Minsan pakiramdam mo buong-buo na ang loob mo tapos bigla lang ito magkakawatak-watak kasi pakiramdam mo lang pala na buo ito. In short feelingero lang ako.

Kamakailan lang humingi ng tulong si kuya James sa’min. Nag-aapply kasi siya bilang co-director sa APA (Academy of Performing Arts) at ang huling pagsubok niya eh mag conduct ng acting workshop. Ayun napasabak ako sa workshop. Hindi ko namalayan na may nanunuod pala sa amin. Nagmamatyag.
“Congrats Teacher James!!” bulahaw ng grupo sa bagong acting teacher ng APA.
Nagpasalamt si Kuya sa’min, tapos sinabi niya ang balitang gugulo sa buhay ko.
“May goodnews ako” sabi niya sa amin. May gaganaping NOLI the musical si Direct Biko at dahil nakita niya kami nag workshop pinapag audition niya kami lahat sa darating na March 19-20. Pero, dapat graduating at out of school youth kasi hanggang December ang continous showing ng theatrical play. Nalungkot ako. At mas lalo pang nalungkot sa susunod na balita ni Kuya James.
“Kaloy, gusto ka nila. They want you. Nababakla na nga ata sila sayo eh” sabi niya sa akin? Ou sa akin kasi siya nakatingin at ako si Kaloy.
Katulad ng dati, kapag papuri at goodnews ang naririnig ko about sa sarili ko, nabibingi ako. Bumabagal magproseso ang utak ko.
“Kailangan mo mag desisyon, may prons and cons ang goodnews mo.” parang between life and death ang sitwasyon na pinag-uusapan namin, lahat sila nakitingin sa akin. Hanggang sa jeep magulo parin ang utak ko. Desidido mag audition ang mga kasama kong graduating, ako, hindi ko alam.
Mag-aaudition ako. Musical ‘yon kaya dapat handa ako kumanta.
Hindi ako magaling kumanta. Sintunado ako sabi ni Bel dati. Hindi ako mag-aaudition.
Umagang kay Ganda, tsaka Kay Ganda ng Ating Musika. OPM daw ang maganda i-audition.
Putcha! Sumabay ba ang FINALS lahat ng teacher nagpapabinggahan ng final requirements. Super pa sa super ang pagka-busy ko. Kailan ko mag bawas ng iniisip. HINDI ako mag-aaudition! “Ang talent ko hindi mawawala, priority ko ang pag-aaral!”
Lunes: March 19. 9-5pm ang audition.
8am-12pm Duty ko.
12:20-4:35 pasok ko.
5:00-8:00pm laboratory ko.
“Akala ko ba mag-audition ka?” sabi ni kuya Harold isa sa mga ka-duty ko.
“Nakaduty ako. Tsaka pag nakuha ako mag-stop dapat ako eh.” sabi ko.
“Naku! Sige kaya na namin ni Ruppert ‘to!” sabi ni Kuya Harold.
“Subukan mo lang, hanggang hindi ka pinapipirma ng kontrata sige ka lang ng sige.” Dagdag pa ni Kuya Ruppert.
Dahil mabilis ako kausap. Ayun nag-audition ako… itutuloy🙂