Nga pala gumawa ako ng personalized sticky note calendar para sa school sem. at para nadin i-organize ang busy at sabog kong buhay.

sticky notes calendar

Akala ko ‘yon lang ang kakailanganin ko para umayos ang takbo ng nabubuwag kong mundo.

Pero sa bawat sticky notes na naisasakatuparan ko, parang may kulang padin. Hindi parin ako masaya. At sa bawat isang gawaing isusulat ko sa mga makulay at madikit na papel ay nagbubunga ito ng mas marami pang frustrations at kakulangan.

Hanggang nitong Miyerkules idinikit ko sa kalendaryo ko na magsisimba ako sa linggo.

Kanina halos lamunin na ako ng katamaran at iba pang hadlang sa plano kong magsimba.

Pero dahil ‘yon ang nakalagay sa kalendaryo ko, pinilit kong matupad ito.

Nagsimba ako mag-isa dahil ayaw daw sumama ng kapatid ko, isang dahilan kung bakit ayaw ko din magpatuloy.

7:30pm, huling misa na ang naabutan ko pero nasimulan ko naman ito.

The gospel is about living our suffering with dignity.

Hindi ko alam pero habang sinusulat ko ‘to… nawawalan ako ng salita, hindi ko mailarawan.

Basta pagkatapos ng simba kahapon, alam ko na ang kulang, hindi pa maayos ang lahat, pero masasabi kong alam ko na ngayon kung saan magsisimula.

#blessed