Isang araw magkikita tayo
hindi na ako umiiyak
hindi na kita iniiyakan.
Huwag kang mag-alala
kilala pa kita, pero
hindi ka na mahalaga.

Isang araw magsisisi ka
na sinaktan mo ako
na umalis ka at hinayaan
mo akong mag-isa.
Ang araw na wala ng galit
wala ng sakit, hinayang-
araw na karaniwan ka na lang.