kaloythoughts

Category Archives: Buhay Teatro

Ang dami kong gustong ikwento, kagaya ng madalas kong gawin dito sa blog ko na ‘to. Pero March 25 pa ang huli kong post, kulang tatlong buwan ng kwento ang hindi ko napunan- ang malabo, ang lumipas. Hindi ko alam saan magsisimula. Kung ano ang una, saan nga ba nagtapos. Magulo nanaman ang iiwanan ko sa inyo…

Hindi ako nag summer class (required ‘yon sa mga 3rd students). Bagkus nagturo ako ng Creative Drama. Pangarap kong makabili ng laptop. Pero hindi ko pa din natupad. Tumulong din ako sa marketing ng Noli Me Tangere (theater production). Nag-attend ng mga meetings, social events, film events, flores de mayo, beauty contests, pati mga rock concerts.

Rivermaya

Arti Sta. Rita

El Circulo

August to February ang target running date ng Noli. May home theater na naki-partner, kaya mas magarbo ang prod. Re-casting nung isang araw, pati kami na lumang actors kailangan mag-audition uli. Nagsawa ako sa Elias, sinubukan kong mag-iba ng role, si Salvi ang napagbuntungan ko ng pagkabagot. Hanggang ngayon wala pang final casts, pero sinabihan na ako ng pag-aralan na ang manyakis na pari.

apaNOLImetangere audition call

Nga pala, nakapag enroll na naman ako this sem. Malaking pasasalamat sa napakabait na mag-asawang Ong. Pero hindi din ako makakapag tapos on time, given naman na huminto ako ng isang taon para subukan ang buhay ng teatro na kinahumalingan at kibabaliwan ko padin hanggang ngayon. At siya paring dahilan ng medyo pagka delay ng inaasam ng nanay kong graduation ko. May iniwan uli kasi akong subjects (major) para mag show man sa darating na August – February bukas ang schedule ko! Dahil sa kahibangan ko na ‘to hindi ako pwede mag OJT next sem. So, most likely Octoberian ang kababagsakan ko.

Flores de Mayo

Notorious Scene

Cine Barangay

Silent Sanctuary

Last 2 min.! Kailangan ko ng matulog. 7am mamaya dapat nag-jojogging ako, medyo lumobo kasi ang katawan ko.


Guys! Tuloy tuloy padin ang pag arangkada ng pelikula kong Matwang Dalaga na ngayo’y naisama sa Cine Baranggay ng City of San Fernando. Ipapalabas ito sa mga baranggay at medyo may mga appearance kaming mga director daw. (insert shy face here)

RW 95.1 Radio Guesting

May radio guesting pala kami nung Friday sa RW 95.1 at napaka swerte ko na this time may remembrance ako dahil may nagmamahal akong kaibigan na bukod sa nakinig e nagrecord pa sa kabuuang interview. Hindi katulad nung nag radio guesting ako for Noli Me Tangere sa Bombo radio sa Isabela. Nga-nga. Hehe.

Hindi na ako basta picture lang, maririnig niyo na din ang boses ko. Goodluck. Hahaha. 😀

RW 95.1 Radio Guesting

Ooops! Error FM Radio 001.m4a This file type is not allowed. Please try another.

Mukhang hahanap muna ako ng technician para mai-share ko sa inyo ang kadaldalan ko sa radyo.

Anyway stay happy everyone. 😀


 

582433_3998256733357_906939474_n

Isa sa mga lumang post ko sa dito sa kaloythoughts ay ang BATAS PANGKALAWAKAN https://kaloytoots.wordpress.com/2012/02/02/batas-pangkalawakan/ and after reading it again it still make sense. Pero natutunan ko din na kung may mga batas pangkalawakan, meron din tayong pangkalawakang hakbang. At iyon ang mga desisyon na ginagawa natin na tayo lang ang nakakaalam nang tunay nating dahilan, kasama na roon ang mga sinunod at sinaway nating mga batas pangkalawakan.

