Humimlay ka,
‘katapos ng garapal
na pagkabid mo-
sa pag-ibig ko.
Umalpas ka,
sa umalingawngaw-
na sumpa. Saksi
ang kampana sa
pag-iisang dibdib;
kailanma’y hindi nag-isa.
Bagkus pumunit,
sa aking dibdib.
Sa libong pirasong
-mahapdi ang pagkakayari!
Kataksilan, panghahamak.
Pandaraya’t kasinungalingan.
At balintunang pagtangi,
ang inampat; sukli at ganti
-sa akin. Ng puso mong sakim.
Lahat ng ito,
ikinubli ko sa dilim.
Itinago sa singit ng isip.
Ngunit ngayo’y bumubulong
ng balak. Sa de gulong
mong silya -Iwan ka!
Silyang; katulad sa buhay ko,
ikaw ang natatanging reyna.
Ngayon, paano kita aabandunahin? Sabihin mo, paano.