kaloythoughts

Monthly Archives: Pebrero 2012

Iniwanan ko ang aking mundo

ng ninakaw kita. Tinaya

ang lahat-lahat-

hanggang sa huling barya.

Ipinaglaban kita. Pero,

nagapi tayo ng gutom.

Laman ng tiyan mo din,

ang yumanig sa akin.

Kaya ibabalik na lang muna kita.

 

Tinalikuran ako ng mundo

ng talikuran kita. Umiiyak

ang kalangitan,  ‘yong mata.

Nag dilim din ang paningin

ng ama mong araw. Hinampas

din ako ng hangin-

hindi na nakatiis. Sa inis!

Poot! Galit at matinding yamot.

 

Tinulugan ako ng mundo

ng ipikit ko ang aking mga mata.

Nagsara nang bintana-

ang buwan. Pati mga tala,

pumikit. Tumahimik din

ang hangin, sa pag-hilik.

Mula noon, hindi na kita

muling nakita, pati ang anghel

na iyong dinadala.

 

 

Advertisements

Gusto kong i silent mode

ang bawat hikbi ko sa unan.

Gusto kong ma-drain

ang mga luha ko, sa walang

puknat na pag-agos ng mga ito;

bumabasa sa bawat punda at kumot.

Sinubukan kong isara ang bibig-

sa aking palad, sa aking kagat.

Wala, wagi parin ang lungkot.

Panalo parin ang sakit at

nagbubunyi parin ang hinagpis

na idinot ng iyong pag-alis!

Pakingshit until when will you break my heart?

Durog na to, pinupulbos mo pa sa bawat txt mo!


Minsan gusto ko magtago,

lumayo, mawala. Bigla

mo lang din kasi ginawa-

ang mga ‘yon. Madalas

gusto ko magtanong kung; bakit,

paano, kailan, saan?

Pero sa bawat hindi mabigkas

na tanong ng nakalipas,

nanganganak ito-

mas marami sa isa. Minsan,

hindi pa mabilang ng kamay.

Bakit mo ako iniwan,

bakit basta-basta lang.

Paano ka? Paano ako?

Paano tayo? Meron nga bang tayo?

Saan ka pumunta, babalik ka ba?

Hanggang kailan ako maghihintay?

May hinihintay ba ako?

Sino ka nga kasi?

Ina na nag-iwan sa anak?

Kasintahan na na-iwala ang pag-tangi?

Ama na sinira ang pamilya?

Anak na naligaw ng landas?

O ako na palaboy sa mundo?

Kaya madalas nais kong magtago e.

Kasi madalas pa sa lagi, hindi ko sila kilala.

Sila na nagsasabing dapat kilala ko sila;

kahit mismong sarili ko, hindi ko kilala.

 

 

 


“anong nutrition ang makukuha ko dito?” walang boses na tanong ko habang kaharap nanaman ang paulit-ulit na ulam ng aming hapunan at paboritong pampainit ng aming lamesa- isang mangkok ng payless noodles.

Pagod. Uhaw at gutom ako mula sa eskwelahan at trabaho. Matyagang naghihintay at nag-aabang sa akin ang giniginaw ng sabaw sa mesa. Ngunit kaiba ang laman ng mangkok ngayon.  “Dumami ata ng kaunti ang ulam?” Pero kulang parin sa isang tao. “Tay! Bakit hindi pa kayo kumain?” sigaw ni ate mula sa kwarto.

“hindi pa pala siya kumain.” umiling ang ulo ko sa inis at pagkabigo. May kahati pa pala ako! Tahimik akong sumandok ng kanin pagkatapos niya. Nauna rin siyang sumalok sa mangkok ng ulam. Konti. Napaka konti ng kanyang ninakaw sa walang sustansyang sabaw. Kasing konti ng salitang ibinuhos niya sa dalisay na gabi.

“sayo nang lahat ‘yan, nak”

Nakita ko ang umaapaw na sustansya sa akin nang noodles ng gabing iyon.