Kahapon pinagupitan ko nanaman ang buhok ko after 6 months. This time, hindi lang ito basta mahaba, may kulay din ito dahil na rin sa trabaho ko bilang theater actor. Isang pangkalawakang hakbang para sa pagsunod sa isang batas pangkalawan- batas ng paaralan, na malayo sa mahigit isang taon kong pamamalagi sa sining ng entablado.

Mukhang tuloy na talaga ang pagbabalik ko. 😀


Ang sarap sigurong maging paborito…

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon.

 

Rock and roll ang mga naging experiences ko recently, at kapag sinabi kong rock and roll, eh talagang ROCK AND ROLL (dapat may exclamation point, kaso sira ang keyboard, pagpasensyahan na lang)   Tipong mapapa head-bang ka sa mga pangyayari. Parang gusto mo mag suicide sa dagat-dagatang trabaho na hinaluan pa ng mga walang kakwenta kwentang, pambata, at hindi pinag-iisipang  issues.

Nagkaroon ng tenga ang mga pader at kung anu-anong mga nagliparang mga chismis ang bumalandra sa tumataba nagbibinata kong katawan. Na naging usap-usapan din ng mga matatabil ang dila.

Tumataba daw kami/ako dahil paborito kami ng boss at wala na daw kaming kontrol sa pagkain. (Pwedeng  tumawa sa napaka grade school na issue na ‘to)

 Sobrang laughtrip ‘ko nung makarating sa akin ang nagliliyab na issue na ‘to. Imagine umabot sa puntong pati body growth namin/ko pinag-uusapan na nila, ano pa kaya ang mga nagawan nila ng balita? Baka pati bilang ng mga tinga namin sa ngipin, bilang nila at may listahan pa kung saang pagkain nanggaling ang mga tinga na ‘yon. (sigh) Dami nilang oras para sa tsismisan, kaya pala nagawa din nilang sabihin na SELF CENTERED kami. Hindi nga siguro kami nagbabahagi ng mga trabahon na kapag may pinagawa o nagpatulong ka eh pwede na ang pwede na sa kanila. Anyway, para pagaanin ang kwentuhan at hindi naman magtunog kabitteran itong post ko after a long time, let’s just forget about them. Sabi ko nga, “if they don’t care about you, better to care about yourself .” Wala na nga silang pakialam sa pakiramdam mo, pati ba naman ikaw hindi mo iintindihin ang sarili mo?

So I decided to forget about them, I planned to quit. Tapusin ang lahat, pero mukhang hindi pa tapos ang trabaho ko kaya kailangan ko munang tapusin. So I stayed, hindi naman din talaga maiiwasan ang mga rivalry, issues at mga hindi pagkakaintindihan sa isang kumpanya lalo na sa mga artists mind dahil nasa loob ako ng theater company.

Pero this summer hindi muna ako actor, promoted ako to be a “Creative Drama Teacher” na ibang experience nanaman. So far hindi siya madali, para kading umaarte everytime tinuturuan mo ang mga english speaking mong mga students. Pero somehow after every class, nakasmile ako. Okay na din ‘yon.

Tapos, this past few weeks nasubukan ko din mag-audition para sa mainstream audience. (Natry ko na mag-audition sa PBB kaso mukhang fake audition ata ang napuntahan ko noon, this time totoo.) Regional channel sa amin ang CLTV 36 at meron silang talent search contest na siyang sinalihan naming mga paborito ng boss na nagsisitabaan dahil wala na kaming kontrol sa pagkain.

Apat kami, at we named our group as “The Favorites” (hulaan mo na lang kung bakit) parang Pilipinas Got Talent ang theme ng contest, so nung nalaman na we are from a theater group medyo madaming interview and nginitian at sinagutan namin. Mahirap pala talagang magpacute sa harap ng camera, especially kapag galing ka sa theater kung saan lahat halos ng tao, balahura.

