Akalain mo sumali ako ng PAGEANT! Ahahaha.

Una theater, pangalawa singing, tapos ngayon pinasok ko na din ang mundo ng pagwapuhan. Grabe diba? Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa kakapalan na ng aking mukha. Pero thankful padin ako na nung nagpaulan ng shyness si Lord, busy akong nagkukwento sa aking blog.

SCREENING: Round 1
Kasama ang best girl friend ko na si Gazu, sumabak kami sa screening ng mga papalaring candidates ng College of Brainless Beauty umano, na gusto kong pabulaanan. At ‘yon ang isa sa mga dahilan ko kung bakit ako naglakas loob pumasok sa screening room ng MR. and MS. COLLEGE OF HOSPITALITY MANAGEMENT kung saan naghihintay sa akin ang apat na interviewer.

Nakahilera sila na parang sina Sarah, Lea, Bamboo at Apl.de.ap ng The Voice of the Philippines at tumpak, may audience sa likod nila. Nakakakaba.

screening


“Tell me something about yourself?
Kung pagkain ka ano ka at bakit?
Kung ipagluluto mo ako anong putahe ang ihahanda mo?”

‘yan ang ilan sa mga bungad nilang tanong na sinagot ko naman sa abot ng aking makakaya hanggang sa nai-open ko nga ang tungkol sa pagiging bahagi ko sa teatro. Sa palagay ko doon sila mas nagkainteres sa akin.

“Ano ang natutunan mo sa 1 year experience mo sa theater?”

I learned that you need to be yourself… But you must know yourself first, because when you know who you are… You will go along way. -‘yan ang sinabi ko.

*Pumasa ako sa unang round, pati si Gazu. Pagdating ng hapon pinatawag kami sa 2nd round. ONE-ON-ONE INTERVIEW!

SCREENING: Round 2
Hindi nakadating si Gazu dahil sa isang project, pero pwede pa naman daw siya humabol hanggang bukas.

This time nasa public place kami. Sa Cafe Juan (Restaurant ng School) Doon, pinatayo lahat ng nakapasa sa round 2 sa stage. Para kaming ISDA sa AQUARIUM. Tinititigan kami mula ulo hanggang buntot este paa pala.

Pagkatapos e uupo ka sa tabi ng isang lalaking may dekolor at mahahabang kuko para sa isang one-on-one interview. That moment, kinabahan ako. Kumbaga sa teacher, isa siyang terror na sinaniban ni Dracula. ‘yan ang tingin ko sa kanya habang ginigisa niya sa mga tanong ang lalaking nauna sa akin.

and it was my turn…

Casual greetings at nagsimula na ang interview. Ibabase niya ang mga tanong niya sa sinagutan naming form which goes like this.

screening form

Kaya ang una niyang tanong e tungkol sa SPECIAL TALENT ko.

“So… Cretive writing ang talent mo? Anong mga sinusulat mo? Poem, prose… Ganoon?!”

Medyo sarcastic ang pagkakatanong niya at halatang gusto niya ako ma-intimidate. Pero sinagutan ko lang ang tanong niya.

“Yes Sir. Actually I’m the Kapampangan Writer of the Year here at Holy Angel University, I also won the Best Screenplay Writer in the recently concluded Cinekabalen and I am currently the Creative Unit Head of the Academy of Performing Arts wherein I write scripts and my recent project is the commercial script of Panni Carlo.”

Pagkatapos kong sumagot, first time ko nakita ang genuine smile niya na parang close friends na kami bigla habang sinasabi niya na sumusulat din daw siya kahit government employee lang siya. (BIGLANG HUMBLE SI SIR?)

Nagpatuloy ang interview.

“So you want to be happy? Bakit malungkot ka ba?”

Style na talaga niya ang sarcastic questioning. Siguro para makita talaga ang confidence ng mga ininterview niya.

“It’s not like I am sad sir. But I see to it that every time, every minute and moment of my life I am pursuing the greatest goal of man and that is to be happy. Just like marami po ang nagtaas ng kilay when I decided na mag-screening ako dito pero at the end of the day it’s about my happiness. At least I’ve tried… Who knows, I just might make it.

Tumatango siya at sinabi na kaya pala gagnon daw ang philosophy ko sa life.

“Why do you want to be part of candidates? Though I see here that you said you are an adventurous person and I agree, because of the way you answer. Pero what is fun and exciting in a pageant?”

During my theater years sir, I was given a chance to conduct a creative drama session with the candidates of Mutya at Lakan ning San Fernando and I saw that pageant is not about winning the crown, but having and building the friendship and camaraderie with your co-candidates and that for me is fun and exciting.

“Oh… So you’re saying that you are opening a new chapter in your life now?”

Nakangiti akong tumango’t umayon sa sinabi niya.

*Pagkatapos ng halos dalawang linggo matapos ang screening, inanunsyo sa akin na parte ako ng OFFICIAL CANDIDATES OF MR. & MS. CHM. Ang saya ko noon, pero hindi naging buo ang kasiyahan ko dahil hindi nakapasok si Gazu sa final cut.

Photoshoot
5am ang calltime para sa photoshoot na gagawin sa Gintong Pakpak Ecopark. Naging maayos naman ang lahat at sa “Four Elements” umikot ang theme ng pictorial. Naging kaibigan ko kaagad ang mga candidates pero mas naging malapit ako kina Eman at Kevin dahil sa siguro kapareho ko silang first timers.

