Dahil nga mabilis ang mga pangyayare at isa na lang sa mga karakter ko ang kulang sa kwentong ginagawa naming indie film, nag Paul hunting kami. Paul kasi ang pangalan ng nawawalang miyembro ng palabas namin.
Perstaym kong pumasok sa isang hosto bar, mag matsyag ng mga lalaki sa coffee shop at makipag usap sa kung kani kanino sa mga inuman at tambayan mahanap lang namin siya.
Dahil ispisipik ang itsurang hinahanap namin, nahirapan kami. Pero pagkatapos ng bar hopping at Paul hunting. Isang anak ng may-ari ng coffee shop at isang flayt attendant ang aming pinagpipilian sa ngayon.
Sana isa na sa kanila si Paul.
Alam naman ninyong mahilig akong mag-aksaya ng tinta at kuryente sa kakatayp ng kung anu-anong kwentong binubuo ko para kumita ng pera at magkaroon ng dahila para hindi maligo.
Hindi na rin lingid sa inyong kaalaman na madaldal ako at makwento lalo na kung ang kinukwento ko ay ang aking mga sariling kwento -sariling likha.
At dahil nga naging malapit ako kay Miss O, naikwento kong may nais akong isulat na isang maikling kwento. At plano ko ito ibenta sa iba para maging pera. Ito rin ang pinaka maikli kong kwentong isusulat. Nagandahan naman siya at sinabing isulat ko daw ito.
Ginawa ko naman. At bukod sa ito ang pinaka maikling syort istori ko, ito rin ang pinaka mabilis kong natapos na dinatnan na ako ng umaga sa harap ng kompyuter.
Muntik ko ng maibenta, buti na lang naikwento ko ulit kay Miss O at nasabi ko ng tapos na ito. Ayon, instant director ako sa sarili kong kwento.
Kaninang umaga nga pala ang first shooting namin, grabe ang saya lang! đ
July 20, 2012 sertipayd a day to remember! Ganun pala ang buhay artista, buhay elitista!
Dahil dakilang tambay ako sa bahay ngayon at taga-abang lang ng tawag ni Direct para sa kanyang go signal sa susunod naming show naging palipas oras ko ang pagtango sa halos lahat ng pweding lakwatsang hindi nakakabutas ng bulsa.
Isa sa mga naging kasama ko sa paggawa ng wala e itong isa sa mga casts ng Noli Me Tangereng itago na lang natin sa pangalang Ate Mitch. Siya ay isang butihing may bahay at ina sa tatlo nitong anak. Isa rin siyang sertipayd lakwatsera at wag ka! Sa sobrang pakyalamera niya, sinu-sino ang mga nakakasalamha niya. At kamakailan lang ay naging siyang aktibo sa pagtulong at pakikialam sa aktibidades (wattaword!) ng kanyang lungsod.
Pinapunta ako ni Ate Mitch kasama ang ilan sa mga casts ng Noli na dakilang walang magawa din sa buhay na sina: Sisa, Crispin, at Basilio. Sabi ni Ate Mitch aasikasuhin niya ang marketing proposal namin pati ang portfolio ng Noli at kailangan niya ng tulong. Kami naman na game sa pakikipagbayanihan e agad dumating sa kanila. Katulad ng madalas naghanda ng masarap at espesyal na pagkain si Ate Mitch. At pagkatapos naming kumain, dumeretso sa tulog sina Sisa at Basilio habang naiwan kaming nagkwekwentuhan magdamag ni Ate Mitch tungkol sa buhay buhay anything under the sun habang parang listener ng radio si Crispin sa amin.
(Kung tinatanong mo anong nangyari sa marketing proposal namin at portfolio. Ayun, pinaghatian naming ni Ate Mitch sa kanya ang proposal sa akin ang portfolio na hanggang ngayon hindi ko pa tapos.)
Anyway, odi yun nga todo kwentuhan kami ng bigla niyang maisip isama kami sa lakad niya bukas. At kailangan namin magmukhang tao, para sa aming lakad.
July 20, 2012. Nagbuhay V.I.P si Kaloy.
Suot ang apat na taong gulang kong kulay ubeng polo lumarga na kami sakay ang sasakyan ni Ate Mitch papuntang art exhibit ni Ruston Banal kung saan taga unveil pala ng mga photograph ang Ate Mitch namin. Kita ko ang biglang shift ng attitude ni Ate Mitch mas pormal mas mapino at walang kagaslawan na akin ng nakasanayan. Ayun nakigaya ako, tumatango tango at ngumingiti ngiti ng bahagya sa tuwing lilitaw ang mga obra maestro ng kilalang taong hindi ko kilala.
Pagkatapos noon ay agad naman kaming nagbyahe papuntang Heroes Hall upang tugunan ang imbitasyon ng Mayor kay Ate Mitch na manuod ng isang Kapampangan Concert.
