17 Short Films of Cinekabalen 2014Sa wakas nagpost na ng screen caps ang organizer ng Cinekabalen2014. Ibig sabihin nito talagang pasok na pasok na ang pangatlong short film ko “Mis Da Ka (I Miss You)” sa kompetisyon.

1654595_788410854558505_6616909157293336093_o

Leo Sarmiento – Mis Da Ka’s Lead Actress

  Konting kwento tungkol sa paglalakbay ng istorya ng pelikulang “Mis Da Ka”. Ang iskrip ng “Mis Da Ka” ay ginawa hindi para sa Cinekabalen2014, matagal na itong naisulat para sa isang film contest kung saan magbibigay sila ng tatlong bagay na dapat maging parte ng kwento. Sa taong ‘yon 1.Pulbos, 2.Kandila at 3.Cassette tape ang ni-require nila na iikutan dapat ng iskrip. Pero sa pelikula tinanggal ko na ang kandila dahil mahirap ilawan ang night scene, pero naiwan parin ang pulbos at cassette tape na talagang may malaking bahagi sa kwento at kahit sa pelikula.

1796083_962460283769838_7815804904906952514_o

Bakit hindi natuloy? Hmm siguro hindi pa hinog noon ang kwento. Ayaw pa niyang magpalikha kaya hindi umakma ang mga kailangan para mabuo ito.

10661808_963296110352922_8533922292138214437_oKaya siguro ng panahon na ginagawa na naming siya isang lingo bago ang deadline ng Cinekabalen lahat ng kailangan ay unti-unting umusbong at naglabasan. Mula sa producer, artista, kameraman hanggang sa bumbilya at pinaka maliit na bagay na hindi ko inakalang darating sa tamang oras at sa tamang panahon. Pero huwag niyong isipin na naging madali ang lahat. Alam ng mga taong naging haligi ng “Mis Da Ka” ang dugo at pawis na kinailangan nito upang mabuo. Na sa bawat huling minuto ng pagrerender at hanggang sa pagburn ay hindi bumabagal ang kabog sa aming dibdib. Ngunit sa huli, ang mga kabog na iyon ay siya ring nagpataba sa bawat puso namin lalo pa noong ganap na ngang naisumite ito sa pakay nitong kalalagyan at maari pa nitong mapuntahan. Salamat sa team MisDaKa! Salamat sayo. =)

#MisDaKa (I Miss You)

10468211_788422114557379_4394248640263020313_oNga pala sama-sama natin ipagdasal na makapasok ang “Mis Da Ka” sa top 8 ng Cinekabalen 2014! Peksman kapag nakapasok tayo iinvite ko kayong lahat sa premiere nito sa SM Clark cinema! Hehe salamat! Sa Nov. 15 ang announcement. Balitaan ko kayo!😀

10608715_10152466897843063_3969151436958141689_o