kaloythoughts

Monthly Archives: Agosto 2012

Pangarap ko talaga makasulat ng isang nobela,

pangarap ko din makapag publish ng libro.

Sana dumating ang panahon na ang mga pangarap na ito,

ay magkatotoo.

-Kaloy

Matagal na naka draft sa USB kong color blue ito, isa sa mga likhang natira pagkatapos akong iwanan ng USB kong kulay green. (Kapag naaalala ko, nakakalungkot parin ang mga storyang naitapon. Nawalang parang bula.)

Pero dahil #teampositive na ako ngayon! Iwanan na natin ang mapait na nakaraan at paghandaan ang nagbabadyang magandang bukas at kasalukuyan.

Eto ang bagong blog page ko dito sa wordpress. Presenting (drumrolls)

Lab Istori (Nakarelate ka naman)

Sana mabisita niyo, sana mabasa niyo, sana subaybayan ng tao, bigyan ako ng komento para sa ikahuhusay ko. 🙂

Ipapaskil ko sana sa wattpad, kaso mukhang wala akong lugar doon, o dahil siguro sanay na ako sa mga tao dito sa wordpress.


Hindi ako nakatambay kagabi, paano kasi may lakad ako ng wanterti.. Nagising ako ng alasdose, nagmdali ako naligo, kumain, nanuod ng tv, sinubukan ko pa ngang mag-internet kaso pinagpawisan lang ako kakatroubleshoot ng internet connection.

Ayun may nagtext! Nag reply ako.

“Papunta na, on the way.” (pero nag tu-toothbrush pa ako ng mga oras na ‘yon.)

Masaya naman ang mga lumang barkada kahit namuti na ang mata sa kakahintay sa akin, litaw ngiting gilagid parin nila akong sinalubong. Lahat naka school uniform, ang gagara!

Kwento, kwento, kwento.. (Ang sarap balikan ng mga lumang kaibigan. Hanggang sa…)

Mag libre ka naman! (Naalala ng mga kolokoy na huminto ako para mag trabaho sa teatro. parang ang dami ko na sinweldo eh)

Ayun, naawa naman ako dahil nag cutting class pa ang mga gago para lang makalibre ng Mcdo makasama ako.

___

Masaya na sana, kaso pag-uwi ko ng bahay may nasagi ata akong nuno sa Mcdo. Todo atching, sipon, ubo at sakit ng ulo ko.

Pero on the brighter side, nakatulog ako ng maaga mga 10pm. (Maaga na ‘yun compare sa usual sleeping time ko na 3-5am)

zZzzZzzZZzZ (Tulog snorlax daw ako sabi ni ate.)

__

Tapos ayun! Nagising ako ng alasdose ng madaling araw. Hindi na ako pinatulog ng utak ko hanggang alas singko. Kaya panigurado busy ako mamayang gabi nito, kakasulat ng mga liku-liko kong kwento.

~ Birthday pala ni Sisa ngayon, makikikain muna ako bago ko simulan ang nobelang pinamagatan ng utak ko: “Ana, Karen, Nina, ang triplets na bampira!” 🙂


Tuloy parin tayo sa PERSONALAN…

Dati hindi ako naniniwalang cute ako. Kasi naman akala ko noon ang cute para lang sa aso, o sadyang masyado lang akong pahumble at sira ulo na hindi marunong tumanggap ng papuri sa mga tao.

Noong minsan nanalo ako sa isang contest (Hindi ko na matandaan anong patimpalak ‘yon.) basta kasi may cash price, panigurado kinakagat ko. Huwag lang pagwapuhan at palakihan ng katawan hindi pa ako ready sa ganun! Haha Tapos tuwang tuwa ako habang naglalakad sa pasilyo kasama ang mga kaibigan kong tiyak na ililibre ko, nang biglang may nagsabi…

Matanda: Oy Kaloy! CONGRATS!!

(Nagmamadali kong hinanap sa sulok ng utak ko ang tamang sagot sa biglang sinabi ng matanda… FAILED! Hindi ko nakita, manghuhula na lang ako ng sagot.)

Kaloy: W E L C O M E ! (Sabay ngiti.)

Tawanan ang mga kaibigan ko sa sinabi ko. At habang tinatype ko ‘to eh natatawa rin ako. Ganun pala ako kaengot para sabihan ng WELCOME ang taong bumati sayo ng CONGRATS?? Kaya pala napakamot na lang ng ulo ‘yong matanda. Haha!

Anyway, mabalik tayo sa pagiging cute kong ASO Arf arf!  tao, totoo pala na kapag wala na sayo ang isang bagay doon mo lang ito makikita. Kaya pala madalas natin hinahanap ang wala at lagi nating nakakaligtaang makita ang meron.

BABALA: Eto ang mga ninja move actions ko kung bakit ako masaya ngayon at sa mga susunod pang panahon.

1. Nagpasya akong maging masaya.

2. Iniyak ko ang lahat ng kalungkutang nadarama.

3. Bunuksan ko ang facebook ko. (Pinipigilang silipin ang profile niya, hindi ako nakatiis tinignan ko for the last time!)

4. Gusto ko maging bitter pero hindi masarap ang mapait, kaya hindi ko siya inunfriend, binura sa contacts o pinakulam kay aling Tasing. Tinanggap ko lang na lahat may katapusan.

5. (Eto na ang masayang bahagi!) Tinignan ko ang mga picture albums ko sa facebook.. Tingin… Tingin… Tingin… (Tiyak matatawa ka sa kakatingin! Peksman. Try mo man.)

6. Inamin ko sa sarili kong medyo cute nga pala ako noon. (Nabawasan na  lang dahil sa mga Di na makatulog moments sa dami ng kailangang gawin, Di pa makakain dahil sa wala pang ulam at kaartihan sa pagkain, sa mga Taghiyawat sa ilong,  pati na sa pisngi sa kaiisip sa’yo taghiyawat dumarami! KANTA ‘yon ah!) Pero kidding aside, dapat pala talaga nating mahalin at tangkilikin ang sariling atin parang ang pagiging noypi, ang pagiging international singer ni Charice kahit parang ewan ang mga bago niyang pausong hairstyle, o ang pagiging no. boxer ni ninong Manny kahit pabagets pa ang kanyang Mommy, lahat produktong Pinoy, parang katulad ko, katulad mo. Paano tayo mamahalin ng iba kung tayo mismo hindi natin makita ang kaibig-ibig sa ating mga sarili.

Kaya tama sila, may taglay akong kakyutan, umangal ka man! Hehe.

______

Narealized ko din na masyadong maikli ang buhay para tumambay sa bahay maging emo. (May alam ba kayong trabaho? Share naman dyan!) Tsaka napatunayan kong hindi ako mahilig magpapicture.

Anim lang ‘yan sa mga black and white, meron pang colored at marami pa ang mga pacute pero tinamad na ako mag upload, nakakaumay.

Masabi lang na may picture ang post ko.

Sinong hindi matatawa kapag nakita mo ang mga kalokohan mo sa mga nagdaang panahon? Kaya tama nga ang quotes na “Kapag wala kang ginawang kalokohan, wala kang pagtatawanan pagsapit ng iyong katandaan.”

Nakakatawa lang dahil naimbento ang letrato, dahil sa mga ito nakikita natin ang ating mga pagbabago. At nagpapaalala kung sino talaga tayo.

P.S: Love and take care of yourself muna, para maishare mo! 🙂

-Kaloy


Hindi ako singer, kaya hindi ako naging music lover. Pero umiikot ang mundo, nagbabago ang tao.