During the audition ang energy level namin eh pumalo ng 99% na hindi pala maganda sa tv. Dapat laging pa-tweetams lang. At ang inaabot kong tono eh hindi ko naabot, na napansin ng isang parang Simon Cowell na judge na outloud and public na pinuna ang (in the making) golden voice ko. Pinuna niya din na okay daw kumanta ang tatlong kasama ko. (Eh hindi naman kumanta ang isa sa mga ‘yon, saan niya kaya narinig ang boses nung isa kong kasama?)

Pero kahit ganoon binigyan naman ng chance ang pinaka singer sa amin, kumanta siya at napabilib naman niya kahit papano ang mga manoood. At to make the long story short, hindi kami nakuha lahat to proceed sa next round pero, pinausad nila ang pinaka singer sa grupo namin.

Masaya na kami doon, dahil alam namin may laban parin kami.

Kanina, unang airing nung audition day sa tv, at tama nga ako. Masarap talagang ipapanuod sa mga viewers ang pagtataray ng judge. Yup, nandoon kami kanina sa tv. Natuwa at natawa ako dahil una, sintonado nga talaga ang ginawa ko, pangalawa kahit papano, hmm… medyo presentable naman pala ang mga pagmumukha namin sa tv, at pangatlo totoo pala ang napaka showbiz na quotation na…“Negative publicity is still, publicity.” 🙂

 

 

 


kulotskie

kulotskie

Sahod kanina, kaya may pambayad ako ng utang.

Magbabawas ako ng utang na istorya sa blog ko.

Umpisahan natin ang kwentuhan sa “goodbye hair” moment ko. Mahigit isang buwan na nang huli kong post, ilang buwan na rin akong hindi nakakauwi sa bahay, at mahigit anim na buwan naman na nang huli kong pasok sa barberya. Lahat ng ‘yon tinabas ko ngayon.

Kahapon, nasa rehearsal studio ako.

Sisa: tara Elias pagupit tayo!

Padre Salvi: Ou tara, dyan na lang sa David’s.

Elias:  Sige! Sige. Tara!

Director: ‘wag.. Huwag kang papagupit.

Kanina, sahod. Lahat ng cast present. Si Ibarra bagong gupit. Mukhang pineapple. Okay lang kay direk. Si Sisa bagong gupit. Kamukha ni Dora ‘yong dalaga version. Okay lang kay direk. Si Basilio bagong gupit. Mukhang isda. Okay lang kay direk. Lahat okay lang kay direk pwera lang ako.

Eksena sa loob ng opisina ni Direk. Tumatanggap ng sahod si Ibarra.

Elias: Sir! Ganda ng gupit ni Ibarra no?!

Direk: Ou nga, tutubo pa naman ‘yan sa next show.

Elias: Ou nga sir! Pagupit na rin ako ah?

Direk: ‘wag.. Huwag kang papagupit.

Kani-kanina lang, kasama ko si Victorina.

Elias: Malungkot ako. Plano ko na talaga mag pagupit after ng shows natin sa Isabela eh. 😦

Victorina: Naku ayaw ko na malungkot ka! Kung gusto mo pagupit, pagupit ka. Tara samahan kita, papafull bangs ako!

Pagdating sa parlor..

Tinginan lahat sa amin, sa akin.

Ako: Papagupit ako.

Pagkaupo ko, mag-iisip pa sana ako, pero wala na akong nagawa, na-excite si manong gupitero, inumpisahan agad ang pagtabas.

Paglabas ng parlor, mukha na akong army. May full bangs na si Victorina. Tawa kami ng tawa. Everybody happy, ewan ko lang kay direk. Bahala na! 🙂

 

 

 


Kapag pinasukan mo ang buhay teatro, hindi mo maiiwasang masagi ang camera. Sinabi ‘yan ng kasamahan ko nagn panahong nag-uumpisa pa lang ako sa mundo ng entablado. Akala ko tungkol lang sa pag-aartista na naging pangarap ata ng lahat ng pinoy ang tinutukoy niya, akala ko tungkol lang ito sa isang pangarap, akala ko matagal pa bago ko maisip o madaplisan man lang ang tungkol sa pangarap na ito. At kagaya ng lagi, mali nanaman ang akala ko.

