Wahahaha! Makakapag post na ulit ako sa wordpress. =)

Basta ko na lang naramdaman na kailangan kong mag post. Kahit napaka busy, kahit kasalukuyan kong pinagpupuyatan ang school work ng iba (raket, para makabili ng kendi). Kahit sarili kong mga assignments hindi ko pa nagawa, kahit kasalukuyang kinukulangan ng oras ang bago naming theater show na ako ang naatasang mamuno sa production.

Masaya naman ako, kahit naririnig ko si Adele na kumakanta ng makapagbagbag damdamin niyang “Love Song” at sinundan pa ng “Jar of Hearts” ni Christina Perri.

Eto nga pala yung bagong pinagkaka abalahan ko. Ang Atin Cu Pung SIngsing!🙂

singsing2 

 singsing

 Yup! Lolo role ako ngayon at napaka challenging!😀

Gusto ko pa sana magkwento kaso biglang napagtripan namin na tagalugin ang “Jar of Hearts” kanta muna kami!