Sabi ni ate kanina “talagang pang-bata lang ang pasko no Loy? (tawag sa akin sa bahay)” tinanong ko siya bakit.
“Kasi wala na tayong aginaldo, naalala mo noong bata tayo? Sa mga oras na ito, busy na tayo nagbibihis at nagbabahay bahay para mag mano…”

Siguro para sa bata talaga ang pasko, pero hindi nangangahulugan na kapag tumanda ka na hindi ka na parte ng mahalagang okasyon na ‘to.
Kasi sa pagtanda natin tayo naman ang gumaganap sa mga tinuturing na Santa Claus ng mga batang sabik sa okasyon na ‘to. At mas dapat natin maintindihan na ang pasko ay higit lalong para sa ating Panginoon.

Anyway nakainom ako ngayon kaya sabog palagay ko ang post na ‘to. gusto ko lang i-share na for the record ang paskong ito nanaman ang THE BEST bukod sa magkakasama kaming pamilya e sa madalang na pagkakataon nagsama sama ang malaking pamilya naming mga Kapampangang Hapon – CATU a.k.a KATO😀

Happy birthday Papa Jesus. I love you!❤