Minsan Lang 'to: Creative Writing Workshop with Ricky Lee

February pagkatapos ng Valentine’s ng mga may kasintahan, abala akong nag e-fb nang biglang nagpost ng isang poster si Frances. Alam ko staff siya ng Angelite (skul publication ng skul ko) Gusto ko sumama pero, wala akong pera para don.

Katulad ng lagi bumaba nanaman kami ni Gazu mula sa clasroom ko na nasa ikaapat na palapag. Cutting class. Naglibot kami sa mga hall at napag isipang maki-usyoso sa mga valentine’s booth sa mga pasilyo. Lakad-lakad, tingin-tingin hannggang sa makita namin ang tatlong larawan ng mga magbabarkada sa may stand-board.

“Iho, iha. Paprint kayo ng 5R picture niyo magbabarkada tapos isali niyo din dyan hintayin namin kayo malay niyo kayo pa ang manalo.” biglang out of no where na sabi ng isang babaeng naka unipormeng pang teacher.

Eto 'yong pinasa kong picture

“Sayang ang cash price.” patuloy niya. Naingganyo ako.

Nakalimutan ni Gazu ang wallet niya sa classroom, kaya ako na muna ang nagbayad ng upa sa computer at sa print ng dalawa naming picture. Tig-isa kami ng entry. The more entries, the more chance of winning!”

‘yong entry niya, picture namin sa eskwela. ‘yong entry ko, picture ng mga barkada ko nung high school hanggang ngayon. Pero madalang ko nalang makasama ang mga kengkoy na ‘yon kasi iba-iba kami ng tinahak na landas sa kolehiyo.Nagpass na kami.

“Name, course, year level at contact no. Para if ever manalo kayo txt na lang namin” sabi nung nakapang teacher na costume.

Tinamad na kami sa lakwatsa. Bumalik na kami ng classroom. Dumating ang boyfriend ni Gazu may surpresang bouquet of roses. Umalis sila noon kasama ng ideyang sumali kami ng Barkada Photo Contest.

Feb 17, isang araw bago ang creative writing workshop ni Sir. Ricky Lee. May nagtext. Cecile daw, taga guidance at pinapakuha niya ang premyo ko. Third place. Tatlong daan ang laman ng sobre. Saktong sakto sa halagang kailangan ko para bukas. Astig talaga si Lord. 😀

Marami kaming natutunan ni ate Leo (kasama kong nag workshop. Napilit kong sumama ata) kay Sir. Ricky Lee. Lalo na sa mainstream writing na hindi masyado naituro noong nag workshop ako sa PAMIYABE http://www.panitikan.com.ph/event/12th-pamiyabe-fellows-named.

Miss ko na mga kengkoy kong kaibigan. Ano na kaya ang pibakaka abalahan nila habang sinusulat ko ito.


Gumuguhit nang anino ang tubig-

isang imahe. Sa windshield

ng ating tipanan. Hawak ang manibela

aking naramdaman- pagpatak ng ulan

sa aking mga mata.

 

 

Biglang naglaho ang imahe;

kinayod nang tatlong hampas ng wiper.

Paglalambing mo sa aking balikat,

Banyos ng iyong malalambot na labi

at isang naglalagablab na yakap.

 

 

Ngunit muli’t muli paring nagbabalik

ang sikretong ibinunyag ng

imaheng iginuhit nang tubig.

Tubig na nilamig sa aking panandaliang

pagkawala.  Kaya’t nagtampisaw

sa init ng ibang araw, na sa kanya’y

sumipsip at kumulong

sa rehas na gawa sa ulap-

na walang hablas nagbuhos

ng libong dipang

kalungkutan sa ‘kin.

 

 

Unti-unti akong nalulunod.

Nanlalamig, namamadhid at namamatay.

Sa bawat panaghoy ng kapatawaran-

tanda ng isang kasalawahan.

 

 

Subalit hangga’t patuloy ang pagbuhos ng ulan.

At hindi man magawang tuluyang tuyuin

ng wiper ang maitim na anino-

guhit nang ulan.

Patuloy parin akong mabibighani;

magpapabihag sa indayog,

ng maalindog na tubig ulan.


Pinitas ang sikwenta–

huling pera niya sa bulsa.

Perang galing sa kupit,

sa tindahan ng ina.

Kahalili ng dalawang pirasong,

namumukadkad na flaura.

 

Daling ikinulong ng tindera

sa papel. Ang bunga ng pagnanakaw.

 

Sa loob ng kulungan;

namalagi sila. Kamatayan ang sintensya

sa ambisyon ng feelingera.

Tila dugo ang talulot;

napakatingkad sa pagka pula.

 

Hawak ang ibidensya,

taas noong rumampa!

abot tenga ang ngiti

akala’y nakuha ang buri.

Linlangin ang madla

sa huwad niyang tuwa.

na siya rin ang biktima.

 



Sesemonster

minsan kahit maasim ang buhay at may mga daga, masarap pa ring tumaya...

blag bleg blig BLOG blug

Perlas na bilog, huwag tutulog-tulog, sabihin sa akin ang correct answer.

Chalking Jobz

kapag ubos na ang tinta at pudpod na ang lapis

Pinay

I don't want to be defined.

what i talk about when i talk about films

& other things i like to talk about

Spectator

a gray person

The Better Man Project ™

a journey into the depths

Il Dolce Far Niente

The Sweetness of Doing Nothing

boy with a hat

writing as a way of life

May Tumawag sa Pangalan Ko.

Ang maKESOng mundo ni Chizkeyk

The Art Studio by Mark Moore

Where Imagination Becomes Realality

Ray Ferrer - Emotion on Canvas

** OFFICIAL Site of Artist Ray Ferrer **

stillness of heart

MUSINGS : CRITICISM : HISTORY : PASSION

willowdot21

An insight to a heart mind and soul.

Mythbroakia

STAY MYSTIFIED!

writinglikeastoner

Understanding life experiences, life lessons and being a better person.

The Good Greatsby

Paul Johnson's comedy blog: I didn't get into comedy to be rich or famous. All I've ever wanted was to be loved...by somebody rich and famous.

Susie Lindau's Wild Ride

Come for Adventure. Stay for the Ride!

I Kissed My Date Goodnight

Embarking on motherhood through the miracle of adoption.

glittering soot on her eyelashes

When I weep, I want to fuck it away. ~ Anais Nin

A Traveler's Tale

photography and travel interests, places, and things

Eastern Sea Star

This site will feature a wide variety of posts

wittypixaday

Just another WordPress.com site

Jillian Is Your Friend

{ramblings & chronicles on food x music}

COPYCARLA

The Lost Copywriter

Leaves in the Pages

Leave your mark on the page.

Ross Gale is a writer and editor from the Pacific Northwest.

Ross Gale is a writer and editor from the Pacific Northwest.

twitchyface

a personal blog

Traveler on Foot

Photo-essays and travel narratives

Sorry Television

Reading a book a week

Blog ni Lolo

Living a life with no regrets.We only get one shot at life. Make the most of it.

allmostrelevant

Want to see what an Instagram with no pictures looks like? @allmostrelevant

CoreyPonders

A Young Man From Wales That Writes Poetry......

Golden.Faith.Within

following LOVE. showing JOY. seeking PEACE. spilling PATIENCE. integrating KINDNESS and GOODNESS. holding FAITHFULNESS. keeping GENTLENESS. abiding SELF-CONTROL

urbanarchiver

My O_o @ Techs, Food, Travels, Cars, Fashion...A Diary, A Photoblog whatever....

Creativity Aroused

Arouse your inner creativity. Listen to your creative voice. Explore where it takes you!

Bucket List Publications

Indulge- Travel, Adventure, & New Experiences

jofelynmartinezkhapra.wordpress.com/

All content and images Copyright © 2017 Jofelyn Martinez Khapra. Any duplication or use of the images without her express permission constitutes copyright infringement.

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

%d bloggers like this: