kaloythoughts

Monthly Archives: Setyembre 2012

Birthday ko kahapon, at masaya akong kaarawan ko nga talaga, araw ko nga talaga. Tipong sa isang munting araw sa daang araw ng  buong taon, at sa labing siyam na taon kong nakihinga sa hangin ng kalawakan, naging akin ang mundo, kahapon.

Ganun pala masurpresa, ganun pala ang pag-iyak sa kasiyahan. Isang bagong karanasang hindi ko malilimutan. Totoo pala ang saya, ang tunay na saya…

Masaya din pala talagang makitang masaya ang mga taong nagmamahal sayo, walang bahid ng pagkukunwari, purong kaligayahang hindi masusukat ng ngiti.

Hindi lang pala jowa at ihi ang makakapagpakilig sa kalooban ng isang tao, maari rin palang kilitiin ng mga mumunting kaibigang nagbahagi ng tuwa na higit pa sa kilig ang idinulot sa iyong kalamnan. Nanginginig ka sa saya, naiiyak ka sa tuwa at napapasimangot ka dahil ngayon mo lang talaga napatunayan at naramdaman na ang tunay na kahulugan ng saya ay hindi makikita, o mahahawakan dahil ito ay isang pakiramdam na tanging ikaw at ang mga taong nagmamahal sayo ang tanging nakakaintindi.

Walang magarbong handaan si Kaloy, walang maraming bisitang nakabihis ng maganda, o di kaya’y mga regalong itinali ng pulang laso na naglalaman ng regalong hinahalintulad sa ticket upang makapasok sa sinehan. Tanging mga tunay na kaibigan, pamilya at mga mumunting surpresa ang nagbigay sa akin ng karapatang angkinin ang mundo sa aking kaarawan.

Sa lahat ng tao sa mundo ko, maraming salamat! Dahil sa patuloy niyo  paring hinuhubog si Kaloy.

God is good all the time! Kaya wala kang rason para hindi mag smile. 🙂

 

Advertisements

Kapag pinasukan mo ang buhay teatro, hindi mo maiiwasang masagi ang camera. Sinabi ‘yan ng kasamahan ko nagn panahong nag-uumpisa pa lang ako sa mundo ng entablado. Akala ko tungkol lang sa pag-aartista na naging pangarap ata ng lahat ng pinoy ang tinutukoy niya, akala ko tungkol lang ito sa isang pangarap, akala ko matagal pa bago ko maisip o madaplisan man lang ang tungkol sa pangarap na ito. At kagaya ng lagi, mali nanaman ang akala ko.

Matagal ang paghihintay sa mga show, at kapag walang show patay ang mga artista ng teatro. Patay ako.
Bilang isang undergraduate na tinalikuran ang eskwelahan, upang subukang suntukin ang buwan sa katauhan ni Elias, sa pag-aakalang magiging madali ang lahat, kagaya ng isang assignment sa loob ng paaralan, o ng mga penikulang mainstream kung saan uso ang happy ending. Mahirap madapa, dahil tipong ito ang inaasahan ng lahat sa ginawa kong desisyon.

Nga-nga! Literal na malalaglag ang panga mo sa kahihintay, siguro talagang kasama na ng buhay ang paghihintay, madalas nga lang, mainipin tayo, mainipin ang tao.

Pero minsan pala ang mga magagandang bagay ay hindi ang mga hinihintay, kundi ang mga bagay na dumarating kasabay ng ating paghihintay. Kagaya ng SINEKLAB.

Sa kawalan ng ginagawa, marami akong natutunan, marami akong natuklasan mga bagay na masasabi kong hindi nasayang ang paghinto ko sa pag-aaral dahil patuloy akong natuto, mga kaalamang alam kong hindi ko matutunan sa loob ng eskwelahan.

Nabigyan ko ng oras ang pagsusulat ko, natuto akong maglaba, nakita ko ang tunay na buhay ng isang ina, ng aking ina. Natikman ko ang buhay sa labas ng aking uniporme. Naintindihan ko din ang sinasabi nilang tunay na buhay. Nalapit ako sa kultura, sa politika, at higit sa lahat sa sining.

Kamakailan lang pinukaw ng penikula ang aking mga malabong matang sinalaminan at nilinaw ng apat na araw na Film Workshop. Sa pamamagitan ng San Fernando at pakikipagtulungan ng  CCP at pagbabahagi ng mga namumukod tanging kaalaman ni Sir Edward Cabagnot, isang natatanging alagad ng sining na mula pa sa CCP.

Bilang nag-aambisyong sumibol sa larangan ng penikula, isang napakalaking buhos na biyaya ang makadalo sa workshop ni Sir. Edward. Bukod sa napaka dali nitong pakiusapan napakahusay din niya sa kanyang ginagawa na bunga na rin ng matagal na experience.

Ang kanyang workshop ay pinamagatang “paano nga ba manood ng isang penikula” kung paka-iisipin tama nga na kung nais mong bumuo ng isang masarap na putahe kailangan mo munang malaman kung paano tikman at lasahan ang masarap. Kagaya sa ginawa ni Sir. Edward, pinapanuod niya kami ng mga palabas na ibang-iba sa nakikita natin sa tv na madalas nating pinagkukunan ng ating mga kaalaman sa penikula.

Mula sa mga klasikong “Biyaya ng Lupa”, “Insiang” at mga indie films na hindi mo basta basta mahahanap sa suking tindahan kagaya ng “Bonsai” “Mansyon” “Isada” “Nino” 100″ “Babae sa Septic Tank” “at marami pang ibang mga penikula na talaga namang napaka layo sa mga napapanood natin sa Cine at telebisyon.

Sa katunayan, bago pa ako nakadalo sa workshop ng Sineklab nasubukan ko ng gumawa ng isang script na sinubukan namin ng aking mga kasamang isabuhay ngunit nahinto lamang dahil sa mga hindi maiwasang bagay kagaya ng bagyo at pagkakasakit ng bida naming lalaki.

Pagkatapos noon ay pinasulat muli ako ng isang bagong likha na binihisan na ng mga bagong kaalaman mula sa workshop.

Kahapon, napakasaya namin pagkat natapos ang shooting ng bagong short film namin at sobrang saya ko na natapos ang lahat ng eksena! Ang film narin na ito ang dahilan kung bakit napaka late na ng post ko tungkol sa SINEKLAB. Magpopost din ako tungkol sa naging proseso ng paggawa ng aming munting short film. At kapag pinayagan, ipopost ko din dito ang mga candid pictures at trailer. 🙂


Bakit mo tatandaan ang isang masamang bagay o pangyayari sa iyong buhay?

Bakit mo pag aaksayahin i-kwento ang pangit na karanasan?

At bakit kailangan nating tanggapin na may mabuti sa kasamaan?

Nitong mga nakaraang araw todo medyo hinawi ng hangin ng electic fan na nasa likuran ko sa mga oras na ito ang kampanya kong “teampositive” lang! Medyo kasi pumalya ang ihip ng hangin at napasimangot ako. Sumandaling nabura ang ngiti kay Kaloy.

Sabi nila lahat naman, nagkakaroon ng family problem, tipong pang MMK na problemang hindi lang pampamilya pang box office pa! At ang swerte ko lang daw na ako ang pinili ng magic tombola.

Hindi ko malilimutan ang bilang ng mga luhang pumatak sa mata ko ng gabing iyon, kung ilan ang head counts ng mga balahibong nag-standing ovation para sa munting palabas kung saan ako at ang aking ina’t kapatid ang mga klasikong bida habang sarili kong ama ang villain at ax ang pambato niyang sandata. Astig hindi ba? Sa palagay ko nominated ako as best actor sa susunod na FAMAS awards at best supporting ang tatay ko in his most realistic kontrabida role.

Hirap magbigay ng detalye, pero kapag nasa shooting ka pala ng sarili mong buhay ang hirap mag-call a friend kase 50/50 ka.

Buti na lang talaga biniyayaan ako ng mga spongebob friends ni Lord. (Sarili kong terminolohiya sa mga kaibigang pati utot at baho ng hininga mo tanggap nila.)

Sabi ko nga sa status ko sa facebook: Mabilis talaga bumangon kapag nandyan ang mga kaibigan na handa kang alukin ng helping hands tapos wanpeyk lang pala! Pero atlis nakatawa kana, at yun ang tunay na pagbangon. 🙂

Pero may mga pagkakataon talagang magsasabay sabay ang bagyo. Tipong parang ginawang pasyalan at tambayan ang buhay mo ng mga delubyo.

Masakit kapag sinabihan ka ng “I am not your friend. The same way you are not mine. You don’t know how to be one to yourself. that’s why you don’t know how to be a friend to me either.” pagkatapos mo pinilit bumangon sa nakapanlulumong sitwasyon. Tipong.. Boom! Heto nanaman po ang bagyo kumakaway-kaway nanaman sa dungawan mo. With matching killer smile at hawi sa baduy nitong bangs.

Pero that’s life, sabi nga nila. Shit happens at walang sinabi kung ilang beses pwedi mangyari sayo ang shit na mga ito. Pero may kasabihan din namang “happiness is a choice” na subok at tested ko na mula noong magpasya akong pumanig sa team positive.

Kapag tambak ka ng problema gusto mong ipangalandakan sa mundo, ganun naman talaga, hahanap ka ng outlet. Pero hindi mo naman makakayang idetalye ang lahat kaya para sa akin ang pagsabi sayo ng isang kaibigan na may nararamdaman siyang sakit ng katawan o kung ano pa man ay malaki ng bagay. Kasi somehow ibinahagi niya sayo ang hindi niya mailabas labas na dighay sa mundo.

Gusto ko sana tumambling pabalik sa kalungkutan pero naalala kong choice pala ang saya at ayaw kong mabalot nanaman ng simangot ang positibo ko ng mundo. Kaya eto na lang ang ibinalita ko sa madlang pipol.

Pagkatapos ng ilang oras na pakikipagbuno sa labada, uulan lang din pala. #teampositive padin ako! Kaya kong labhan ulit ito. 🙂 (mula sa facebook status ko)

Narito ang mga natutunan kong mabuti sa masama:

  • Natututo ka.
  • Nakikilala mo ang sarili mo.
  • Nakikilala mo ang mga tao sa paligid mo.
  • Tumitibay ka.
  • At napapalapit ka sa Panginoon.
  1. Eto lang ang payo sa akin nung kaibigan kong may edad na: (Clue medyo above 20’s)

“Mind is not about numbers, it’s about the process.”

2. Eto naman ang sabi nung kaibigan kong bagets katulad ko:

“ay gnon. pero kung mkpag-comment nman xa, wagas! hahaha…feeling mentor sa protege! hehehe.

ou nga yaan u nlang xa. bsta go lang ng go sa buhay! hahaha…”

—-

Sa kabuuan natutunan ko na minsan may mabuti sa masama. Gaya ng mga nabanggit, at may masama sa mabuti, gaya ng kotrabida role sa MMK episode ng pamilya ko, at sa feeling mentor sa protege na tinuring kong kaibigan.

P.S Paki hashtag naman ang #teampositive sa twitter ah? Baka sakaling mag-trending! Haha palaganapin ang tuwa sa madla, hindi ‘yung kontrabida ka na nga, dagdag simangot ka pa, sa buhay ng iba! 🙂


Nocturnal ako, tipong mas gising ako kapag gabi kesa sa umaga. Kaya nga feeling ko uubra ako sa pagiging call center agent o sa mga trabahong graveyard ang duty ko.

No Copyright Intended

Madalas 12:00pm – 2:00pm ang gising ko. Minsan umaabot ng hanggang 4:00pm kapag napasarap ang tulog. Ito ang dahilan kung bakit ako napagkakamalang batugan hindi naman kaya!  talagang iba lang siguro ang lifestyle ko.

Pero recently, hindi na ako masyado nagpupuyat. Masama din pala kasi  sa kalusugan kaya’t hanggang maari hanggang 1-2am na lang ako sa harap ng computer. Tsaka may bago akong bisyo ngayon, ang panonood ng teleserye. Ou, medyo korni man pakinggan, na hooked ako sa kakyutan ng kwento ng “Be Careful with My Heart” Hindi naman ako fan ng mga teleserye pero ang light at funny lang kasi ni Jodi Sta. Maria at saludo ako sa galing niya sa larangan ng pag-arte. Isama pa ang makukulit at magagaling din na mga co-artists niya na talaga namang magpapa good mood sa lahat ng manonood nito.

 


Hindi para sa tamad ang pagsusulat.

-Bob Ong (Stainless Longganisa)

Eto na tayo kay BOB ONG. (Matagal ko na gusto magsulat tungkol sa kanya, pero natatakot ako.) Isa siguro siya sa pinaka-kinatatakutan ko, at idolo ko at the same time. Sino nga ba sa mga Pinoy, mambabasa man o hindi ang hindi nakakakilala sa kanya?

Nakita ko lang ‘to sa web. This is not mine. Uy English!

The six books he has published thus far have surpassed a quarter of a million copies.

Filipinos really patronize Bob Ong’s works because, while most of his books may have an element of comedy in them, this is presented in a manner that replicates Filipino culture and traditions. This is likely the reason why his first book – and those that followed it, can be considered true Pinoy classics.

-http://en.wikipedia.org/wiki/Bob_Ong

Aminado ako, isa ako sa mga milyong fan ni Bob Ong.

Astig naman talaga kasi siyang magsulat, bukod doon, totoong sikat na sikat na sikat na sikat na sikat na siya.

Tapos mysterious pa ang tunay niyang pagkatao, (para tuloy siyang isang bituin na nakikita mo lang, pero hindi mo pwedi hawakan, makausap, o kahit man lang mapasalamatan.)’yan panaman ang panlasa ng Pinoy. Misteryosong tsismis, tipong hinahabol-habol natin ang wala, hinahanap natin ang ayaw magpahanap, at pinagkwekwentuhan natin ang mga kuru-kurong, gawa-gawa lang.

Komedyante din si Bob Ong, alam ng lahat ‘yon. Pero hindi lang siya basta nagpapatawa, kasi may pinatatamaan siya. At madalas, tayo ‘yon.

Sa siyam niyang librong naisulat at lumabas sa National Bookstore, isa lang ang nabili ko binili ni mama para sa akin, (Stainless Longganisa) pero lahat nabasa ko.

Sa tulong narin ng mga kaibigan at library, nakilala ko ang likhang Bob Ong. Hindi maitatanggi na napaka galing niyang magpatama ng tao.

Magpatama in a sense na habang binabasa mo siya, eh talagang magkakatopak ka: sa kakatawa, kakaisip at sa sakit ng mga patama niya sa lahing Pilipino na kinabibilangan ng tayo. Na buong gilagid nating pinagtatawanan.

Masasabi kong malaki ang utang na loob ko kay Bob Ong (Kahit hindi naman talaga dapat magkaroon ng utang na loob, dahil wala namang pambayad doon) Siguro naging isa lang talaga siya sa mga inspirasyon ko. Kaya nga kinatatakutan ko siya.

Nakakatakot na dahil sa kasikatan niya, lahat ng manunulat, nagsusulat, magsusulat at gustong maging manunulat kagaya ko na mahawig lang ang istilo sa kanya, agad ng sinasabihan ng “parang BOB ONG” nagkakaroon tuloy ng identity crisis ang mga writers wanna be.

Kapag ba gusto mong maging unique kakain ka gamit ang paa? Kasi kapag kumain ka gamit ang kutsara’t tinidor, wala ka ng originality. Kasi, may nauna na sayong sumikat gamit ang ganoong style?

Hindo ko inaaway si idol Bob Ong, saludo ako sa kanya! Itanong mo man sa kopya ko ng Stainless Longganisa na pinabili ko padin kahit nabasa ko na, at paulit-ulit ko paring binabasa na hindi nayuyupi ang mga pahina.

Gusto ko maging manunulat, pero ang bigat naman ng sinabi ni Bob Ong na hindi ito para sa mga tamad. Kasi minsan ang katamaran hindi lang dahil tamad ka, kundi dahil din sa minsan, parang wala ka ng lugar sa mundong gusto mong pasukan.

Oops! Mukhang negative ang dating ng huli kong sinabi, ipagpalagay na lang natin na…

Hindi siguro lahat ng pangarap natutupad, pero habang tinatrabaho mo at pinagpapaguran mo ang ‘yong pangarap, tiyak, pasasaan man, ika’y may patutunguhan. 🙂

P.S: Idol Bob Ong! Kape tayo minsan ahh? Hehe.

Don’t worry hindi ako papalibre, KKB.


Dahil pumasok na ang buwan ng September (BirthMonthKo), at saktong pang isang daang post ko ito sa Kaloythoughts.

Mag PERSONALAN muli tayo! At sa pagkakataong ito, gusto ko ipakilala ang mga babaeng naging mabuting kaibigan ko sa nagdaang isaang daang paskil.

Eto lang ang mga may mga matitino’t mapagtyatyagaang larawan, hindi ibig sabihin na wala ka dito hindi ka mahalaga sa buhay ko.

(PictureStoryMode)

[Random Order]

3,2,1!

 <—- Si Mhyca a.k.a Cha/Chacha kasi pareho namin pinapakinggan at paborito ang sexy time portion dati ni DJ Chacha sa radio station 101.9. Chuchu tawag niya sa akin.

                       Si Gazu a.k.a Gazelle  —-> akala ko hindi kami magkakasundo. Ayun lagi namang palpak ang akala ko eh. Mukha lang siyang intimidating pero napaka caring na tao niyan. Favorite niyang sinasabi kapag nagkwekwentuhan kami ay, “Aleeeeeeehhhhh??” kapampangan term, meaning “Hindeeeeehhh??”

 <—- Si Claire a.k.a Cler. Isa sa mga old time friend ko na hanggang ngayon nakikiusyo parin sa buhay ko. Malamang ninong ako ng anak nito kapag naging nanay na siya. (Oy aral muna, bago pbb teens!)

Si Choi a.k.a Pitay/Josephine —-> Naging close ko sa kolehiyo, astig na babae, marunong pang manggitara sa akin. Rocker pero sweet. Choi naging tawagan namin kasi, habang nagtetest ako (magkikita kami pagkatapos mag test, guitar jam lang) nakita ko sa desk, may naka vandal CHOI. Ayun na tinawag ko sa kanya.

<—– Cass/Cassandra, old time friend na medyo hindi ko na alam anu ng pinag kakaabalahan sa buhay ngayon. Panigurado, student. Pero secret lang natin, matagal kong crush ‘to. Puppy love ba. Haha! (Bata pa namin dyan.)

               Si Bel/Crisabel —-> Bukod sa nagkamali ata ang nanay niya sa pag spell ng pangalan niya. Parang nagkamali din si God na hindi siya anak ng nanay ko o anak ako ng nanay niya. Kung may super pa sa super na kaibigan siya ‘yon! (Kapag umabot kami ng kwarenta at wala pang asawa, baka kami na nga ang magkatuluyang dalawa.) HuwagNamanSana

 <—- Si Aubs/Aubry a.k.a Kiray (ako lang ang tumatawag sakanya ng ganyan, at tiyak kapag nabasa niya ‘to, sisiklab ang rebolusyong Pilipino!) Hehe. Old time friend, dancer na siya ngayon sa Nayong Pilipino. Kung saan kami nag photo shoot para sa Noli.  (At may balibalita na baka may pag-asang mag show kami doon.) Sana nga!

                                           Si ate Jan. Naging mabait na kaklase —-> noong nasa college pa ako. Siya ang pasimuno ng ambag-ambag para kay Kaloy. Alam ko nakalikom siya ng isang libong piso para pandagdag sa chef uniform ko.

 <—- Si Aning/Anne. Old time kaibigan na malapit kay Lord. Kapag kailangan mo ng kwela’t makabuluhang opinion, txt mo lang siya hindi siya magrereply, walang load! Tsaka busy nagrereview sa makasirang ulong course niya. Accountancy!

                                     Si Angie a.k.a Pika —-> Nakilala ko sa formspring, sumuma sa ginawa kong fb group, naging parang kanang kamay ko, pero halos siya ang nagpatibay sa grupo. Once palang kami nagkita pero naks iba siya kung sumuporta!

 <—- Si Leo/AteLeo. Naging kasamahan ko sa TG. Isa sa mga hinangaan ko noong bago-bago lang ako sa org. Medyo weird ang pagkatao pero naging mabait naman na kaibigan at ate at the same time.

                            Si Emil –—>
Kasamahan ko dati sa pagiging working student sa library ng paaralang pinapasukan ko. Mukhang siya lang ang nailagay ko dito kasi kami lang ang may solo picture. (kinuhanan ang picture na ‘to noong nag susummer duty ako last year. Wala kaming magawa kaya ayun, picture, picture sa trabaho. Sa depository pala yan ng library.)

 <—- Si Jogs a.k.a Tiya Isabel. Siya si Tiya Isabel sa Noli theater play namin. Napakalayo ng karakter niya sa pagiging matandang dalaga. Pero kuhang kuha naman niya. Matagal ko na siya kagrupo sa org namin sa eskwela pero naging magkaibigan lang kami dahil sa teatro. (May collaboration nga kaming isang Love Story.. Abangan!)

                                                                                              Si Jen —->  a.k.a katropa sa pagka ambisyosong modelo. Akala ng marami war freak, hindi nila alam sweet at mapagmahal lang siya kaya pinuprotektahan lang niya ang mga mahahalagang tao sa buhay niya.

 <—- Si Jhen with H. Medyo patapos na ang school year ng malaman kong astig siyang kaibigan pati ng barkada niyang last name ang tawag sa akin.

                                Si Jam/Jamel ——–>
Isa sa mga naging sanggang dikit ko noong bago ako mag stop sa kolehiyo. Kung gaano siya katapang para ipagtanggol ka, ganun siya ka walang lakas para sa mga kontrabida ng buhay niya.

 <—- Si ate Inah, kaTG ko din. Naging close kami dahil na rin sa org. Babaeng sweet ang mukha pero maangas ang dating.

                                                                Si Gara —–>
Oldest ata siya sa mga pinaka matalik kong kaibigan, bukod kasi sa talagang masipag siya, masarap din siyang hingan ng praktikal na opinion tungkol sa kung saan saan. Sana matapos niya ang kurso niyang Achitecture para kapag nagpagawa ako ng bahay, maka menos na ako sa arkitekto.

 <—- Si Gaea. School mate ko, matalino. Tapos nasa higher section pa siya noong high school kami. Swerto ko, pinagbigyan niya ako na siya ang maging first dance ko sa J.S Prom. Tantananantanan! Dream come true. Haha!

                                             Si Justine/Just —->
Ka batch ko sa TG org namin, siya ang unang nakapareha ko sa unang medyo musical na salang ko sa entablado. At kaming dalawa ang lead ng munting presentation. (Bad memories lang, hindi kami nakakain sa event dahil kami pala ang panonoorin habang kumakain ang mga bisita)

<—- Si Lovely. Matalik ko ding kaibigan mula pa noong h.s kaya yan ang kinuha kong picture kasi sobrang bata pa ang ibang mga larawan namin. Pero kahit matagal na ang pagkakaibigan namin hanggang ngayon solid, liquid at gas parin kami.

                                                          Si Lycs/Lyca —–>   Isa sa mga unang nakasama ko sa kolehiyo. Noong una akala ko susyal kasi nga maganda at talagang mistisa. At tama ka! Palpak nanaman ang akala ko.

 <—- Si Maria Concepcion a.k.a Maricon/Macon. H.S classmate at talagang napaka bait! Alam ko nasa America na ngayon ‘to. Pero malayo man kami at walang balita sa isa’t isa. Laging may puwang ang mga tunay na kaibigan sa puso natin.

                                                                                         Si Pam —–>     J.S Prom namin yan, ako noon ang parang escort escortan niya. Isa sa mga hindi ko makakalimutan kay Pam eh noong minsan kunware hahawak siya sa braso ko para lang iwasan na siya ng medyo mukhang butiki niyang manliligaw. Mabait din kuya nito.

 <—- Si Erica a.k.a Maria Clara. Tama, siya si Maria Clara sa theater play namin. ‘yan ang pinili kong picture namin kahit napaka dami niyang magandang larawan kasi para sa akin dyan lumitaw ang tunay niyang personality at dyan lumitaw kung gaano kami kalokoloko sa rehearsal.

                    Si Maricel/Ycel —-> a.k.a Blue Katulad kay Pika nakilala ko siya dahil sa grupong ginawa ko sa fb, noong unang beses kami nagkita pareho pala kami naka retainer at tinawag ng mga kasama namin ‘yun na BLUEtooth. Kaya naging tawagan namin ang BLUE. Ewan pero parang napaka close namin bago at pagkatapos ng GEB (GrandEyeBall)

 <—- Si Mye a.k.a Sisa. Pinaka huli siyang na-cast sa grupo pero isa siya sa mga pinaka naging ka-close ko. Bukod kasi sa napaka kalog niya napakasarap pa niyang magluto!

                                  Si ate Mich —–> a.k.a Donya Consolacion! Isa sa mga coolest maam na nakilala ko. At ang maganda pa sa kanya, never niyang papatayin ang mga pangarap mo. Isa siya sa dahilan kung bakit team positibo ako ngayon.

 <—– Si Mama a.k.a Joy. Nilagay ko siya kasi parang kaibigan din naman ang turingan namin. Minsan nga mas bagets pa siya sa akin. Nakakainis lang kapag nagrereklamo siya na nasisira ang lifestyle niya kapag natatambay siya sa bahay. Wow, nay! amusta naman ang lifestyle ko diba? (Sana hindi niya mabasa ‘to) Lol ;p

                                   Syempre hindi mawawala si Lola —-> Kabarkada ko sa panonood ng PBB batch ata ni Wendy ‘yun. Basta ang kwento para payagan ako magpuyat, makikipuyat din siya kasama ko kahit inaantok pa siya.

 <—- Muntik ko ng makalimutan. Ate ko si Crystal. Wala kaming matinong picture together. Tsaka mas ok na din na solo flight lang siya para hindi masyado halata na hindi kami magkamukha. Pero biological sister ko siya, kahit hindi halata.

P.S: Sa mga hindi naipaski umapela sa suking baranggay at magdala ng camera. Papicture tayo together. 🙂

May kasabihan nga tayo: ang babae minamahal hindi sinasaktan!


Kahapon, huling araw ng Agosto. Kaarawan ni Sisa, kaya dumalo si Elias.

Buti na lang team positibo na ako, hindi sana ako pupunta eh. Magpapakabulok na lang sana ako sa bahay, magsusulat, bubusugin ang mga lamok sa ilalim ng desk ng computer gamit ang dukha kong dugo. Kaso masaya maging masaya, at tama nga. Umuwi akong masaya!

 Akala nila ulirang ina award lang ang trophy ni Sisa..

 Hindi nila alam, bago siya maging nanay, naging   mabuti muna siyang kaibigan! 🙂

Happy kaarawan sa asawa ni Pedro, ina nina Crispin at Basilio at sikretong matalik na kaibigan ni Kaloy!

P.S: Lobster, (tawagan namin ng nasa picture sa left side, a.k.a SISA) Wish you all the best, may you sing all the good songs in the world! Ipagkanta mo ang bayang Pilipino. By that natupad na rin ang pangarap kong maging musikero. Naks!



Sesemonster

minsan kahit maasim ang buhay at may mga daga, masarap pa ring tumaya...

blag bleg blig BLOG blug

Perlas na bilog, huwag tutulog-tulog, sabihin sa akin ang correct answer.

Chalking Jobz

kapag ubos na ang tinta at pudpod na ang lapis

Pinay

I don't want to be defined.

what i talk about when i talk about films

& other things i like to talk about

Spectator

a gray person

The Better Man Project ™

a journey into the depths

Il Dolce Far Niente

The Sweetness of Doing Nothing

boy with a hat

writing as a way of life

May Tumawag sa Pangalan Ko.

Ang maKESOng mundo ni Chizkeyk

The Art Studio by Mark Moore

Where Imagination Becomes Realality

Ray Ferrer - Emotion on Canvas

** OFFICIAL Site of Artist Ray Ferrer **

stillness of heart

MUSINGS : CRITICISM : HISTORY : PASSION

willowdot21

An insight to a heart mind and soul.

Mythbroakia

STAY MYSTIFIED!

writinglikeastoner

Understanding life experiences, life lessons and being a better person.

The Good Greatsby

Paul Johnson's comedy blog: I didn't get into comedy to be rich or famous. All I've ever wanted was to be loved...by somebody rich and famous.

Susie Lindau's Wild Ride

Come for Adventure. Stay for the Ride!

I Kissed My Date Goodnight

Embarking on motherhood through the miracle of adoption.

glittering soot on her eyelashes

When I weep, I want to fuck it away. ~ Anais Nin

A Traveler's Tale

photography and travel interests, places, and things

Eastern Sea Star

This site will feature a wide variety of posts

wittypixaday

Just another WordPress.com site

Jillian Is Your Friend

{ramblings & chronicles on food x music}

COPYCARLA

The Lost Copywriter

Leaves in the Pages

Leave your mark on the page.

Ross Gale is a writer and editor from the Pacific Northwest.

Ross Gale is a writer and editor from the Pacific Northwest.

twitchyface

a personal blog

Traveler on Foot

Photo-essays and travel narratives

Sorry Television

Reading a book a week

Blog ni Lolo

Living a life with no regrets.We only get one shot at life. Make the most of it.

allmostrelevant

Want to see what an Instagram with no pictures looks like? @allmostrelevant

CoreyPonders

A Young Man From Wales That Writes Poetry......

Golden.Faith.Within

following LOVE. showing JOY. seeking PEACE. spilling PATIENCE. integrating KINDNESS and GOODNESS. holding FAITHFULNESS. keeping GENTLENESS. abiding SELF-CONTROL

urbanarchiver

My O_o @ Techs, Food, Travels, Cars, Fashion...A Diary, A Photoblog whatever....

Creativity Aroused

Arouse your inner creativity. Listen to your creative voice. Explore where it takes you!

Bucket List Publications

Indulge- Travel, Adventure, & New Experiences

jofelynmartinezkhapra.wordpress.com/

All content and images Copyright © 2017 Jofelyn Martinez Khapra. Any duplication or use of the images without her express permission constitutes copyright infringement.

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

%d bloggers like this: