At dahil pang-apat na araw ko ng walang pasok, nagkaroon ako ng nakaw time para panuorin ang The Conjuring which in my opinion over rated at ang Despicable Me 2 na napaka satisfying para sa akin at syempre nagkaroon ako ng oras para… (drumrolls) mag-update ng blog… Salamat sa raket kong paggawa ng script napaupo ako sa harap ng computer. Hehe.

Mga dahilan kung bakit wala ako masyadong paramdam.
1. Katamaran.
2. Katamaran.
3. Katamaran.

I don’t think may iba pang dahilan maliban sa katamaran para sa isang blogger/manunulat na hindi makapag sulat. Pero kahit ako aminado na totoong busy talaga pero totoo din na nakakatamad talaga lalo na malamig ang panahon masarap humilata. (pati pag-ligo nakakatamad nga din eh.)

After may last post, kung saan sinabi ko na pandagdag ako este kandidato ako bilang Mr. CHM (sa college ko) [Nga pala ano maganda i-talent? No joke I need suggestions] nagtuloy-tuloy na ang rocky road ng buhay student/theateractor/director/creativedrama teacher/leaderngmgagroupworksatresearchpapers/presidentngsection/kaibigan/anak/mamayanngbansangPilipinas ko. Hindi na nagpahinga ang planner ko at naubusan na ng tinta ang panulat kong pinitik ko lang sa classmate ko.

Well anyway this post is really dedicated sa mga taong apektado sa bagyo ngayon kahit na suspended ang klase parang ang lungkot isipin na may mga lubog tayong mamayan at sa mga teachers, employee at estudyanteng nag-rally sa school namin mula last week I hope dinggin ang pinaglalaban nyo/natin I support you with my prayers…

Lord, God grant me the serenity
to accept the things I cannot change;
courage to change the things I can;
and wisdom to know the difference.

AMEN.