I don't want to be defined.

what i talk about when i talk about films

& other things i like to talk about

Spectator

a gray person

The Better Man Project ™

a journey into the depths

Il Dolce Far Niente

The Sweetness of Doing Nothing

boy with a hat

writing as a way of life

May Tumawag sa Pangalan Ko.

Ang maKESOng mundo ni Chizkeyk

The Art Studio by Mark Moore

Where Imagination Becomes Realality

Ray Ferrer - Emotion on Canvas

** OFFICIAL Site of Artist Ray Ferrer **

stillness of heart

MUSINGS : CRITICISM : HISTORY : PASSION

willowdot21

An insight to a heart mind and soul.

Mythbroakia

STAY MYSTIFIED!

writinglikeastoner

Understanding life experiences, life lessons and being a better person.

The Good Greatsby

Paul Johnson's comedy blog: I didn't get into comedy to be rich or famous. All I've ever wanted was to be loved...by somebody rich and famous.

Susie Lindau's Wild Ride

Come for Adventure. Stay for the Ride!

I Kissed My Date Goodnight

Embarking on motherhood through the miracle of adoption.

the bunny blog

read -> surf -> eat -> repeat

glittering soot on her eyelashes

When I weep, I want to fuck it away. ~ Anais Nin

A Traveler's Tale

photography and travel interests, places, and things

Eastern Sea Star

This site will feature a wide variety of posts

wittypixaday

Just another WordPress.com site

Jillian Is Your Friend

{ramblings & chronicles on food x music}

COPYCARLA

The Lost Copywriter

Leaves in the Pages

Leave your mark on the page.

Ross Gale is a writer and editor from the Pacific Northwest.

Ross Gale is a writer and editor from the Pacific Northwest.

twitchyface

a personal blog

Traveler on Foot

Photo-essays and travel narratives

Sorry Television

Reading a book a week

Blog ni Lolo

Living a life with no regrets.We only get one shot at life. Make the most of it.

allmostrelevant

Want to see what an Instagram with no pictures looks like? @allmostrelevant

CoreyPonders

A Young Man From Wales That Writes Poetry......

Golden.Faith.Within

following LOVE. showing JOY. seeking PEACE. spilling PATIENCE. integrating KINDNESS and GOODNESS. holding FAITHFULNESS. keeping GENTLENESS. abiding SELF-CONTROL

urbanarchiver

My O_o @ Techs, Food, Travels, Cars, Fashion...A Diary, A Photoblog whatever....

Creativity Aroused

Arouse your inner creativity. Listen to your creative voice. Explore where it takes you!

Bucket List Publications

Indulge- Travel, Adventure, & New Experiences

jofelynmartinezkhapra.wordpress.com/

All content and images Copyright © 2017 Jofelyn Martinez Khapra. Any duplication or use of the images without her express permission constitutes copyright infringement.

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

%d bloggers like this: