Recently naging paborito kong gawain ang pagpi-pigging out.

Verb
Eating a TON of food, literally.
Siguro dahil napaka stress ng mga requirements sa aming mga 4th students. Tapos isama mo pa ang mas stressful na extra curricular activities ko na pag-raket sa pag-gawa ng kung kani-kaninong mga thesis, feasibility studies, report, reviewer, script, project at kung anu-ano pang nagpaqualied sa akin maging certified “alipin ng salapi” plus idagdag pa natin na nasa creative at marketing works ko ngayon ng theater company na kinabibilangan ko.

Hindi ka ba magpapaka baboy sa ganung schedule?

Well, hindi parin yun dahilan para mawalan ng desiplina sa sarili . Pero in my case napilitan akong mag mala Nora Aunor at sabihing “My brother is not a pig! Hindi baboy ang kapatid ko… Ako ang Baboy! Ako ang kumakain kahit matutulog na  lang! Kakain parin kahit kumain na sa labas, basta masarap ang ulam. Kakain na parang wala ng bukas at ang pagkain na para sana bukas ay ina-advance ko na rin.” Toinks :p

Yes, tama po mga kapatid sa pananampalatayang ang katabaan ay hadlang sa mga fitting na kasuotan… and  the headline is———> (pabulong) I gain weight. Okay uulitin ko na ng meso mas malakas! and  the headline is———> I gain weight. Ano mahina parin? Ou na eto na…. and  the headline is———> (pasigaw, yung labas bilbil at bituka) I gain weight!!!!!!! TUMABA AKO!!!!! 
Nagulantang ako sa nakita ko sa pesteng weighing scale at lumang medidang sumukat sa aking hunk malusog na pangangatawan. 78 kilos and a waistline of 38 inches. Alam kong matagal kong pinangarap tumaba pero ganito pala talaga ang tao. Hinahangad mo kung ano ang wala ka at minsan o baka madalas kapag nakuha mo na yung pinakainasam-asam mo marerealize mo na what you had is what you really want. At napakahirap ng bumalik sa nakaraan, maaring imposible pa nga talagang bumalik.
So I decided na simula bukas, October 15. 2014, ehem, saksi ang sambayanang wordpress… Magdadiet na po ako! Promise peksman, magutom man hindi ko na gagawing cheat day ang lahat ng araw! Hehehe.
P.S Sino may diet tips dyan at gym strategy pashare naman.😀