Ayoko ng saktan ang sarili
pero naiisip parin kita palagi.
Oras oras, sa bawat pag hikbi
na malungkot, sa mga ngiti
ng saya, sayo parin nanatili
ang wakas ng bawat gabi.

Ayoko ng umiyak, pagod na’ko
pagod na pagod. ‘di mahinto
ang sakit ng biglang paglabo
pagsasamang animo’y perpekto
na bigla na lang din gumuho.
Mga luhang bigla na lang tutulo.