Mag-isa kong sinindihan
Yosi sa hiram na lighter
Walang bumawal sa akin
Walang sumabay bumuga

Malalim ang mga hithit ko
pero maninipis ang usok
kalat at sabog ang mga abo
paubos na ‘to, mauupos na.