Nakita kita
akala mo lang hindi.
Alam ko ang alam mo,
pati ang hindi.
Naramdaman ko din,
ang kidlat
ng damdamin.
Nakakakiliti, pero
mahadpi -kapag
hindi pinansin;
kimikirot, tumitindi.
Nagnanaknak, humihilab
sa bawat alpas
ng masakit na sugat.
Sugat na ikaw
ang sumugat.
Nakita ko,
ikaw ang naunang
umalis ng tingin
sa akin.