Huwag kayo mag-alala, hindi parin natutupad ang pangarap kong maging mataba.
2013 ni Kaloy Tabachoy lang ang title ng post ko dahil bukod sa rhyming ang Kaloy at tabachoy
At napaka bait ni Lord at pinataba niya ng blessings ang 2013 ko. Kaya simulan na natin ang countdown!

1.Napabilang ako sa mga official delegates ng taunang CINEMA REHIYON na ginanap sa UP LOS BAÑOS.
2.Nabigyan ako ng pagkakataong sumulat at mag direct ng theater play. Ang BARBIE LIVE IN FAIRYTOPIA A.K.A FAIRYLAND.
3.Naisulat ko din ang theater script ng ALAMAT NG TSOKOLATE para sa Nayong Pilipino theater play production project.
4.Nagpa-TATTOO din ako sa taong ito, hindi ko ginawan ng post dahil medyo sikreto lang. Shhhh.
5.Nag-audition ako sa isang artista/talent search sa isang local tv station. Ang SEARCH FOR THE STAR IN A MILLION ng CLTV 36.
6.Naipalabas at nag-premiere ang Barbie Live in Fairytopia sa SM Clark at SM Pampanga kung saan ginampanan ko din ang role ni FUNGUS.
7.Isang amazing DAGUPAN ESCAPADE!
8.Natupad ang pangako at hiling ko na magbabalik eskwela na ako.
9.One Vision Project OUTREACH para sa mga kapatid na aetas.
10.Nakapag sulat at direct ako ng isang local commercial. Ang PANNI CARLO.
11.Nakapag-attend at naging bahagi ng artists gathering night na BULUS TALKS
12.Siyempre ang pinaka una’t malamang huling pageant na nasalihan ko ang MR. AND MS. CHM. Ehem hindi na din masama ang naabot ng first time experience ko na ‘yon.😀
13.Promoted ako bilang Creative Drama Class TEACHER sa mga makukulit at English speaking na bata.
14.Nakagawa ng isang Front Office Video Presentation.
15.Food and Beverage Function
16.HAUDS Debate
17.Nagkaroon ng isang Surprise Birthday Party mula sa isang matalik na kaibigan.
18.Nagkaroon ng VIETNAMESE BIRTHDAY CELEBRATION.
19.Nasubukan ko mag CROSS ENROLL sa ibang college.
20.Naging part time POETRY TUTOR sa Hillcrest Heights Institute.
21.Nawalan ng CELLPHONE dahil sa nakatulog ako sa jeep habang hawak ko ‘to. (Katangahan ba?)
22.Nakagawa muli ng isang KAPAMPANGAN SHORT FILM na naging finalist at BEST CINEMATOGRAPHY, KULTURANG KAPAMPANGAN AWARDEE ng CineKabalen.
23.Nakapasok din bilang FINALIST ang pelikula kong MATWANG DALAGA sa CINEMANILA.
24.Nag-aatend ng birthday party sa LEWIS GRAND HOTEL kung saan tinulugan ko lang ang lahat.
25.Na-experience ang makulay na GIANT LANTERN FESTIVAL.
26.Nakatapos ng isang HAPPINESS CAMPAIGN DOCUMENTARY
27.Naimbitahan sa premiere night ng DUKIT: official entry para sa Metro Manila Film Festival.
28.Nakarating ng SM AURA para sa PRESS CONFERENCE ng Cinemanila.
29.Nakapanuod ng isang indie film (ILO-ILO) sa Director’s Club ng SM AURA – MAG-ISA!
30.Naging bahagi ng KACIMOV – Kapampangan Cinema Movement
31.Nabisita at nakapag bakasyon sa Pasay.
32.Nakapag STAR CITY kung saan sinumpa ko ang FRISBEE!!!

Sa kabuuan masasabi ko na isang masaganang taong ang 2013. May mga kapalpakan pero sumotutal it’s a year to be remembered. Medyo bokya lang sa kwentong lovelife pero umaatikabo naman sa progreso ng career, kaya balanse lang.

Gusto ko palang pasalamatan ang bawat isang bumuo ng 2013 ko, sa mga nagbigay kulay, nagbura ng mali at kahit maging ‘yong mga taong dumungis. Kung dahil sa inyo hindi magiging TABACHOY ang bagong experience at kaalaman na natutunan ko.

Siyempre malaking pasasalamat din sa Panginoon na siyang pinanggalingan ng lahat.

Let me open the year 2014 with Matthew 6:10.

Your kingdom come, your will be done, on earth as it is in heaven.

\m/