Sunud sunod na pumatak,
nanaman. Uhog, luha-
na para bang ulan, umiyak
bumuhos, hindi tumila.

Hanggang sa napagod na
pero hindi parin makatulog.
Natuyo, pero hindi humupa
ang sakit, ang bagyo, ang kulog

Ikaw?