Kaya ayun, pagkatapos ng mahigit isang buwan na pinag paguran, puyatan, at pinagtyagaan naming Summer Grand Recital hosted by Erica at ang masugid ninyong manunulat noong June 1, (birthday din ni Leo) nagtambay kami sa park kung saan nabuo ang tapang ng aming memorable travel.

11pm tapos na ang lahat, nasa park kami nina Erica at Leo. Tig-isang swing kami, nagluto daw ng pansit ang nanay ni Leo, pero hindi siya ganun ka-excited dahil walang gaanong lasa magluto si mother dahil sa health conscious ang matanda.

12am nasa 7 Eleven kami, pinagpapalanuhan ang mga magiging hakbang namin. Sabi ko, gusto kong pumunta sa ibang branch ng 7 Eleven, pero’yong ibang dialect na ang ginagamit ng mga tao.

1am nasa bus terminal na kami, gusto namin mag out of town. Baguio! Kaso kukulangin ang tiglilimang daang pisong pera namin. Gusto namin mag beach, wala kasing dagat sa Pampanga, (Pampanga river meron).  Nagtanong kami sa konduktor, meron daw dagat sa DAGUPAN. Pasok naman sa pera namin ang 211 each na pamasahe papunta roon, bahala na kung paano makakauwi.

Pagkagising ko, nasa Dagupan na kami. 3:30am ng tignan ko ang relo ko. Isinakay kami ng tricycle ng mabait na konduktor na nagsabing may beach sa dagupan, nagkataong pa na biyenan niya ang tricycle driver na naghatid sa amin papuntang dagat. 700 ang unang presyo ng cottage na tinanungan namin, tinuruan kami ni ng biyenan ng mabait na konduktor na mangpanggap na taga St. Michael lang kami para ‘wag kami singilin ng mahal at dahil pag-arte ang trabaho namin, pati accent nila sa pagsasalita at paggamit ng “MANONG at MANANG” nakuha naming gayahin.

4:30am natulog kami sa cottage sa halagang tatlong daan.

6:30am gumising kaming tatlo at lumangoy sa maalat na dagat, nakasakay din kami ng bangka at nakapag almusal ng bangus.

Paubos na ang pera namin, kailangan na namin umuwi. Last plan, maglakad sa city proper ng Dagupan, window shopping na lang ang pwedi naming gawin.

Pero, may biglang kumausap sa amin. Matandang lalake, Attorney. Taga dagupan at nagkakawang gawa na tumutulong sa inilalabang lupa ng may ari ng cottage na nirentahan namin. Napansin niya kami, nagtanong kung sino kami at nagpakilala kung sino siya.

Siya daw si Atty. Rudolfo Urbiztondo, ang ang nag-impeach kay Erap at Assistant Solicitor General.  (hinidi ko masyado maintindihan ang trabaho at posisyon niya halos technical terms kasi ang mga narinig ko.)  Nagpapicture siya sa amin at nagbigay ng calling card dahil nalaman niya na niyang theater actors kami- at mahilig siya sa theater plays. Kinuha din niya ang number namin tsaka na siya umalis. Bumili lang kasi siya ng sariwang isda kasama ang isa sa walo niyang anak na bigatin ang mga natapos sa University of the Philippines.

10am plano na naming bumalik sa Dagupan City, kulang ng ang pangkain namin.

but God is good. Atty. Urbiztondo called and invite us in his farm for a lunch.

Kaya ayun nagpatuyo kami kaagad (wala kaming dalang ibang damit kundi ang suot namin, na ginamit din naming pangligo sa dagat)  at sinimulan na namin ang journey to our next stop, Villa Fanni!

Sumakay kami ng jeep pabalik ng City proper, doon ko naalala na gusto kong mag 7 Eleven kung saan hindi na Kapampangan ang salita ng mga tao kaya tinupad muna namin ‘yon bago humanap at naghintay ng jeepney papuntang Malasique, medyo traffic pero pagdating doon tricycle na lang at nakarating na kami sa farm ng bago naming kakilala.

266 pesos ang lahat ng nagastos namin para makarating sa Farm. Buwis buhay na kami dahil pamasahe pauwi na lang ang pera namin. Buti na lang at napaka bait nina Atty at ng kanyang anak na Doctor pala. Kumain kami ng homemade fisherman’s soup at napakasariwang mga bangus. Pagkatapos ay hinayaan niya kaming libutin ang napaka payak at tahimik niyang hobby farm.

Ibinahagi din niya ang kanilang mga picture album kung saan nakita ko ang ilan sa mga kilalang public figure ng bansa kagaya nina Renato Corona, Cory Aquino, Imee Marcos at si Eddie Guttierez.

Pagkatapos ng lahat ng iyon, inihatid pa kami ni Kuya Igor, (anak ni Atty.)  sa terminal ng bus.

Totoo nga ang sinabi ni Paulo Coelho, “Travel is never a matter of money but of courage na dadagdagan ko ng luck and charm.”

At para tapusin ang blog post ko na ito, gusto kong i-share ang quotable quotes ng mga taong nakilala namin sa Dagupan.

(talking about kung mastranded kami sa gitna ng dagat, which I think can be applicable to life)

“sumunod ka lang sa sayaw ng alon, meron at merong tutulong at sasaklolo sa ‘yo”  -may ari ng cottage na nirentahan namin

grow old with grace and style.” -Atty. Rudolfo Urbiztondo

sinabi din niya kina Leo at Erica…

I always tell my daughters, follow your heart.

two thumbs up, DAGUPAN!!!😀

(to be follow na lang ang mga pictures namin)