Ehem! Buhay pa po ako. Pero magpapanggap akong patay ngayon para magparamdam.

Matagal-tagal din akong umabsent dito sa wordpress, dahil mag-iisang buwan na akong present sa eskwela. Yup! Balik eskwela na si Kaloy. Inuulit ko, balik eskwela na si Kaloy!!! Inuulit ko ulit, balik eskwela na si Kaloy!!! BALIK ESKWELA NA AKO! Paulit-ulit na ba? Sorry masaya lang kasi talaga.πŸ˜€

Lunch time with my new classmates. :)

Lunch time with my new classmates.πŸ™‚

Same course, same school pero updated and better me. Third year HRM padin ako sa Holy Angel University. Gusto ko sanang mag-shift ng course na mas related sa trabaho ko pero I decided na tapusin ko na muna ‘to. Noong mga unang araw aminado ako na medyo hindi na nga ako sanay maging estudyante. Nabobore ako sa mga teachers, classmates, naliligaw ako ulit sa mga offices at classrooms at nangapa ulit ako sa student life. Tipong ang mga”tests” ay ite-take ko ulit after learning the “lessons” na ituturo ng mga teachers. Malayo sa naranasan at nakagawian ko na sa trabaho- araw araw “test” at madalas kasunod ‘yon ng “lesson”.

Pero dahil kailangan kong matapos ng pag-aaral, inisip ko na lang na trabaho ko ngayon ang maging estudyante. At kapag sinabing trabaho, “we should always commit to excellence” at syempre “have fun!”.

And because of that, I’m loving my job.

Nga pala ako ang president ng section namin, tapos recruited din ako to be an official member ng isang bagong org. sa school ang HAUDS o Holy Angel University Debate Society. Then may new offer ngayon ang school ang “work and travel” tipong pwedeng kunin ang practicum namin sa USA. Tapos may new goals and objectives din ako syempre, at isa sa mga ‘yon ay ang maging

President’s Lister this school year. (Crossed fingers)

Medyo napahaba na ata ‘to, namiss ko lang talagang magkwento.
At namiss ko din lahat kayo!πŸ˜€