Avatar-Movie-Quotes

Beginnings are always exciting, pero kaakibat ng mga iyon, may kailangan kang tapusin. Bonus na lang kung makakapag paalam ka pa.

One of my lolo died,  I can’t say na close kami. Siguro dahil sa Manila siya nakatira or hindi kami nagkaroon ng moments like her sister na kinalakihan kong lola.

But I’m sure na just like my lola, good person din ‘tong lolo kong ito. Bakit ko nasabi? Kasi good person ang anak niya, tita ko. Kahit hindi kami nagkasama ng matagal ng tita kong ‘to I always believe na may prinsipyo siya. Isang bagay na mahalaga sa isang tao.

Isa ang tita kong ito sa mga nagparamdam sa akin na okay lang mangarap, na kung kaya mong pangarapin ang isang bagay, kahit gaano pa kaimposible, makakamit mo. Isa siya sa mga nagpatibay sa paniniwala kong “abutin mo ang happiness mo, because that’s our ultimate goal in life, maging masaya”.

May mga taong masaya kapag nakikita nilang masaya ang pamilya nila, may ilan naman na masaya ng makakain ng tatlong beses isang araw. Kahit ano pa ang kasiyahan ng bawat isa sa atin, at the end of the day, it’s about our personal happiness.

Ang nakakatakot lang minsan, akala ng iba… masaya na sila sa mga bagay na meron sila, meron din namang hindi nila alam kung ano ba talaga ang makakapag pasaya sa kanila. Kaya patuloy sila sa paghahanap  sa hindi nila alam.

Going back about the death of my lolo, pinagdarasal ko na sana during his stay here in our world, nalaman niya kung ano ang happiness niya, at sana nakamit niya ‘yon.

For his family and sa tita ko, I’m extending my deepest sympathy to you in your loss. I’m hoping that comfort and peace may come to you.