Hayaan mong matuyo ang mga dahon,
wag mong pigilan ang agos ng panahon.
Kahit gusto ko naman talaga, baka mamulaklak.
Sige, magkunwari tayong andyan na ang patak.
Maniwala tayong wala na ang tag-init,
damhin natin ang simoy ng iyong panlalamig.
Hanggang sa basang basang na tayo-
“kailangan na nating sumilong”, sabi mo.
Dun nagsimula ang walang katapusan tag-ulan.