May ibang kulay ang gabi.
Pula, ang tamis ng una nating halik.
Puti ang malabulak na lambot ng iyong labi.
Dilaw, ang ligayang nadama ko sa yakap mo…

Itim, ang kasinungalingan ng iyong bibig.
Asul, ang lungkot na katumbas non.
Walang kulay ang dilim!