10602977_10203969729836345_1431767939_n

September 26 nanaman at magiging ganap na akong “legal age” kahit matagal ko naman ng ginawa ang mga bagay na dapat ay ngayon ko lang gagawin. Kayo ng bahala anu-ano ang mga iyon.

Simple lang ang naging celebration namin. This time sa biological family ko pinagdiwang ang kaarawan ko. Kumpara sa nakalipas na mga birthday ko na kasama ko e mga pamilya ko sa theater. Pero siyempre hindi din sila nagpahuli dahil nag celebrate din kami before ng birthday ko talaga kagaya ng ginawa din ng mga malalapit kong kaibigan.

Hindi siguro masyadong magiging mahaba ang kwento ko ngayon. Siguro parang ganito din kasi ang narealized ko after ng birthday ko… Na hindi naman lahat ng bagay o pangyayari o saloobin maikukwento. May mga bagay na mananatili lang sayo at kahit anong gawin nating paliwanag hindi nila ito maiintindihan at maniniwala parin sila sa kung ano at paano nila ito gustong intindihin.

Masaya ako. Sigurado ako doon. Pero hindi ka ganap na magiging masaya kung hindi mo naramdaman ang ganap na kalungkutan.

Maraming salamat sa mga taong nagmamahal sa akin, kilala ko man o hindi!

Nga pala dahil twenty one na ako ipagpapatuloy ko na talaga ang oplan liit tyan at balik alindog ng seksing katawan project ko! Watch out I’m gonna be a underwear model! Lol ;p