Matwang Dalaga

Matwang Dalaga (Matandang Dalaga) ‘yan ang title ng pangalawang short film ko. Ang entry ko for this year’s CineKabalen (isang regional short film competition sa Pampanga) . Malayo sa huling taon nito, mas maingay at mas inaabangan ang CineKabalen 2013 ngayon, marahil dahil na rin sa pagkapasok ng Babagwa (Spider Lair) ni Jason Paul Laxamana sa nakaraang Cínemalayà: Philippine Independent Film Festival 2013 – New Breed at ng 50% dagdag ng mga sumali ngayon kumpara sa mga entries noong CineKabalen 2012.

Kaya nga mas malaki at kapanapanabik ang lahat. Mas MALAKI dahil, sa SM Pampanga, Cinema 6 ipalalabas ang 12 Finalist na tinawag na Aring Sinukwan category, at mas KAPANAPANABIK dahil nakatatabang pusong nakapasok muli ang aking pelikula sa mga ‘yon at nahilera sa mga gawa ng mga hindi maitatangging batikan ng mamemelikula na nagmula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Bukas, Sabado, inaanyayahan ko kayong samahan ang kwento ng isang babaeng tunay na magmamahal. Isa itong pasasalamat sa mga tagapag-alaga ng pamilya, takbuhan ng mga katulad ko, katulad nating, mga pamangkin, anak-anakan, kaibigan. Ang kwento ni Pisyang, ang bida nating Matwang Dalaga!