kaloythoughts

Tag Archives: elias

Ang dami kong gustong ikwento, kagaya ng madalas kong gawin dito sa blog ko na ‘to. Pero March 25 pa ang huli kong post, kulang tatlong buwan ng kwento ang hindi ko napunan- ang malabo, ang lumipas. Hindi ko alam saan magsisimula. Kung ano ang una, saan nga ba nagtapos. Magulo nanaman ang iiwanan ko sa inyo…

Hindi ako nag summer class (required ‘yon sa mga 3rd students). Bagkus nagturo ako ng Creative Drama. Pangarap kong makabili ng laptop. Pero hindi ko pa din natupad. Tumulong din ako sa marketing ng Noli Me Tangere (theater production). Nag-attend ng mga meetings, social events, film events, flores de mayo, beauty contests, pati mga rock concerts.

Rivermaya

Arti Sta. Rita

El Circulo

August to February ang target running date ng Noli. May home theater na naki-partner, kaya mas magarbo ang prod. Re-casting nung isang araw, pati kami na lumang actors kailangan mag-audition uli. Nagsawa ako sa Elias, sinubukan kong mag-iba ng role, si Salvi ang napagbuntungan ko ng pagkabagot. Hanggang ngayon wala pang final casts, pero sinabihan na ako ng pag-aralan na ang manyakis na pari.

apaNOLImetangere audition call

Nga pala, nakapag enroll na naman ako this sem. Malaking pasasalamat sa napakabait na mag-asawang Ong. Pero hindi din ako makakapag tapos on time, given naman na huminto ako ng isang taon para subukan ang buhay ng teatro na kinahumalingan at kibabaliwan ko padin hanggang ngayon. At siya paring dahilan ng medyo pagka delay ng inaasam ng nanay kong graduation ko. May iniwan uli kasi akong subjects (major) para mag show man sa darating na August – February bukas ang schedule ko! Dahil sa kahibangan ko na ‘to hindi ako pwede mag OJT next sem. So, most likely Octoberian ang kababagsakan ko.

Flores de Mayo

Notorious Scene

Cine Barangay

Silent Sanctuary

Last 2 min.! Kailangan ko ng matulog. 7am mamaya dapat nag-jojogging ako, medyo lumobo kasi ang katawan ko.

Advertisements

Katatapos ko lang sa medyo luma ng libro ng isa sa mga paborito kong author noong high school bookworm pa ako, si Ginoong Mitch Albom.

Ayoko naman ikwento ang istorya ng libro, pero pagkatapos kong basahin ang “for one more day” niya, sumang-ayon ako na “When someone is in your heart, they’re never truly gone. They can come back to you, even at unlikely times.” 

Recently, nawalan ako ng cellphone. Though hindi naman ako masyado nalungkot about it, nag-effort parin ako na hanapin at umasang babalik parin ito sa piling ko- pero wala, hindi na talaga ‘to nagpakita.

Nag-public announcement ako via Facebook and life goes on…

Tapos one day habang naghahanap ako ng damit na pangmagsasaka na pula (costume ni Elias) sa public market ng City of San Fernando kasama si Erica dahil  may raket kaming dalawa bilang ako si ELIAS at siya si MARIA CLARA may biglang sumigaw sa pangalan ko.

Carlo! lo… lo… lo… [echo]

Bakit hindi ako nagrereply? Bakit hindi ako sumasagot sa mga tawag niya? Sino siya? (nguso kay Erica)

Ang dami niyang tanong, pero ng mga oras na ‘yon, ang saya ko na makita ko siya ulit. Parang sa kalagitnaan ng exam mo na hindi mo pinaghandaan e bigla kang pinasahan ng answer key. Alam mong hindi tama, alam mong mali pero hindi mo mapigilang mapangiti.

Mahirap ibalik ang dati ayon sa libro ni Albom, pero hindi naman niya sinabing imposible. ❤


Sinong mag-aakala?

Ilang buwan na ang nakalipas. Nagpasya ako makipag sapalaran sa mundo ng teatro. Iniwan ang aking pag-aaral, sinunod ang aking gusto. Hindi pala madali, maraming beses kong ninais umuwi. Umuwi sa dati kong buhay, kung saan ako’y isang pangkaraniwang taong hindi nakikipaglaro sa pakiramdam.

Theater is not easy, it will make you cry it will make you laugh, even if you don’t want.

Pero sa huli, kahit gaano pa kahaba ang daan. Darating ka din sa nais mong puntahan, basta huwag kang susuko. Maari kang huminto at magpahinga sandali, ngunit dapat alam mo rin kung kailan ka babalik sa paggapang, sa paglalakad,  sa pagtakbo.

Liko-likong karanasan ang dinanas ko, hindi ko kabisado ang bago kong mundo. Pero malakas ang loob ko dahil ayaw ko makulong sa luma, sa alam ko na sa sinasabi nilang tama at dapat. Nagpatuloy ako, pinagpatuloy ko.

Draining ang trabaho sa teatro, draining sa lahat ng aspeto. Lalo na kapag sinasabi ng Director namin na wala pa kaming show. Mas nakaka-frustrate pa na isang araw bago ang show “We still don’t have a show” ang maririnig mo.

At ang pinakahihintay na araw ay dumating na. June 19, 2012. A day to remember. Hindi ko akalain na ganon ang mararamdaman ko. Ni hindi ko naisip na halos 12hours na pala akong hindi kumakain, na pagod pala ako, ni hindi na nga ako nahiyang maghubad sa harap ng mga kasama kong cast. Basta ang alam ko nang mga panahon na iyon, masaya ako.

During the curtain call ibang iba ang pakiramdam. Iyon siguro ang dahilan ng maraming theater artist kung bakit hindi nila maiwan ang teatro.

Ang pakiramdam na pinapalakpakan ka ng mga taong hindi mo kakilala na natuwa at naramdaman ang saloobin ng karakter na isinasabuhay mo.

This first show will always be in my heart. Alam kong hindi perpekto ang mga nangyari, ang mga naganap. Pero wala namang perpekto sa mundo hindi ba?

Ano man ang mangyari sa mga susunod na araw, alam kong hindi na ako ang dating Kaloy hindi ko alam kung tama o mali pero alam ko, nag-mature ako sa mundong pinasok ko, and I’m proud of it!