Mr. and Ms. CHM 2013 Official Candidates

Sa totoo lang, hindi kami ganong satisfied sa outcome ng photoshoot. Pero tuloy parin ang pageant!

Rehearsals
Kagaya ng pagiging always LATE ko sa klase, e always late din ako sa mga rehearsals namin. Weakness ko ang paglalakad at talagang sinubukan kong pag-aralin ito.

Pre-Pageant: Talent, Creative and Casual Wear
Para sa pre-pageant kailangan ko maghanda ng 2min. talent at creative wear. Sa tulong na din nina Ate Mich, Leo at Erica napagdesisyonan namin na maging 3 part ang ipapakita kong talent. Soliloquy ni Shakespeare, Master of the House ng Les Miserables at Kahit Maputi na ang Buhok Ko ni Noel Cabangon.

Samantalang sa creative wear kami nahirapan. Hanggang sa umabot kami sa konseptong handmade and raw nature materials ang bubuuin naming kasuotan dahil na din sa itinalagang elemento ko na Earth Element.

creative wear

Kinailangan ko din ng susuoting mga sapatos at creative pants na inasikaso naman na ng mga kaklase kong sina Bench at Bubay.

Coronation Night
Pagkatapos ng pre-pageant, sunog kilay parin kami sa paghahanda sa coronation night. Sasayaw kami dito para sa opening number na isinunod narin sa tema ng mga elemento.

IMG_6142

Pagkatapos noon ay isinunod na ang unang parte ng mga minor awards kung saan wala akong nakuha.

Sumunod na bahagi ay ang casual wear at formal wear kung saan ipinagpatuloy ang pamimigay ng minor awards. At muli, bigo parin akong makakuha ng kahit isa.

IMG_6154

Announcement na ng TOP FIVE. Gusto ko ng isuko ang laban subalit naalala ko ang quotes na binaon ko ng gabing iyon.

“When the will to win conquers the fear of loosing then you are a winner.”

Kaya sinabi ko sa sarili ko MANANALO ako. Pero ang hirap din palang lokohin ng isipan lalo pa’t nakikita mo ang katotohanan. Mahirap kalaban ang mga kasama ko, halos may tig-iisang batalyon sila ng supporters samantalang nanay ko lang at ilang mga piling kaibigan ang nagpapakapaos sumigaw ng pangalan ko. Pero dahil doon mas tumindi ang kagustuhan kong pumasok sa top 5. Alam ko sa sarili ko na doon ko maipapakita ang laban ko, doon ko mabibigyan ng halaga at pasasalamat ang mga taong naniwala at tumulong sa akin para sa gabing iyon.

At hindi nga ako binigo ng panahon, pangatlo tinawag ang pangalan ko. Pagkatapos mabuo ang limang kandidatong uusad sa question and answer nagsimula na nga ang patagisan ng kakayahang sumagot sa mga biglaang katanungan.

IMG_6201

Noong ako na ang isasalang sa Q and A kinamusta ako ng host na ginawa niya din sa mga nauna sa akin.

“How do you feel right now?”

I feel ecstatic and blessed.

Naghiyawan ang mga tao at natuwa ang mga host dahil iba ang sagot ko sa inaasahan nila.

Current issue ang itinanong sa akin ng nabunot kong judge…

QandA

Honestly, ng mga oras na iyon hindi ko alam ang isasagot ko. Ni hindi din ako pamilyar sa isyung kinakaharap ng Zamboanga ng mga panahon na ‘yon. Buti na lang at naalala ko ang ilan sa mga naging kaibigan ko sa CINEREHIYON kung saan naging biruan namin ang kalagayan nila sa Zamboanga.

“Alam mo ba alarm clock na namin ang bomba doon.”
“Sus, ganito nga mag suspend ng klase samin e. Class! Suspended ang klase natin, natamaan ng bomba ang kabilang room.”

Kaya inisip ko na lang na giyera ang isyung tinutukoy sa tanong sa akin.

Nagpasalamat ako sa katanungan, malayo sa nakagawian at itinuro sa akin na atake ng pagsagot –sagot kaagad wala ng pasapasalamat, laos at baduy na daw iyon. Subalit wala akong choice, I need to buy time para makabuo ng makabuluhang sagot.

Bilang isang indibidwal ano nga ba ang maari kong maibigay sa mga kababayan kong taga Zaboanga? Tinanong ko ‘yon sa sarili ko at pagkatapos ay nagsalita na ang aking puso…

answer

May mga nagpalakpakan, may ilan namang natahimik na lang. Tuwang-tuwa ang mga host sa sinagot ko.

“That was a very, very well… Well said candidate number 8!”

IMG_6213

Habang bumababa ako ng stage naramdaman ko ang lubos na kasiyahan dahil alam kong by giving that answer, I also proved why I deserve to be part of that competition. Masaya din akong hindi ko binigo ang mga taong nagmamahal sa akin.

IMG_6232

Nabingwit ko ang 2ND RUNNER UP nang gabing iyon. Walang paglagyan ang tuwa sa akin ng mga oras na ‘yon lalo pa nang lumapit na sina mama at mga kaibigan ko upang batiin ako. Dinig mo sakanilang boses ang pagka paos subalit hindi mo maririnig sa kanila ang reklamo o pagod.

At sila ang tunay kong TROPHY sa PAGEANT na ‘yon at sa buhay ko.:)