Matagal ang paghihintay sa mga show, at kapag walang show patay ang mga artista ng teatro. Patay ako.
Bilang isang undergraduate na tinalikuran ang eskwelahan, upang subukang suntukin ang buwan sa katauhan ni Elias, sa pag-aakalang magiging madali ang lahat, kagaya ng isang assignment sa loob ng paaralan, o ng mga penikulang mainstream kung saan uso ang happy ending. Mahirap madapa, dahil tipong ito ang inaasahan ng lahat sa ginawa kong desisyon.

Nga-nga! Literal na malalaglag ang panga mo sa kahihintay, siguro talagang kasama na ng buhay ang paghihintay, madalas nga lang, mainipin tayo, mainipin ang tao.

Pero minsan pala ang mga magagandang bagay ay hindi ang mga hinihintay, kundi ang mga bagay na dumarating kasabay ng ating paghihintay. Kagaya ng SINEKLAB.

Sa kawalan ng ginagawa, marami akong natutunan, marami akong natuklasan mga bagay na masasabi kong hindi nasayang ang paghinto ko sa pag-aaral dahil patuloy akong natuto, mga kaalamang alam kong hindi ko matutunan sa loob ng eskwelahan.

Nabigyan ko ng oras ang pagsusulat ko, natuto akong maglaba, nakita ko ang tunay na buhay ng isang ina, ng aking ina. Natikman ko ang buhay sa labas ng aking uniporme. Naintindihan ko din ang sinasabi nilang tunay na buhay. Nalapit ako sa kultura, sa politika, at higit sa lahat sa sining.

Kamakailan lang pinukaw ng penikula ang aking mga malabong matang sinalaminan at nilinaw ng apat na araw na Film Workshop. Sa pamamagitan ng San Fernando at pakikipagtulungan ng  CCP at pagbabahagi ng mga namumukod tanging kaalaman ni Sir Edward Cabagnot, isang natatanging alagad ng sining na mula pa sa CCP.

Bilang nag-aambisyong sumibol sa larangan ng penikula, isang napakalaking buhos na biyaya ang makadalo sa workshop ni Sir. Edward. Bukod sa napaka dali nitong pakiusapan napakahusay din niya sa kanyang ginagawa na bunga na rin ng matagal na experience.

Ang kanyang workshop ay pinamagatang “paano nga ba manood ng isang penikula” kung paka-iisipin tama nga na kung nais mong bumuo ng isang masarap na putahe kailangan mo munang malaman kung paano tikman at lasahan ang masarap. Kagaya sa ginawa ni Sir. Edward, pinapanuod niya kami ng mga palabas na ibang-iba sa nakikita natin sa tv na madalas nating pinagkukunan ng ating mga kaalaman sa penikula.

Mula sa mga klasikong “Biyaya ng Lupa”, “Insiang” at mga indie films na hindi mo basta basta mahahanap sa suking tindahan kagaya ng “Bonsai” “Mansyon” “Isada” “Nino” 100″ “Babae sa Septic Tank” “at marami pang ibang mga penikula na talaga namang napaka layo sa mga napapanood natin sa Cine at telebisyon.

Sa katunayan, bago pa ako nakadalo sa workshop ng Sineklab nasubukan ko ng gumawa ng isang script na sinubukan namin ng aking mga kasamang isabuhay ngunit nahinto lamang dahil sa mga hindi maiwasang bagay kagaya ng bagyo at pagkakasakit ng bida naming lalaki.

Pagkatapos noon ay pinasulat muli ako ng isang bagong likha na binihisan na ng mga bagong kaalaman mula sa workshop.

Kahapon, napakasaya namin pagkat natapos ang shooting ng bagong short film namin at sobrang saya ko na natapos ang lahat ng eksena! Ang film narin na ito ang dahilan kung bakit napaka late na ng post ko tungkol sa SINEKLAB. Magpopost din ako tungkol sa naging proseso ng paggawa ng aming munting short film. At kapag pinayagan, ipopost ko din dito ang mga candid pictures at trailer. 🙂


Eto na po ang Official trailer ng theater play na kinabibilangan ko. Maari niyo pong balikan ang mga blog post ko sa  https://kaloytoots.wordpress.com/category/buhay-teatro/  ikinwento ko po dyan ang naging buhay ko sa loob ng teatro. Paki like na rin po ang facebook fanpage namin http://www.facebook.com/apa.nolimetangere?ref=hl



Sesemonster

minsan kahit maasim ang buhay at may mga daga, masarap pa ring tumaya...

blag bleg blig BLOG blug

Bolang bilog huwag tutulog-tulog, sabihin sa akin ang correct answer.

Chalking Jobz

kapag ubos na ang tinta at pudpod na ang lapis

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

what i talk about when i talk about films

& other things i like to talk about

Spectator

a gray person

The Better Man Project ™

a journey into the depths

Il Dolce Far Niente

The Sweetness of Doing Nothing

boy with a hat

writing as a way of life

So, What's News?

News that won’t make you depressed to read the news.

May Tumawag sa Pangalan Ko.

Ang maKESOng mundo ni Chizkeyk

The Art Studio by Mark Moore

Where Imagination Becomes Realality

Ray Ferrer - Emotion on Canvas

** OFFICIAL Site of Artist Ray Ferrer **

stillness of heart

MUSINGS : CRITICISM : HISTORY : PASSION

willowdot21

An insight to a heart mind and soul.

Mythbroakia

STAY MYSTIFIED!

writinglikeastoner

Understanding life experiences, life lessons and being a better person.

The Good Greatsby

Paul Johnson's comedy blog: I didn't get into comedy to be rich or famous. All I've ever wanted was to be loved...by somebody rich and famous.

Susie Lindau's Wild Ride

Come for Adventure. Stay for the Ride.

I Kissed My Date Goodnight

A single thirty-something embarking on motherhood through the miracle of adoption.

the bunny blog

read -> surf -> eat -> repeat

glittering soot on her eyelashes

When I weep, I want to fuck it away. ~ Anais Nin

A Traveler's Tale

photography and travel interests, places, and things

Eastern Sea Star

This site will feature a wide variety of posts

wittypixaday

Just another WordPress.com site

Jillian Is Your Friend

{ramblings & chronicles on food x music}

COPYCARLA

The Lost Copywriter

Leaves in the Pages

Leave your mark on the page.

Ross Gale is a writer and editor from the Pacific Northwest.

Ross Gale is a writer and editor from the Pacific Northwest.

twitchyface

a personal blog

Traveler on Foot

Photo-essays and travel narratives

Sorry Television

Reading a book a week

Blog ni Lolo

Living a life with no regrets.We only get one shot at life. Make the most of it.

allmostrelevant

Want to see what an Instagram with no pictures looks like? @allmostrelevant

Golden.Faith.Within

following LOVE. showing JOY. seeking PEACE. spilling PATIENCE. integrating KINDNESS and GOODNESS. holding FAITHFULNESS. keeping GENTLENESS. abiding SELF-CONTROL

CoreyPonders

A Young Man From Wales That Writes Poetry......

urbanarchiver

My O_o @ Techs, Food, Travels, Cars, Fashion...A Diary, A Photoblog whatever....

Creativity Aroused

Arouse your inner creativity. Listen to your creative voice. Explore where it takes you!

Bucket List Publications

Indulge- Travel, Adventure, & New Experiences

jofelynmartinezkhapra.wordpress.com/

All content and images Copyright © 2017 Jofelyn Martinez Khapra. Any duplication or use of the images without her express permission constitutes copyright infringement.

%d bloggers like this: