July 20, 2012 sertipayd a day to remember! Ganun pala ang buhay artista, buhay elitista!

Dahil dakilang tambay ako sa bahay ngayon at taga-abang lang ng tawag ni Direct para sa kanyang go signal sa susunod naming show naging palipas oras ko ang pagtango sa halos lahat ng pweding lakwatsang hindi nakakabutas ng bulsa.

Isa sa mga naging kasama ko sa paggawa ng wala e itong isa sa mga casts ng Noli Me Tangereng itago na lang natin sa pangalang Ate Mitch. Siya ay isang butihing may bahay at ina sa tatlo nitong anak. Isa rin siyang sertipayd lakwatsera at wag ka! Sa sobrang pakyalamera niya, sinu-sino ang mga nakakasalamha niya. At kamakailan lang ay naging siyang aktibo sa pagtulong at pakikialam sa aktibidades (wattaword!) ng kanyang lungsod.

Pinapunta ako ni Ate Mitch kasama ang ilan sa mga casts ng Noli na dakilang walang magawa din sa buhay na sina: Sisa, Crispin, at Basilio. Sabi ni Ate Mitch aasikasuhin niya ang marketing proposal namin pati ang portfolio ng Noli at kailangan niya ng tulong. Kami naman na game sa pakikipagbayanihan  e agad dumating sa kanila. Katulad ng madalas naghanda ng masarap at espesyal na pagkain si Ate Mitch. At pagkatapos naming kumain, dumeretso sa tulog sina Sisa at Basilio habang naiwan kaming nagkwekwentuhan magdamag ni Ate Mitch tungkol sa buhay buhay anything under the sun habang parang listener ng radio si Crispin sa amin.

(Kung tinatanong mo anong nangyari sa marketing proposal namin at portfolio. Ayun, pinaghatian naming ni Ate Mitch sa kanya ang proposal sa akin ang portfolio na hanggang ngayon hindi ko pa tapos.)

Anyway, odi yun nga todo kwentuhan kami ng bigla niyang maisip isama kami sa lakad niya bukas. At kailangan namin magmukhang tao, para sa aming lakad.

July 20, 2012. Nagbuhay V.I.P si Kaloy.

Suot ang apat na taong gulang kong kulay ubeng polo lumarga na kami sakay ang sasakyan ni Ate Mitch papuntang art exhibit ni Ruston Banal kung saan taga unveil pala ng mga photograph ang Ate Mitch namin. Kita ko ang biglang shift ng attitude ni Ate Mitch mas pormal mas mapino at walang kagaslawan na akin ng nakasanayan. Ayun nakigaya ako, tumatango tango at ngumingiti ngiti ng bahagya sa tuwing lilitaw ang mga obra maestro ng kilalang taong hindi ko kilala.

Pagkatapos noon ay agad naman kaming nagbyahe papuntang Heroes Hall upang tugunan ang imbitasyon ng Mayor kay Ate Mitch na manuod ng isang Kapampangan Concert.

Pagdating doon ay napaka rami ng tao, kung ako lang sigurong mag-isa makukuntento na akong umupo sa sulok pero iba nga pala ngayon. Nakipag beso-beso si Ate Mitch sa mga taong mainit na sumalubong sa amin at nagturo kung saan kami maaring umupo.

Pinaupo nila kami front seat sa may left stage katabi ang ilan sa mga kilalang personalidad kagay ni Ara Muna (Isang kilalang impersonator dito sa amin.)

Pero hindi pa pala ‘yon ang special treatment na sinasabi nila dahil ilang minuto pagkatapos noon ay pinaupo rin kami sa pinaka harapan ng gitnang bahagi. Ganun pala ang pakiramdam ng isang manunnuod, madalas kasing isa ako sa mga pinapanuod na nagbibigay tuwa’t aliw sa kagaya ko ng mga oras na iyon; importanteng bisita kahit sabit lang naman talaga ako ni Ate Mitch.

Wakas.

 

 

Mga gabay na tanong ni Kaloy para sa sarili:

1. Ano ang natutunan mo sa pakikipagsusyalan na naranasan mo?

Natutunan kong hindi mo kailangang maging mayaman para ituring kang importante ng mga nasa paligid mo, kailangan mo lang  maniwala sa sarili mo at ipakitang karapat dapat kang ituring na espesyal. Kagaya ng laging sabi ni Ate Mitch.

“If you treat yourself as a prince/princess, they will treat you as a royalty!”

2. Dahil gaya-gaya ka kay Ate Mitch ano ang quote na ipapa-uso mo rin?

Ang kowt na naisip ko pagkatapos ng gabing iyon.

“Life is about attitude, so learn to have the best!”

3. Pagkatapos ng mala Cinderellang araw na iyon ano ang nasa isip mo

Naisip kong ang buhay ay dapat binubuhay at hindi pinapatay. Positibo ang mundo kung positibo mo itong titignan.