Katatapos ko lang sa medyo luma ng libro ng isa sa mga paborito kong author noong high school bookworm pa ako, si Ginoong Mitch Albom.

Ayoko naman ikwento ang istorya ng libro, pero pagkatapos kong basahin ang “for one more day” niya, sumang-ayon ako na “When someone is in your heart, they’re never truly gone. They can come back to you, even at unlikely times.” 

Recently, nawalan ako ng cellphone. Though hindi naman ako masyado nalungkot about it, nag-effort parin ako na hanapin at umasang babalik parin ito sa piling ko- pero wala, hindi na talaga ‘to nagpakita.

Nag-public announcement ako via Facebook and life goes on…

Tapos one day habang naghahanap ako ng damit na pangmagsasaka na pula (costume ni Elias) sa public market ng City of San Fernando kasama si Erica dahil  may raket kaming dalawa bilang ako si ELIAS at siya si MARIA CLARA may biglang sumigaw sa pangalan ko.

Carlo! lo… lo… lo… [echo]

Bakit hindi ako nagrereply? Bakit hindi ako sumasagot sa mga tawag niya? Sino siya? (nguso kay Erica)

Ang dami niyang tanong, pero ng mga oras na ‘yon, ang saya ko na makita ko siya ulit. Parang sa kalagitnaan ng exam mo na hindi mo pinaghandaan e bigla kang pinasahan ng answer key. Alam mong hindi tama, alam mong mali pero hindi mo mapigilang mapangiti.

Mahirap ibalik ang dati ayon sa libro ni Albom, pero hindi naman niya sinabing imposible.❤