“I’m not the easiest person to love
I’m often the one who lets things go unresolved”

‘yan ang unang narinig ko pagbukas ko ng link, bigay sa akin ni Fen. Batang tawag sa akin ay kuya dahil mas matanda ako sa kanya pero mas maraming talento kesa sa akin. Alam ko ‘yun, kahit hindi ako madalas sa tambayan ng theater guild organization ko. Kahit sinasabihan niya ako na bilib siya sa pag-arte ko.  Basta alam ko lang, lahat naman tayo may pakiramdam, instinct kung baga. Ramdam natin kung totoo, plastik, impostor o gago ang mga nakakasalamuha natin.

Hindi ako active sa org, ko kahit nung nag-aaral pa ako. Bukod kasi sa busy, sadyang time conscious ako, tipong ayaw kong nagtatapon ng oras sa pagtambay at pakikipagkwentuhan, noon. Ngayon ko lang narealized na hindi pala aksaya ng oras ang pakikipagkaibigan. Sayang ngayon ko lang narealized.

Pero kahit hindi ako aktibo sa mga proyekto ng TG (Theater Guild) lagi akong present kapag may audition. (Nagagawan ko ng paraan, nabibigyan ko ng oras.) At kadalasan nabibigyan ako ng magandang papel o kaya magandang feedback at kumento sa mga ginagawa ko. Minsan nga may nagsabi sa akin.

“Bakit ikaw kahit hindi ka madalas sa tambayan lagi kang nabibigyan ng magandang roles?”

Unfair nga siguro, pero wala naman nagsabing dapat fair ang mundo. Kaya pinagpatuloy ko ang pagiging palitaw sa org. ko.

Ang masama lang, habang marami akong oras para sa mga pansarili kong gawain, marami din palang oras ang naitatapon ko sa pagkilala sa organisasyong matagal kong pinangarap.

Buti na lang may mga kagaya ni Fen, mga batang imbis ako ang umaalalay, sila pa ang nag-aabot ng kamay para sabihing, welcome parin ang mga katulad ko.

“I’m not too proud of some things
I’ve done in my life
The skeletons in my closet
Are too big for me to hide”

Akala ng ilan malaki na ang ulo ko, lalo na siguro noong pumasok ako sa teatro (literal na medyo may kalakihan nga siguro ang ulo ko, pero alam ko hindi ako ganun.) Wala pa akong napapatunayan, kaya wala pa akong karapatan magmalaki, o kahit kahit kailan at kahit sino’y hindi magkakaroon ng karapatang magmalaki, may napatunayan man o wala. Parepareho tayong nilikha ng Dyos at parepareho tayong umiinom ng tubig, mineral man o hindi.

“‘Cause everyone needs a friend to hold
When it’s cold outside
And there’s no place to go”

Sa mga panahong akala ng mundo’y masaya ako sa tagumpay subalit lingid sa kanilang kaalaman na ako’y mag-isang nalulumbay. Ang mga kaibigan ko ang sa akin ay umalalay, pati sa blog na ‘to malaki ang utang na loob ko, at kasama kayong mga nagbabasa ngayon nito.

“‘Cause you choose to be
On the side of me
On the side of me
What a mystery
You’re on the side of me”

Ang sarap makinig sa kanta, kapag alam mong may kasama ka mapaiyak ka man nito o mapatawa. Maraming salamat sa lahat ng naniwala at naniniwalang si Kaloy ay may kwenta!

(Hindi ko naman birthday pero wala namang rules na nagbabawal magpasalamat sa mga kaibigan at nagmamahal.) Kilala niyo kung sino kayo. 😀


Dahil ito ang unang araw ng pamamaalam ko sa ka emohan, susubukan kong magsimula sa simula. Tutal ang blog na ito ay intended naman para sa kwento ng kusinero at ako ‘yun kahit hindi pa ako certified chef. Epal lang kumbaga.
Lets get a little more personal akalain mo nag english ako! mula ngayon.

Sino nga ba si Kaloy?

