Photo on 3-9-16 at 2.01 AM #7

mema-lagay lang

Hindi ‘to planado. Hindi katulad ng dati na umutot lang ako, agad na-i-post ko na dito, na and ending, ako din naman ang magbabasa.

Yup, after a lot of time off from posting here on my WordPress, here I am again.. saying the same exact thoughts of Kaloy: kung bakit nga ba ako nawala ng ganito katagal dito. Oh well, ayoko ng mag-isip pa ng kung anong dahilan, dalawang salita lang naman ang sagot: “People change.”

Marami na ngang nagbago, pati tiwala ko sa pinili kong landas, naguguluhan na ako, I mean, mas magulo. Mas rock. Kasing tigas na ng bato ang pakiramdam ko. Tama pa ba na nasa art industry ako? Nasa industry ba talaga ako in the first place?

Usually, sa parte ng post ko na ‘to, nagyayabang na ako in a very subtle way, achievements dito, travel doon, awards dito, trophy and recognitions doon. Mga artistang ka-rubbing elbows ko kuno at ang masayang buhay ng isang freelance tambay, este, artist (in our own rights ika nga). Pero tonight, I just feel na medyo tumaliwas sa template na ‘yon.

Hindi naman ganun kasama ang takbo ng taon na ‘to sa akin kung tutuusin. Kung paka-iisipin, sasabihin mo siguro, swerte nga ako. Pero baka ito na ‘yung sinasabi nilang quarter life crisis na hinaluan pa ng pagka abstract ng art industry ng bansa natin.

P.S: Nilabas ko lang, next time ko na i-edit.