Sa sobrang busog ng planner ko muntik ko ng makalimutan na may nagugutom pala akong blog.

February 18 is a day to remember. Lumipad ako papuntang Cagayan de Oro for Cinema Rehiyon. Not to mention first time ko sumakay ng airplane. At tama nga ang survey, mas enjoy sumakay ng bus.

Pero enjoy at sobrang sulit ang pag-absent ko ng 1 week to attend this once in a lifetime experience (sana huwag naman once lang). Sinamahan ako ni Leo (lead actress ko sa Matwang Dalaga) at napaka action loaded ng travel namin.

Nakita ko ulit si Peque Gallaga pero this time kilala ko na siya! Dati kasi akala ko pinagkakagukuhan siya ng mga kasama kong young film makers kasi ka-look alike siya ni Santa Claus. Nandoon din ang mag-inang sina Maria Isabel at Mara Lopez nakatabi at nakasama namin sa shuttle bus sa city tour pati si Ms. Cherie Gil na nakasabay ko naman sa eroplano pauwi.

Akala ng iba basta Mindanao, magulo, gera, patayan. Pero para sa akin deserve ng CDO ang “CIty of Golden Friendship”.

Puso

Puso ang tawag sa kanin na nakabalot sa hinabing dahon. Isa sa mga kina adikan ko pati na ng mga kasama ko na naka discover sa worldclass street food ng CDO. Nabilib din kami na parang sister companies ang mga street food carts nila doon na may pare-parehong tinda. At ang buko juice nila na tig limang piso pwede kang magpa refill for free!

Siguro nga pagkain ang isa sa mga hindi ko makakalimutan doon. Bukod kasi sa medyo O.A ang pagkamura, masarap din talaga.

Malinis din ang lugar nila doon, mababait ang mga tao na talagang Bisaya ang first language o di kaya’y English. Kahit mga crew sa fastfoods sa Bisaya ka kakausapin. Malayo sa amin na mas magtatagalog.

Pero sa pagkamulat at pagkamangha ko sa ibang kultura ng ibang lugar nakita at nakilala ko din kung ano ang kulturang meron ako.

Sa kabuuan masasabi kong mas minahal ko ang pagiging Kapampangan ko at mas na-inspire na kilalanin pa ito. Natuwa din ako sa ibat-ibang pelikulang ipinalabas kung saan na-encourage ako na pagbutihan pa ang mga susunod kong gagawing films.

PAL

First airplane experience

1656065_642008962539287_1956454498_n

Graffiti

Probin plus Puso is Love

1779701_642006402539543_218884399_n

CDO St. Augustine Metropolitan Cathedral

Leo, Mara and Me

Matwang Dalaga on Cinema Rehiyon 6 Catalog