Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, baka wala talagang simula ‘to.

 

Biglaan ang lahat. Siguro nagsimula sa pangarap? Last post ko dito bumalik ako sa pag-aaral. Hindi ko naman akalain matatanggap ako, pero aminado ako ginalingan ko ang pagsagot sa interview sa screening, doon ako magaling e, SUMAGOT. Kaya ayon, photoshoot namin sa biyernes, walang pasok, out of town shoot daw para sa mga official candidates ng Mr and Ms. ng college ko, ou, kasama ako.

 

Isama nyo naman ako sa dasal nyo mamaya! Hahaha.😀