Sa pagniniig ng mga pusa
maririnig mo ang halinghing
tunog na ayaw na niyang marinig
kung wala din ang pagmamahal.

Sa titig ng mga mata
sa umaandar na jeepney
mag-iinit ang makina ng isip
na ayaw na niyang makita

sa parehong dahilan.
Sa pagiisang dibdib-
sa sarili’t Panginoon
maghihintay ako sa tunay na pag-ibig.