kaloythoughts

Monthly Archives: Hunyo 2012

Mamaya April 25, 2012. Unang meeting ng lahat ng casts.

Kahapon pinapunta ako si Sr Bicong para daw linisan ako.
Bago pa maglumot ang isip niyo, nilinis niya ang pagtula este pagkanta ko. At sa aking palagay, nahirapan siyang maglinis.

After 15 minutes we will start. Punta ka ng ROOM #6

Nanginig na ako sa sinabi niya. Kagaya ng dati, ayaw ko tumuloy pero naglakad ang aking mga paa at pumasok ang mga ito sa maliit na kwarto.

Sinindihan ni Sir Bicong ang aircon. Umupo sa harapan ng piano. Pinahawak niya ang tiyan ko sa aking kamay.

At nagsimula na ang walang humpay na pagpalo sa mga nota. Notang hindi ko man lang nakita pero minsan naman ay natatamaan ko.

♫♪♫♪ Mi i i i yo ho. A e i o u. Ba ba ba ba. A mo oh oh oh oh re.

Paulit-ulit ulit ulit. Hanggang sa sinubukan namin awitin ang kanta. Tapos. Subok ulit tapos ulit.

Namumuo na ang pawis sa noo ko, at luha sa gilid ng aking mga mata. Wala parin. Ewan ko ba, kapag katabi ko si Sir at nakikinig ang iba. Natatakot akong kumanta (kung marunong nga talaga akong kumanta)

Mga dalawang dosenang ulit ang naganap. Nagsalita ng salita si Sir Bicong at hindi lyrics ang lumabas sa kanyang bibig.

“This is a good song. Kahit ako nabigla sa ganda ng pagkakagawa, tamang tama ang mga lyrics. Hindi natin ‘to pweding itapon. (Hala ako ata ang itatapon!) You got this part not because you can sing it, but because you can act it. Basta hindi ka lang sintonado at tama ang tono mo.”

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi niya. Pero pagkatapos noon, pinakanta pa niya ulit ito. Mga isang taong ulit pa ang naganap tsaka niya napansin na kailangan na namin magpahinga.

Pero hanggang ngayong madaling araw. Umuulit ulit ulit ulit ulit parin sa aking mga taenga ang awitin ni Elias at hindi parin makatulog si Kaloy sa mga naganap.

Bukas. 1pm ang call time ng lahat ng casts. 11am naman daw ang call time ni Ibarra, Maria Clara at Elias (ako’yon!)

Bakit wala si Salome? Unfair chaperon nanaman ako. O baka dahil may singing part kaming tatlo. Ibig sabihin..

Kantahan nanaman bukas!! O.O


Akala mo manhid ako?

Na hindi ako naghihintay,

na sa bawat notification sa fb

pangarap kong like mo ang andun.

 

Akala mo gago lang ako?

Manloloko at sanggano,

na sa bawat yosi break ko

iniisip kong sana matigilan ko na ‘to-

para sayo. Kasi ayaw mo.

 

Akala mo wala kang halaga?

Akala mo may iba na?

Akala mo ayaw ko na?

Akala mo hindi na kita mahal?

Ehem! Basahin mo ang title,

nang matauhan ka!


Umulan. Malakas ang tulo ng ulan-

sa ‘king mga mata. Habang nalulunod

ang aking mga sakong sa baha

ng dalamhating sanhi’y

mga estero ng kanal; nagbara

at nagkubli ng sandamakmak na poot!

Matagal na kinimkim at itinago.

Umalingasaw ang baho nito,

sa biglang pag-ulan.

 

Kagaya nito, isinabay ko

ang isang dagat na luha.

Nagbuhos ng hinagpis

habang unti-unti kang nawawala.

Lumalabo ang lahat, sa aking hinagap.


Hindi ko inakalang mapapaaga ang dating ng spot light sa buhay ko. Nag rerehears ako for Noli nang ibigay sa akin ang role na Emperor para sa recital ng mga batang nagsu-summer class. Iba pala kapag pinapanuod ka ng mga tao, at iba rin kapag ikaw ang umaalalay sa mga kasama mo. Tipong, wala kang karapatan kabahan dahil tinuturing kanilang propesyonal sa larangang iyon na kung tutuusin, pareho nila, perstaym ko din.


Sinong mag-aakala?

Ilang buwan na ang nakalipas. Nagpasya ako makipag sapalaran sa mundo ng teatro. Iniwan ang aking pag-aaral, sinunod ang aking gusto. Hindi pala madali, maraming beses kong ninais umuwi. Umuwi sa dati kong buhay, kung saan ako’y isang pangkaraniwang taong hindi nakikipaglaro sa pakiramdam.

Theater is not easy, it will make you cry it will make you laugh, even if you don’t want.

Pero sa huli, kahit gaano pa kahaba ang daan. Darating ka din sa nais mong puntahan, basta huwag kang susuko. Maari kang huminto at magpahinga sandali, ngunit dapat alam mo rin kung kailan ka babalik sa paggapang, sa paglalakad,  sa pagtakbo.

Liko-likong karanasan ang dinanas ko, hindi ko kabisado ang bago kong mundo. Pero malakas ang loob ko dahil ayaw ko makulong sa luma, sa alam ko na sa sinasabi nilang tama at dapat. Nagpatuloy ako, pinagpatuloy ko.

Draining ang trabaho sa teatro, draining sa lahat ng aspeto. Lalo na kapag sinasabi ng Director namin na wala pa kaming show. Mas nakaka-frustrate pa na isang araw bago ang show “We still don’t have a show” ang maririnig mo.

