Inaalala ang init ng mga yakap,
nilalasahan ang tamis ng halik-
laway na may lasa ng yosi mo.
Sa dulo ng aking labi, dumidikit
ilong na matangos at pati mata-
‘sing chinito, baka mas pa sakin.

Malinaw sa akin ang lahat. Mali
ang mga alaalang ito. Tapos na.
Kelan lalabo ang mga memorya?