Ang daming nangyare, ang bilis, parang mga shooting stars na nagtatakbuhan sa kalawakan.

Malapit na ma-expire ang isang taon ko. Isang makasariling taong inilaan ko sa mga gusto kong gawin, mga gusto kong masubukan- na hindi ipinagdamot ng panahon.

I remember the exact lines na sinabi ko kay Mama bago magsimula ang lahat, “Ma, 1 year lang. After that, kung ano man ang mangyare, babalik ako ng pag-aaral, promise.” and then, as always, sinuportahan lang ako ng numero unong fan ko.

Iniwanan ko ang normal path ng mga tao, nagtakip ako ng mata at naglakad sa kawalan.

Unti-unti…

Nakasanayan ko ang mundo ng mga artists. At tila nagtransform din ako bilang katulad nila.

Rehearsals, vocalizations, scripts, lyrics, stage, audience, tours..

Napakalayo sa alam ng dila ko, na kalauna’y naging salita ko na, naging buhay ko na rin.

Tapos parang bituin, bigla na lang kuminang ang pelikula.

cinema rehiyon 5

Matapos akong turuang magsabuhay ng karakter sa entablado, dinala naman ako sa likod ng DSLR.

Beginners luck siguro ‘yon, pero sa una naming sabak at subok sa film making, hindi ko inasahang dadalhin kami nito hanggang sa mas malawak na galaxy, kung saan nagkikitakita  ang mga bulalakaw.

cinema rehiyon 5

Cinema Rehiyon 5 – isang pagtitipon tipon ng mga manggagawang kwentista sa pamamagitan ng

camera. Isang linggong panunuod ng mga sari-saring pelikulang hango sa dalampasigan ng malawak nilang/naming kaisipan.

cinema rehiyon 5

Sa UP Los Baños naganap ang lahat, at doon din sa kabundukan ng Makiling nagsalpukan ang mga mumunting bituing papakinang palang o halos wala pang kinang. At isa ako sa mga iyon.

cinema rehiyon 5

Ang sarap tumingala sa mga nagliliyab na bulalakaw, ang sarap mangarap, nakatutuwang pakiramdamam ang init ng bawat nakasama kong bagong kaibigan.

Huwag sanang magsawang dumaan ang mga shooting stars sa buhay ko.Init na nagpa apoy sa kagustuhan kong ipagpatuloy ang aking sinimulan, aming nasimulan.

cinema rehiyon 5

Maraming salamat!