At ang pinakahihintay na araw ay dumating na. June 19, 2012. A day to remember. Hindi ko akalain na ganon ang mararamdaman ko. Ni hindi ko naisip na halos 12hours na pala akong hindi kumakain, na pagod pala ako, ni hindi na nga ako nahiyang maghubad sa harap ng mga kasama kong cast. Basta ang alam ko nang mga panahon na iyon, masaya ako.

During the curtain call ibang iba ang pakiramdam. Iyon siguro ang dahilan ng maraming theater artist kung bakit hindi nila maiwan ang teatro.

Ang pakiramdam na pinapalakpakan ka ng mga taong hindi mo kakilala na natuwa at naramdaman ang saloobin ng karakter na isinasabuhay mo.

This first show will always be in my heart. Alam kong hindi perpekto ang mga nangyari, ang mga naganap. Pero wala namang perpekto sa mundo hindi ba?

Ano man ang mangyari sa mga susunod na araw, alam kong hindi na ako ang dating Kaloy hindi ko alam kung tama o mali pero alam ko, nag-mature ako sa mundong pinasok ko, and I’m proud of it!


Lights on!

Akala mo madali, hindi.

Akala mo puro ngiti, mali!

Iiyak ka kahit di’ ka naluluha.

Tatawa ka kahit ‘di ka masaya.

 

Kailangan mong dumapa

gumapang at magmakaawa.

Dapat lahat alam mo,

dapat lahat kaya mo!

 

Ikaw ang lahat,

ang lahat ay ikaw.

 

At sa huli,

kailangan mong marinig

ang palakpakan at hiyaw.

 

 

 

 


Kung kahinaan nga ang pagsuko, ako’y isang lampa sa aking nais.

Isang kaawaawang dagang naghahangad ng pagtakas -nang lungga.

Ngunit hindi ba’t paglaban din ang pagtakbo? Ang pagtago?

Kung saan pilit humahakbang palayo ang mga paang ngalay na sa pagtayo.

Pagtayo, sa gitna ng apoy na unti-unting lumalapnos sa akin.

Natutunaw ang aking mga mata sa pagluha ng hapdi.

Napupudpod ang aking dila kasabay ng pagdidikit ng aking mga labi.

Marahan na pumipikit ang aking mga matang nilulukuban nang dilim.

Ayoko ng dumilat! Subalit kailangan kong makita ang liwanag.

Hindi man para sa akin, kailangan ko itong gawin.

Upang mapatotohanang, kung kahinaan nga ang pagsuko.

Hindi ako mahina!

 

 



Sesemonster

minsan kahit maasim ang buhay at may mga daga, masarap pa ring tumaya...

blag bleg blig BLOG blug

Perlas na bilog, huwag tutulog-tulog, sabihin sa akin ang correct answer.

Chalking Jobz

kapag ubos na ang tinta at pudpod na ang lapis

Pinay

I don't want to be defined.

what i talk about when i talk about films

& other things i like to talk about

Spectator

a gray person

The Better Man Project ™

a journey into the depths

Il Dolce Far Niente

The Sweetness of Doing Nothing

boy with a hat

writing as a way of life

So, What's News?

News that won’t make you depressed to read the news.

May Tumawag sa Pangalan Ko.

Ang maKESOng mundo ni Chizkeyk

The Art Studio by Mark Moore

Where Imagination Becomes Realality

Ray Ferrer - Emotion on Canvas

** OFFICIAL Site of Artist Ray Ferrer **

stillness of heart

MUSINGS : CRITICISM : HISTORY : PASSION

willowdot21

An insight to a heart mind and soul.

Mythbroakia

STAY MYSTIFIED!

writinglikeastoner

Understanding life experiences, life lessons and being a better person.

The Good Greatsby

Paul Johnson's comedy blog: I didn't get into comedy to be rich or famous. All I've ever wanted was to be loved...by somebody rich and famous.

Susie Lindau's Wild Ride

Come for Adventure. Stay for the Ride!

I Kissed My Date Goodnight

Embarking on motherhood through the miracle of adoption.

the bunny blog

read -> surf -> eat -> repeat

glittering soot on her eyelashes

When I weep, I want to fuck it away. ~ Anais Nin

A Traveler's Tale

photography and travel interests, places, and things

Eastern Sea Star

This site will feature a wide variety of posts

wittypixaday

Just another WordPress.com site

Jillian Is Your Friend

{ramblings & chronicles on food x music}

COPYCARLA

The Lost Copywriter

Leaves in the Pages

Leave your mark on the page.

Ross Gale is a writer and editor from the Pacific Northwest.

Ross Gale is a writer and editor from the Pacific Northwest.

twitchyface

a personal blog

Traveler on Foot

Photo-essays and travel narratives

Sorry Television

Reading a book a week

Blog ni Lolo

Living a life with no regrets.We only get one shot at life. Make the most of it.

allmostrelevant

Want to see what an Instagram with no pictures looks like? @allmostrelevant

Golden.Faith.Within

following LOVE. showing JOY. seeking PEACE. spilling PATIENCE. integrating KINDNESS and GOODNESS. holding FAITHFULNESS. keeping GENTLENESS. abiding SELF-CONTROL

CoreyPonders

A Young Man From Wales That Writes Poetry......

urbanarchiver

My O_o @ Techs, Food, Travels, Cars, Fashion...A Diary, A Photoblog whatever....

Creativity Aroused

Arouse your inner creativity. Listen to your creative voice. Explore where it takes you!

Bucket List Publications

Indulge- Travel, Adventure, & New Experiences

jofelynmartinezkhapra.wordpress.com/

All content and images Copyright © 2017 Jofelyn Martinez Khapra. Any duplication or use of the images without her express permission constitutes copyright infringement.

%d bloggers like this: