IMG_2043

CineKabalen Film Festival 2014

Guys! May himala! At hindi natutulog ang Panginoon! Haha! Ok. Distribution na ng sobreng puti ang patutunguhan ng intro ng post ko eh. Huwag mag-alala hindi po ako manghihingi ng donations. Kaya continue reading lang.. Ibabalita ko lang ang magandang kinalabasan ng recently concluded Cinekabalen Film Festival 2014 na sinalihan ng ating film na “Mis Da Ka”. Hihi hanggang ngayon kilig at mangha parin ang nararamdaman ko dahil nabingwit natin ang… (drumrolls please)

IMG_2048

Best Direction, Best Film at Best Actress Trophies

  • Best Direction
  • Best Actress (Ms. Leo Sarmiento) at;
  • BEST FILM!!!

Hindi kayo nagkamali ng basa at hindi ako nagkamali ng type! Sa wakas nakuha din natin ang pinaka mataas na rekognisyon sa patimpalak na tatlong taon na nating sinasalihan mula sa mga pelikulang: Lakbe (Wander)  https://kaloytoots.wordpress.com/2012/12/20/lakbe-wander/ , Matwang Dalaga (Old Maid) https://kaloytoots.wordpress.com/2013/11/29/cinekabalen-the-second-time-around/ at eto nga ang BEST FILM ng CineKabalen2014 and “Mis Da Ka” https://kaloytoots.wordpress.com/2014/10/30/1677/😀

1796083_962460283769838_7815804904906952514_o

IMG_2002

Speechless Moment

If I were to describe yung pakiramdam nung kabuuang competition, ang pinaka masasabi ko ay talagang naging mahigpit ang laban. To the point na after the screening of all the films hindi na ako umasang mananalo, hindi dahil sa kawalan ng pag-asa kundi dahil sa lahat ng pelikula may pag-asa at may kanya kanyang edge upang manalo.

IMG_1987

Leo Sarmieto

Noong tinawag na ako upang tanggapin ang “Best Direction” award at tanghali namang “Best Actress”  si Ms. Leo,ang bidang artista sa ating pelikula sabi ko… solb na po ako Lord. Kaya nga noong iannounce na Mis Da Ka ang Best Film ng gabing ‘yon hindi talaga ako makapaniwala na kahit noong panahong nasa harap na ako ng entablado upang tanggapin ang trophy at magbigay ng mensahe, nawalan ako ng salitang sasabihin. At talaga namang naubos ang lakas ko upang pigilin ang sarili ko na maiyak dahil naibigay naman na ang Best Actor award sa iba. Hahaha!

Pero iba ang suporta ng tao pati na ang mga co-film makers ko ng gabing iyon. Pumalakpak silang muli noong halos tutulo na ang iyak ko na para bang sinasabi nila na “ayos lang yan nandito kami, masaya din para sayo!”.

IMG_2179

After Awarding Party

Muli, maraming maraming salamat po sa inyong mga pumalakpak, naiyak, natuwa, sumuporta at naniwala. Maging sa mga humamak, tumapak at hindi nagtiwala. Lahat kayo ay naging inspirasyon upang mabuo ang pelikula ko, pelikula natin.🙂

https://vimeo.com/114794916