Trying to give life sa naalikabukan ko ng storya. Please try to give comments.🙂

AVARICE

I

Tahimik. Madilim. Parang hindi umiihip ang hangin. Nakakatakot.

“Evaaa, Avaaa.” husky at tumatango-tangong sambit nung matanda sabay tingin sa’min ng kakambal kong si Eva habang kausap niya si Prida mula sa kinauupuan namin.

“Uy!” kalabit ni Eva. “Panget ng bahay no?”

“Shh. ‘wag ka ngang maingay. Marinig ka pa nung matanda lutuin ka pa mamaya. Tsaka hindi pa naman natin nakita ang bahay, ‘wag kang judge mental.” bulyaw ko.

“Mukha siyang mangkukulam. Nakakainip, kanina pa sila nag-uusap. Matatapos ba sila?” tanong ni Eva, halatang naiinis na sa paghihintay. Tinignan ko ulit sina Prida, mukhang malapit naman na silang matapos.

“Patapos na ata sila, tumahimik ka na lang muna dyan.” sagot ko sa kakambal ko tsaka niya ako tinalikuran at isinuot ang headset niya.

Binalikan ko ulit ng tingin sina Prida. Tumatango-tango lang ‘yong matanda. Muli, binalikan niya ako ng tingin, pero sa pagkakataong ito, niliit niya ang kanyang mga…

View original post 191 more words