Hindi ko na matandaan kung kanino ko nalaman ang nakaugalian ko ng gawin everytime makakita ako ng plate number ng sasakyan, na pareho ang tatlong numero. Ipinapatong ko ang hinlalato (sinearch ko pa sa google ang tagalog ng middle finger!) sa hintuturo, ‘yong ginagawa kapag nagsisinungaling ka. Tapos magwiwish ka ng kahit ano, tapos dapat maipahiwalay mo ang mga daliring iyon sa ibang tao, and your wish is on the way!

Nung malaman ito ng mga kaibigan at kasamahan ko sa trabaho, para kaming mga kulto na may ginagawang orasyon bawat makakita kami ng modern bulalakaw. Mabilis namin gagawin ang steps, at magtutulungan kaming magtanggalan ng pinagdikit naming mga daliri. Ou, nakakatawa talaga, dahil mukha kaming mga tanga.

Shooting star, 11:11, unang bisita mo sa isang simbahan, at isama narin natin ang tatlong pare-parehong numerong plate number ng walang mga malay na sasakyan. Ilan lamang ‘yan sa mga Genie in the Bottles natin, mga pagkakataon para humiling.

Siguro sadyang ang tao, marami lang talagang pangarap at sa sobrang dami ng mga ito we tend to rush things. Pero sabi nga nila, wala namang masama sa pangagarap, lalo na kung hindi lang tayo basta humihiling.

 

Advertisements