Pagdating doon ay napaka rami ng tao, kung ako lang sigurong mag-isa makukuntento na akong umupo sa sulok pero iba nga pala ngayon. Nakipag beso-beso si Ate Mitch sa mga taong mainit na sumalubong sa amin at nagturo kung saan kami maaring umupo.
Pinaupo nila kami front seat sa may left stage katabi ang ilan sa mga kilalang personalidad kagay ni Ara Muna (Isang kilalang impersonator dito sa amin.)
Pero hindi pa pala âyon ang special treatment na sinasabi nila dahil ilang minuto pagkatapos noon ay pinaupo rin kami sa pinaka harapan ng gitnang bahagi. Ganun pala ang pakiramdam ng isang manunnuod, madalas kasing isa ako sa mga pinapanuod na nagbibigay tuwaât aliw sa kagaya ko ng mga oras na iyon; importanteng bisita kahit sabit lang naman talaga ako ni Ate Mitch.
Wakas.
Mga gabay na tanong ni Kaloy para sa sarili:
1. Ano ang natutunan mo sa pakikipagsusyalan na naranasan mo?
Natutunan kong hindi mo kailangang maging mayaman para ituring kang importante ng mga nasa paligid mo, kailangan mo lang maniwala sa sarili mo at ipakitang karapat dapat kang ituring na espesyal. Kagaya ng laging sabi ni Ate Mitch.
âIf you treat yourself as a prince/princess, they will treat you as a royalty!â
2. Dahil gaya-gaya ka kay Ate Mitch ano ang quote na ipapa-uso mo rin?
Ang kowt na naisip ko pagkatapos ng gabing iyon.
âLife is about attitude, so learn to have the best!â
3. Pagkatapos ng mala Cinderellang araw na iyon ano ang nasa isip mo
Naisip kong ang buhay ay dapat binubuhay at hindi pinapatay. Positibo ang mundo kung positibo mo itong titignan.
Naririnig ko ang mga yabag
ngunit ayaw kong buksan
ang aking mga mata.
Natatakot akong baka,
kumupas ang mga ito.
Kasabay ng panaginip
na ikaây naririto pa
sa ating munting silid.
Naglalakad sa pasilyo
hinahanap ang balbuning-
tsinelas mo. Sa ilalim
ng gilid ng ating kama.
Naghihilamos sa banyo,
nagsusuklay at sipilyo
habang inaawit na
sanaây âdi tayo magbago.
Tsaka moâko muling tatabihan,
yayakapin mula sa likuran.
At ibubulong sa akin
kung gaano mo ako
hindi kayang iwanan-
pero nagawa mo, ginawa mo.
Binuksan ko ang mga mata,
mga matang lumuluhang nakapikit.
Kailangan kong magpatuloy,
dahil âyan ang pangako ko.
Kahit sinira mo ang pangako mo-
na lalaban ka.
Kailangan kong bumangon,
harapin ang nalalapit-
na pag-iisa. At huling
pagkakataong ikaây makita pa.
Ilang luha pa kaya
ang kayang itulo
ng aking dalamhati?
Tatlong matatamis
na dekadang ngiti
rin pala ang naiguhit mo
sa aking mga labi.
At ngayong kinuha ka na
ng iyong mga uban.
Kalungkutan din pala
ang aking kahahantungan.
Subalit magkagayon man,
âwag kang mag-alala mahal,
malapit naring mapuno
ng puting buhok ang ulo ko.
At aking tutuparin
ang nais mo sa iyong awitin.
âdi tayo magbabago,
kahit maputi na ang buhok ko.
Magsinungaling ka,
Itanggi ang katotohanan
Na akoây hindi mo mahal.
Na akoây iyong pinaglaruan.
Magsinungaling ka!
Mag balat-kayoât magbunyi
Bulukin ang tunay na nararamdaman.
Sa harap ng altar ay ngumiti
Sa tarangkahan ng puso koây
Huwag kang tatakas
Magsinungaling ka
Na ito ang iyong nais.
Naisin mong ako ang dukesa
At ikaw ang aking kapares
Sumugal sa barahang
Ako ang reyna at ikaw ang hari.
Kamatayan ang mahalin ka
Kaya magsinungaling ka!
Sabihin mong walang iba
Dagliây patatawarin kita.
Magsinungaling ka!
Ibsan ang aking pangamba
At ibaon ito sa kabaong
Nang humihinga kong bangkay
Sa bulwagan ng kaluluwa
Ngalan moây nakaukit na
Kaya magsinungaling ka!
Dahil walang buhay kung wala ka.
Buhayin mo ang patay
Patibukin ang puso kong gulapay
Ibalik ang galak sa buhay
Isaoli ang tamis sa aking dulsera
Pakiusap, magsinungaling ka!
Ayokong marinig ang katotohanan
Sabihin mong akoây iyong mahal,
Bigkasin ito ng walang bahid ng kasinungalingan.
Kaya magsinungaling ka.
Magsinungaling ka!
Kalunusan mo ako mahal,
Magsinungaling ka.