C360_2014-10-19-15-03-11-390 copy

The Barbie Gang

Salamat sa biglaan booking ng matagal nang nahintong “Barbie Live in Fairytopia” production, nabuo muli ang grupo. Although this time hosting job lang ang gusto ng client pero ganun padin, inawit padin naman ang mga theatrical songs from the play at mas interactive na medyo mas madali kumpara sa dalawang oras na theater show.

Pero malungkot man sabihin ito na ang huling labas ng Barbie Gang maraming dahilan kung iisa-isahin ko baka maging novel to. Ganun pa man, masaya parin ako na umabot ng ganoon katagal ang run ng production na talaga din naman napaka lapit sa puso ko.

BLF

Laverna, Azura and Elina

Kung titignan ko ang mga pinagdaanan ng team para mabuo ang play, hindi ko maisip na napakalayo ng mararating nito. Mula concept planning, props, costume, directing, script, music pati makeup at technicals nito e masasabi kong nandoon ako.

Kagaya padin ng palagi ang gulo ng thoughts ko. Hahaha! Siguro medyo kulang-kulang sa detalye ang blog post ko na ‘to pero sa akin na lang muna siguro ang mga nawawalang piyesa. Na kapag binalikan kong basahin ito, sana tanging masasayang memorya na lang ang maalala ko.

Mamimiss ko sina Laverna, , Azura, Bibble, Elina at siyempre ang karakter na minahal ko na ang katangahan at kakulitan si Fungus.

Paalam Fairytopia!

C360_2014-10-19-15-00-25-179

Fungus the Star