Kanina lang hinalungkat ko ang mga photo albums ko sa peysbuk at napaka dami ko pala talagang private albums. At kapag sinabing private alam mo na! Pero may mga naka private na wala naman kakwenta kwenta ang laman ewan ko ba bakit naniwala ako sa tatay ko na dapat itago ang mga pictures namin sa virtual world, dahil baka gamitin daw ang mga ito sa kahalayan (para namang kahalay halay ang itsura ko) at ibang masamang bagay. (baka biktima ng mga poser at plagiarism ang tatay ko dati)

Ako si Carlo Enciso Catu (First time ko sinabi ang buong pangalan ko at to be honest natatakot ako dahil baka tama si tatay! Praning lang.) As much as possible hindi ko ginagamit ang buong pangalan ko sa kahit anong social networking sites, madalas Carlo Enciso lang ang gamit ko. Mukhang panghapon kasi ang Catu at ayaw ko pinagkakamalang hapon, koreano, o kahit anong lahi. Proud ako sa pagka Pinoy ko! ‘yan ang kunware kong dahilan kung bakit hindi ko ginagamit ang Catu. Pero ang totoo, masyado kasi maikli kapag Catu pa ang ginamit ko. C A R L O C A T U (Tatlong segundo lang tapos mo ng bigkasin) nine letters lang masyado kuripot ang dating. Tsaka C.C ang initials parang nagSISI ang mundo sa kapanganakan ko. Buti pa ang C.E parang “SEE”

“C.E may binatbat ang tsinitong si Kaloy!” kapal!

At dahil nga magkakaPERSONALAN na tayo mula ngayon, maglalabas ako ng mga pictures ko para sa blog na ‘to.

Mahilig ako mag sulat, dati nung nag aaral pa ako may scratch notebook pa ako para pag-uwi ko ng bahay mailipat ko ang lecture sa totoong notebook ko para maayos ang pagkaka sulat. (Mga unang linggo lang ng klase ko nagawa ‘yon) Ngayon naman sa buhay teatro ko https://kaloytoots.wordpress.com/category/buhay-teatro/ ako ang sekretaryo ng grupo. Mahilig kasi ako sa mga notes dahil makakalimutin talaga ako at may pagka O.C.

Kaya lagi akong may PLANNER eto ‘yong planner ko last year galing sa PAPEMELROTI =, mahilig din ako mag doodle ng kung anu-ano sa mga papel. ‘yan din ang dahilan bakit ako nag blog. Kasi sobrang tambak na ako ng mga scratch paper na puno ng putol na tula, putol na kwento at mga kung anu-anong drawing mula sa itsura ng tao hanggang sa mga out of this world na nilalang.

Likod ito ng planner ko, halos isang taon bago napuno ang page na yan ng mga movie lines, poems, prose at mga drawings tuwing naiinip ako lalo na kapag math subject.

 

Marunong din ako mag gitara. Sapilitang itinuro sa akin ni kuya kasi wala siyang kasama sa trip niyang matuto noon. Pero salamat na din kasi nakahiligan ko din ito. Binilhan ko pa nga ang sarili ko ng gitara noong 17th birthday ko eh. Todo tipid mode ako nun! Pero hindi ako music lover kaya hanggang sa natuto lang ako tumugtog ng crazy for you, huling el bimbo, at mga kanta ng the script TORETE na lang pala ang memoryado ko ngayon.

Noong una halos araw araw ko gamitin ang gitara ko para hindi magasgasan. Pero mga dalawang buwan ang nakaraan, aun si pareng alikabok na lang ang tumutugtog sa gitara kong nagngangalang “TRES” ou may pangalan nga pala ang gitara ko, kasi pangatlong gitara siya na dumaan sa kamay ko. Hmm nasaan na ba si Tres?? Ah! Nasa cabinet, hinaharana ang mga amoy mothballs kong damit.