May mga bagay na matagal mo ng pinapangarap pero kapag nasa harapan mo na, matatakot kang angkinin ito.
April 4, 2012. kahapon. Hanggang ngayon, nasa reminder parin ng cellphone ko. “Final Audition” Noli Me Tangere. Final Casting kung tawagin. Ito ang araw na Paulit-ulit ulit ulit na inimagine, pinanabikan, kinatakutan at pinadrasal ko maging na ng mga kasamahan ko.
Mahigit isang linggo din ng ibigay sa amin ang mga sample scripts ng mga potential roles na pag-aaralan namin. Apat ang ibinigay na script sa akin. Apat na ibat-ibang characters: Padre Damaso, Kapitan Tiyago, Elias at Narrator (Add up character ni Direk Bicong for the Musical). Ang una’t huling nabanggit ay mga major or highlighted characters ayon na rin sa gagawing theater play. Kaya ako, nag focus ako sa Narrator at kay Damaso. (Ambisyoso)
Si Nikki (Aspiring Basillio) at si Ate Leo (Aspiring Sisa) ang mga naging matalik kong kasamahan sa pagsubsob sa Noli. Bukod kasi sa kasabay ko sila nag-audition sa first round, kasamahan ko na din sila sa Theater Org ng aming paaralan. Nabigyan din sila ng ibang mga scripts pero focus din sila sa mga gusto nilang role na highlighted characters din.
Puspusan ang pagbabasa ko sa mga script, pero mahirap mag practice ng mag-isa. Sabi naman nina Direk Bicong pwedi namin gamitin ang studio niya anytime. Kaya sina ate Leo madalas bumibisita doon. Nagpapractice o kaya humihingi ng acting tips. Hindi ako nakakasama dahil busy sa school finals na kasi noon at working student pa ako at the same time.
Papalapit na ang April 4, wala paring malinaw kung paano dapat atakihin ang role. Nagtext si Ate Leo sa akin.
“Nasaan ka? Pabalik kami ng skul. Madami nangyari.”
Medyo gabi na ‘yon at alam kong galing sila ng APA (studio). Mabilis akong
nagreply, kinakabahan.
“Nandito ako sa gym (nag decide ako mag gym para sa April 4.) bakit? Hindi na matutuloy ang Noli??” Mabilis kong reply.
To make the long story short pinuntahan nila ako doon, at bago nila sabihin ang tunay na dahilan ng kanilang pagpunta e sinabihan muna ako na napaka negative thinker ko daw. (Aminado ako doon) Tapos ay sinabi na nga nila ang magulo nilang kwento.
Galing sila ng APA, nakipag one on one daw sila kay Sir Bicong. Acting tips and informal practice na din. Sabi ni Ate Leo, sabi daw sa kanya ni Sir Bicong 2% lang daw ang nakuha niya sa acting ni Sisa. At sinabihan pa siyang “Don’t act baliw, be baliw!” Sabi naman ni Nikki “Inay” pa lang ang sinasabi niyang line e napaka dami na daw ng nakitang mali ni Sir Bicong.
“Oh tapos? Pinuntahan niyo ako para sabihin lang ‘yon?” sabi ko sa kanila.
“Kailangan mong pumunta doon, kailangan.” yan ang natandaan kong ma salita mula sa kanila na masunurin ko namang sinunod.
Bitbit ang lakas ng lood at kapal ng mukha, nasa APA na ako. Napaaga nga ata dahil halos isang oras ko din hinintay ang pagdating ni Sir Bicong, na agad namang nagpaunlak ng one on one practice sa akin. Pinapasok niya ako sa office niya, at sinabihan ako kung maari ko ba daw siyang basahan ng kahit isang line lang mula sa mga script ko. Sinubukan ko ang line ni Damaso. Wala pa man sampung salita ang nasasabi ko..
“Akala kasi natin kapag umaarte nasa boses tapos lalagyan mo ng galaw ng kamay at katawan.” Sabat niya. Tapos ay ginawa niya ang karakter ni Damaso. Honestly, pakiramdam ko noon siya talaga si Padre Damaso! Napakagaling.
“Hindi mo kailangan umarte, dahil ikaw ang karakter.” Sabi pa niya. “Kapag papanik ka ng stage, wala na si Kaloy, ang karakter muna ang makikita ng tao at kalakip noon ay ang boses, galaw, pananalita, pakiramdan, at pag-iisip.” Pagtatapos nito bago niya ako binigyan ng isang oras para basahin ulit ang mga scripts ko at kilalanin ng mas maige ang bawat karakter na minimorya ko lang ang mga linya at hindi pinagka abalahan kung bakit ‘yon ang kanilang mga ugali at salita. “Tama si Sir, at mali ako”
Session kami ulit, ngunit ngayon hindi na sa office. Pumunta kami ng mirror room. Umarte ako, mali! Umarte ulit with conviction, mas mali! Sinubukan kong papasuking ang ispirito ni Damaso sa aking sarili, medyo nakapag deliver ako hanggang sa pangatlong line ng script, pero hanggan doon lang. Natapos ang araw na iyon at umuwi akong tulala. “All this time, I didn’t know how  to act.” ‘yan ang sabi ko sa sarili ko. At doon ko lang naintindihan kung bakit ganoon na lang ang mga itsura nina Ate Leo at Kuya Nikki nung gabing iyon.
Gabi bago ang itinakdang araw, binasa ko ulit ang mga scripts na hindi ko na binuksan mula ng mapahiya ako sa sarili ko. Binasa ko lang, inintinde ang eksena, hindi ako nagmemorya, wala akong piniling karakter. Lahat inintindi ko lang, habang umiinom ako ng mainit na gatas, pagkatapos ay natulog na ako.
“Alas nuebe ang call time, alas otso medya magkikita daw kami ni Ate Leo sa Carmelite (harapan lang ng studio) para magdasal. Nag-init na ang pwet ko sa pagkakaupo wala pang Ate Leo ang dumarating. Limang minuto bago mag alas nuebe nakapagdasal din ako ulit kasama na si Sisa. Ramdam ko ang pagiging Sisa ni Ate Leo noon, mula itsura hanggang sa kaluluwa. Pumasok na kami ng studio. Umpisa na ang laban, bitbit ko ang limang karakter sa aking katawan: Si Damaso, Elias, Narrator, Kapitan Tiyago at si Ibarra na hiningi ko ang script.
Sa Audition may mga hindi na bumalik, o kaya’y hindi na nakabalik sa dahilang hindi ko alam. Hindi ako pumasok sa audition ni Ibarra (alam kong hindi ako ang taong ‘yon) tanging si Elias at Basilio lang ang pinasubok sa akin. Ou, kasama si Basilio, ang ganda kasi ng scene ni Ate Leo (as Sisa) at ng mga aspiring Basilio kaya pati ako naki audition. Iba kaeksena si Ate Leo iba ang impak. Halos limang oras din kami nanuod, sumalang, umiyak, umarte, nabaliw sa kakasubok hanggang sa pina-indian sit kaming lahat. Tapos na ang FINAL CASTING. At ipo-post daw nila ang resulta bukas. Pero ang good news lahat daw kukunin na ni Sir Bicong. Ang pinag uusapan na lang e kung anong role ang maibibigay sa kung kanino. Pero, eto pa ang sinabi niya na dumurog sa puso ni Ate Leo:

“So far, wala pa akong Sisa. Find me a Sisa that can sing.” (pareho kami ni Ate Leo purong aktor, umaacting lang kami na marunong kami kumanta. Pero sa lagay niya, kumapos ang boses niya. At bumaha ang kanyang mga mata. Parang nabigo din ako ng mga oras na ‘yon.
Hindi kami agad umuwi, pinatahan muna namin si Ate Leo at nagbaliw baliwan
pa ng mga ilang oras sa APA hanggang sa kumawala na ang kaluluwa ni Sisa sa
 pagkatao ni Ate Leo at na-print na ang mga resulta ng Final Casting. Malungkot man si Ate Leo pagkat sa halip na Sisa e Kapitana Maria ang kanyang nakuha masaya na rin kami na walang hindi makakasama sa nation wide Theater Play tour ng Noli. Nasungkit ni Nikki ang karakter ni Crispin at least kapatid ng karakter na kanyang inasam na si Basilio. At nakita ko ang pangalan ko sa tapat ng karakter ni Elias. 
Sa lunes, contract signing na! 🙂


Sesemonster

minsan kahit maasim ang buhay at may mga daga, masarap pa ring tumaya...

blag bleg blig BLOG blug

Perlas na bilog, huwag tutulog-tulog, sabihin sa akin ang correct answer.

Chalking Jobz

kapag ubos na ang tinta at pudpod na ang lapis

Pinay

I don't want to be defined

what i talk about when i talk about films

& other things i like to talk about

Spectator

a gray person

The Better Man Project ™

a journey into the depths

Il Dolce Far Niente

The Sweetness of Doing Nothing

boy with a hat

writing as a way of life

The Art Studio by Mark Moore

Where Imagination Becomes Realality

Ray Ferrer - Emotion on Canvas

** OFFICIAL Site of Artist Ray Ferrer **

stillness of heart

MUSINGS : CRITICISM : HISTORY : PASSION

willowdot21

An insight to a heart mind and soul.

Mythbroakia

STAY MYSTIFIED!

writinglikeastoner

Understanding life experiences, life lessons and being a better person.

The Good Greatsby

Paul Johnson's comedy blog: I didn't get into comedy to be rich or famous. All I've ever wanted was to be loved...by somebody rich and famous.

Susie Lindau's Wild Ride

Come for Adventure. Stay for the Ride!

I Kissed My Date Goodnight

Embarking on motherhood through the miracle of adoption.

glittering soot on her eyelashes

When I weep, I want to fuck it away. ~ Anais Nin

A Traveler's Tale

photography and travel interests, places, and things

Eastern Sea Star

This site will feature a wide variety of posts

wittypixaday

Just another WordPress.com site

Jillian Is Your Friend

{ramblings & chronicles on food x music}

COPYCARLA

The Lost Copywriter

Leaves in the Pages

Leave your mark on the page.

Ross Gale is a writer and editor from the Pacific Northwest.

Ross Gale is a writer and editor from the Pacific Northwest.

twitchyface

a personal blog

Traveler on Foot

Photo-essays and travel narratives

Sorry Television

Reading a book a week

Blog ni Lolo

Living a life with no regrets.We only get one shot at life. Make the most of it.

allmostrelevant

Want to see what an Instagram with no pictures looks like? @allmostrelevant

CoreyPonders

A Young Man From Wales That Writes Poetry......

Golden.Faith.Within

following LOVE. showing JOY. seeking PEACE. spilling PATIENCE. integrating KINDNESS and GOODNESS. holding FAITHFULNESS. keeping GENTLENESS. abiding SELF-CONTROL

urbanarchiver

My O_o @ Techs, Food, Travels, Cars, Fashion...A Diary, A Photoblog whatever....

Creativity Aroused

Arouse your inner creativity. Listen to your creative voice. Explore where it takes you!

Bucket List Publications

Indulge- Travel, Adventure, & New Experiences

The Learned Ignoramus

Pretending to be profound

Henyo since Birth

Stupidity makes a genius

Blue Blabber

Almost but not quite

%d bloggers like this: