Salamat sa mas maaliwalas na langit,
sa mas maliwanag na umaga-
na bumabati sa bawat kong pag gising,
nagsama na sa wakas ang ating mga puso.

Salamat sa mas makulay na himpapawid,
sa hanging umihip sa alinsangan ng hapon-
na parang lahat ay puros kasiyahan,
magkaibigan na pati ang ating mga diwa.

Salamat sa mas magandang perspektiba
ng buhay ay mas may buhay na- dahil may ikaw
na akala ko’y maari kong gawing tahanan,
handa na pa naman sana akong manirahan doon.

                                                                               4/12-6/5