Ang sarap sigurong maging paborito…

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon.

 

Rock and roll ang mga naging experiences ko recently, at kapag sinabi kong rock and roll, eh talagang ROCK AND ROLL (dapat may exclamation point, kaso sira ang keyboard, pagpasensyahan na lang)   Tipong mapapa head-bang ka sa mga pangyayari. Parang gusto mo mag suicide sa dagat-dagatang trabaho na hinaluan pa ng mga walang kakwenta kwentang, pambata, at hindi pinag-iisipang  issues.

Nagkaroon ng tenga ang mga pader at kung anu-anong mga nagliparang mga chismis ang bumalandra sa tumataba nagbibinata kong katawan. Na naging usap-usapan din ng mga matatabil ang dila.

Tumataba daw kami/ako dahil paborito kami ng boss at wala na daw kaming kontrol sa pagkain. (Pwedeng  tumawa sa napaka grade school na issue na ‘to)

 Sobrang laughtrip ‘ko nung makarating sa akin ang nagliliyab na issue na ‘to. Imagine umabot sa puntong pati body growth namin/ko pinag-uusapan na nila, ano pa kaya ang mga nagawan nila ng balita? Baka pati bilang ng mga tinga namin sa ngipin, bilang nila at may listahan pa kung saang pagkain nanggaling ang mga tinga na ‘yon. (sigh) Dami nilang oras para sa tsismisan, kaya pala nagawa din nilang sabihin na SELF CENTERED kami. Hindi nga siguro kami nagbabahagi ng mga trabahon na kapag may pinagawa o nagpatulong ka eh pwede na ang pwede na sa kanila. Anyway, para pagaanin ang kwentuhan at hindi naman magtunog kabitteran itong post ko after a long time, let’s just forget about them. Sabi ko nga, “if they don’t care about you, better to care about yourself .” Wala na nga silang pakialam sa pakiramdam mo, pati ba naman ikaw hindi mo iintindihin ang sarili mo?

So I decided to forget about them, I planned to quit. Tapusin ang lahat, pero mukhang hindi pa tapos ang trabaho ko kaya kailangan ko munang tapusin. So I stayed, hindi naman din talaga maiiwasan ang mga rivalry, issues at mga hindi pagkakaintindihan sa isang kumpanya lalo na sa mga artists mind dahil nasa loob ako ng theater company.

Pero this summer hindi muna ako actor, promoted ako to be a “Creative Drama Teacher” na ibang experience nanaman. So far hindi siya madali, para kading umaarte everytime tinuturuan mo ang mga english speaking mong mga students. Pero somehow after every class, nakasmile ako. Okay na din ‘yon.

Tapos, this past few weeks nasubukan ko din mag-audition para sa mainstream audience. (Natry ko na mag-audition sa PBB kaso mukhang fake audition ata ang napuntahan ko noon, this time totoo.) Regional channel sa amin ang CLTV 36 at meron silang talent search contest na siyang sinalihan naming mga paborito ng boss na nagsisitabaan dahil wala na kaming kontrol sa pagkain.

Apat kami, at we named our group as “The Favorites” (hulaan mo na lang kung bakit) parang Pilipinas Got Talent ang theme ng contest, so nung nalaman na we are from a theater group medyo madaming interview and nginitian at sinagutan namin. Mahirap pala talagang magpacute sa harap ng camera, especially kapag galing ka sa theater kung saan lahat halos ng tao, balahura.

During the audition ang energy level namin eh pumalo ng 99% na hindi pala maganda sa tv. Dapat laging pa-tweetams lang. At ang inaabot kong tono eh hindi ko naabot, na napansin ng isang parang Simon Cowell na judge na outloud and public na pinuna ang (in the making) golden voice ko. Pinuna niya din na okay daw kumanta ang tatlong kasama ko. (Eh hindi naman kumanta ang isa sa mga ‘yon, saan niya kaya narinig ang boses nung isa kong kasama?)

Pero kahit ganoon binigyan naman ng chance ang pinaka singer sa amin, kumanta siya at napabilib naman niya kahit papano ang mga manoood. At to make the long story short, hindi kami nakuha lahat to proceed sa next round pero, pinausad nila ang pinaka singer sa grupo namin.

Masaya na kami doon, dahil alam namin may laban parin kami.

Kanina, unang airing nung audition day sa tv, at tama nga ako. Masarap talagang ipapanuod sa mga viewers ang pagtataray ng judge. Yup, nandoon kami kanina sa tv. Natuwa at natawa ako dahil una, sintonado nga talaga ang ginawa ko, pangalawa kahit papano, hmm… medyo presentable naman pala ang mga pagmumukha namin sa tv, at pangatlo totoo pala ang napaka showbiz na quotation na…“Negative publicity is still, publicity.” 🙂