Working student ako mula High School hanggang College bago ako nag stop para mag teatro. Masasabi kong naging mabuti akong estudyante at anak at the same time. Sa library ako nadistino pagdating ko ng College pero mahilig na talaga ako sa libro 1st year h.s pa lang. Una kong natapos na nobela eh ang “The Notebook” ni pareng Nicholas Sparks at halos binasa ko noon ang mga libro niya. Nitong huminto na lang ako hindi naging updated sa kanya. Mahilig din ako magtext lalo na kapag unli ako.

Mga naging paborito kong manunulat ay halos mga sikat, syempre h.s nakikiuso. Pero hindi naman ako nagsisi dahil kahit papano may mga natutunan ako kina kumpareng Mitch Albom, kumareng Cecilia Ahern, Dave Pelzer at sa kapatid niyang si Richard Pelzer, sa kakwelahan ni Claire Cook, ilan sa mga libro ni James Patterson ay nabasa ko din at karamihan sa mga likha ni Paulo Coelho ay naging paborito ko. Sinubukan ko din intindihin si Stephen King pero hindi ko siya naintindihan. Kung mapapansin foreign lahat ‘yan, hindi ko naman iniisp noon na susulat ako kaya wala akong pakialam kung maturingan akong salot ng mga pinoy writers. Hanggang sa dahil sa kagipitan sa pinansyal na aspeto sinubukan kong magsulat para sa limang libong pisong premyo.

https://kaloytoots.wordpress.com/2012/01/29/kwentong-rosas-ni-beloy/ https://kaloytoots.wordpress.com/2012/01/30/eroplanong-gawa-sa-yellow-paper/ ‘yan ang mga link kung paano ako nagsimulang maging ambisyosong manunulat. At kung bakit kahit papaano e nagbasa ako ng mga libro ng mga pinoy writers gaya nina Bob Ong, Eros Atalia, F. Sionil José at marami pang manunulat at manunulang nakalimutan ko na ang pangalan pero alam kong nagbigay inspirasyon din sa akin para ipagpatuloy ang pagdutdot ng keyboard.

Karamihan mga libro sa library at mga post sa blog.

Mahilig ako lumamon kumain. Pero hindi ko trip ang almusal kasi tanghali na ako gumigising. Bali ganito ang life cycle ng pagkain ko. Kakain ako ng lunch kasama ang tinirang almusal para sa akin pagkagising ko ng mga alas dose. Brunch ko ‘yon, tapos mag mimirienda ako ng mga bandang alas kwatro at kakain na ng dinner by 8 or 9pm tapos kakain ulit ako ng second dinner ng bandang 11 or 12am at kung sinipag pang pumunta ng kusina kakain o maggagatas ako ng bandang 2 or 3am.

Mahilig ako sa mga kulay pulang pagkain, SPAGHETTI ang comfort food ko at kalderetang baka naman ang paborito kong ulam bukod sa sardinas. Take note halos lahat ng kinakain ko pinapartneran ko ng ketchup mas masaya kung tomato ketchup.

Hindi ko masyadong trip ang mga prutas, siguro dahil takot ako sa pakwan. Inuulit ko, TAKOT AKO SA PAKWAN. Kung may phobia ako sa pakwan ‘yon. Kung bakit? Hindi ko din alam. Basta alam ko sa tuwing pupunta ako ng grocery iniiwasan ko ang pakwan section. Kapag umaatake ang pakwanophobia ko (hula ko lang na word un) minsan nadadamay pati sina kalamansi, mansanan, bayabas, atis at kung sinu-sino pang gulay at prutas na may maliliit na buto. Yuck! Pahawakan mo na lag ako ng ipis wag lang buto ng pakwan!

Mahilig ako sa bata, dati. Bago nagka anak si ate at ako ang naging tataytatayan ng bata. Hanggang ngayon dahil tambay ako sa bahay ako ang bantay bata ni Aki (name ng anak pamangkin ko) Hindi siya ‘yong nasa picture. Hindi ko kilala ang batang ‘yan. Basta lang siya naki upo sa pwesto namin habang nagpipicnik kami ng mga kaibigan ko.

 

Eto si Aki, mula ng ipinanganak siya nasa tabi na niya ako. Hanggang sa natuto siyang mag pronounce ng “ma” “pa” at “bui” tawag niya sa akin. Yan kasi tawag ko sa mga kaibigan ko bui meaning boy parang totoy na makabagong panahon. Isa rin siguro sa dahilan kung bakit sa ngayon ayaw ko muna magka pamilya bukod sa napaka bata ko pa, alam ko kung gaano kahirap mag alaga ng bata at kung gaano kagastos ang magkaroon ng makulit na paslit kagaya ni Aki.

Mapagmahal ako, I can say na mapagmahal talaga ako lalo na sa family ko. At dahil nasabi ko na how I loved my mom Joy https://kaloytoots.wordpress.com/2012/02/04/123/  ilalagay ko naman dito kung gaano ko kamahal ang lola ko who pass away last year, at saktong birthday niya ngayong araw na ito. Isang mananahi at caterer si lola reason why I took BS HRM din. Siya ang unang nagturo sa akin na ang pinaka unang sangkap ng pagluluto e pagmamahal. HAPPY BIRTHDAY LOLA!! May pa-spaghetti ba dyan sa langit?? Nood tayo ng PBB ulit kapag nagkita na tayo ah? I love you. Mwah! :*

Kung tatlo lang ang legal na talento dito sa Pilipinas namely Singing, Dancing and Acting. Patay tayo kapag ako ang sumayaw, at literal na mamatay talaga tayo kapag ako ang kumanta. https://kaloytoots.wordpress.com/2012/06/24/noli-5-2/ Pero masasabi kong pamatay ang Acting ko! Naks. 🙂 https://kaloytoots.wordpress.com/2012/08/24/noli-me-tangere-an-adaptation-the-philippine-musical-tour/

Second to the last na personal thing about me. Huwag mo ako tinatakot! Dahil matagal na akong takot. Hehe. Matatakutin talaga ako, kaya paniguradong mag-eenjoy kang kasama ako manood ng horror movie.At ang huling kawirduhan ni Kaloy…
May dalawa akong natatanging pangarap. Una maging isang modelo ng underwear at pangalawa maging crew sa Jollibee! Haha. Marami pang kasunod ang mga kwentong kusinero ko sana huwag kang magsawang magbasa ng mga ito. 😀


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Sabi daw ng mga tsino

Buwan ng multo

ang salitang Agosto.

Kaya pala…

 

Ika dalawamput isa ng Agosto

Namatay si  Ninoy Aquino.

A-uno, si Cory at Quezon,

A-singko naman si Raul Rocco,

At kamakailan lang si Jess Robredo.

 

Pawang may mga kapangyarihan

batas at ari-arian. Ngunit hindi nakalaban

ng kinatok na ni kamatayan.

 

Siguro nga ganito na lang din magtatapos ito.

Wala na rin akong laban, matagal narin

na wala na akong ipinaglalaban.

Sinubukan ko lang umasa at magpaka mangmang.

 

Isinuko na niya ako, gaya ng unang pagsuko ko.

At ngayo’y ginagawa na ni kamatayan

ang kanyang pagsundo.

 

Uulitin ko lang sa pagkakataong ito,

kahit mas mahapdi. Mas mahirap at masakit.

Ipalilipad ko na sa hangin

ang planong pagbuo sa nasirang damdamin.

 

Gaya sa isang multong

hindi na makikita ng paningin.

Hindi na iiyakan  sa dilim.

 

Bukas pagsikat ng araw,

Ika dalawamput siyam ng Agosto.

Mamatay narin ang pag-ibig na kinimkim.

 

 


 

Lagi namang malungkot ang goodbye, pero looking back.

Hindi naman naging masamang paglalakbay ang nakaraan. Marami akong natutunan marami akong nasubukan at marami akong nakilala lalo na ang aking sarili.

Today will be the last day na aasa akong daraan ang shooting star mamayang gabi, puputi ang uwak at sisilip ang buwan kahit walang eklipse.

Pero bukod doon, ito siguro ang araw na tatanggapin kong lumipas na ang kahapon at may bukas na naghihintay sa katulad ko. Sapat na ang sampung buwan para masabi kong karapat dapat na akong lumaya sa anino ng matamis na kahapon. Lahat naman tayo may karapatang sumaya, baka talagang nakatadhanang mauna lang siya. 🙂

Let Go and Let God.




Sesemonster

minsan kahit maasim ang buhay at may mga daga, masarap pa ring tumaya...

blag bleg blig BLOG blug

Bolang bilog huwag tutulog-tulog, sabihin sa akin ang correct answer.

Chalking Jobz

kapag ubos na ang tinta at pudpod na ang lapis

Pinay Unlimited

I don't want to be defined.

what i talk about when i talk about films

& other things i like to talk about

Spectator

a gray person

The Better Man Project ™

a journey into the depths

Il Dolce Far Niente

The Sweetness of Doing Nothing

boy with a hat

writing as a way of life

So, What's News?

News that won’t make you depressed to read the news.

May Tumawag sa Pangalan Ko.

Ang maKESOng mundo ni Chizkeyk

The Art Studio by Mark Moore

Where Imagination Becomes Realality

Ray Ferrer - Emotion on Canvas

** OFFICIAL Site of Artist Ray Ferrer **

stillness of heart

MUSINGS : CRITICISM : HISTORY : PASSION

willowdot21

An insight to a heart mind and soul.

Mythbroakia

STAY MYSTIFIED!

writinglikeastoner

Understanding life experiences, life lessons and being a better person.

The Good Greatsby

Paul Johnson's comedy blog: I didn't get into comedy to be rich or famous. All I've ever wanted was to be loved...by somebody rich and famous.

Susie Lindau's Wild Ride

Come for Adventure. Stay for the Ride.

I Kissed My Date Goodnight

A single thirty-something embarking on motherhood through the miracle of adoption.

the bunny blog

read -> surf -> eat -> repeat

glittering soot on her eyelashes

When I weep, I want to fuck it away. ~ Anais Nin

A Traveler's Tale

photography and travel interests, places, and things

Eastern Sea Star

This site will feature a wide variety of posts

wittypixaday

Just another WordPress.com site

Jillian Is Your Friend

{ramblings & chronicles on food x music}

COPYCARLA

The Lost Copywriter

Leaves in the Pages

Leave your mark on the page.

Ross Gale is a writer and editor from the Pacific Northwest.

Ross Gale is a writer and editor from the Pacific Northwest.

twitchyface

a personal blog

Traveler on Foot

Photo-essays and travel narratives

Sorry Television

Reading a book a week

Blog ni Lolo

Living a life with no regrets.We only get one shot at life. Make the most of it.

allmostrelevant

Want to see what an Instagram with no pictures looks like? @allmostrelevant

Golden.Faith.Within

following LOVE. showing JOY. seeking PEACE. spilling PATIENCE. integrating KINDNESS and GOODNESS. holding FAITHFULNESS. keeping GENTLENESS. abiding SELF-CONTROL

CoreyPonders

A Young Man From Wales That Writes Poetry......

urbanarchiver

My O_o @ Techs, Food, Travels, Cars, Fashion...A Diary, A Photoblog whatever....

Creativity Aroused

Arouse your inner creativity. Listen to your creative voice. Explore where it takes you!

Bucket List Publications

Indulge- Travel, Adventure, & New Experiences

jofelynmartinezkhapra.wordpress.com/

All content and images Copyright © 2017 Jofelyn Martinez Khapra. Any duplication or use of the images without her express permission constitutes copyright infringement.

%d bloggers like this: